Chapter 45

487 12 0
                                    

-xTinayy-

Hey guys! Gusto ko lang bigyan ng highlight ang lovelife ni Ash. Ayoko maging sad ang mga characters ko hahah. Anyway enjoy reading!

Salamat sa mga positive comments niyo!

Vote, follow, and share❤️


















Author's POV

Nagising si Ash sa pagkakaidlip at ay naramdaman niya ang sobrang pananakit ng buong katawan lalong lalo na ang pagkababae niya. Nang tingnan niya sa gilid niya ay nakita niya ang lalaking nakayakap sa kanya.

Si Fred.

Bumalik lahat ng alaala niy. Oo nga pala, kagustuhan niya ang lahat ng nangyari.

"Tanga tanga mo talaga Ash" sabi niya habang pinapalo palo ang noo.

"Good morning prinsesa ko. Gising ka na pala"

Napamulat siya ng magsalita na ang lalaki na akala niya ay tulog na tulog pa.

"Anong prinsesa pinagsasabi mo? Aalis na nga ako" hiyang hiya niyang sabi at agad pinulot ang damit.

Pinigilan naman siya ni Fred at niyakap. Ano nga ba namang laban niya rito. Kahit na hindi kasing tikas at kasing tangkad ito ni Charles ay malakas ito kumpara sa lakas niya.

"Ano ba! Let go of me!" Pagpipiglas niya pa sana rito.

"Teka lang sungit ha. Kanina lang ang wild mo ngayon bumalik kana naman sa pagsusungit?"

Hiyang hiya naman si Ash at pilit paring pumipiglas ngunit wala siyang laban.

"Tumigil ka nga!"

"Hindi. Hinding hindi na kita titigilan lalo pa napa sakin kana" sabi ni Fred at ngumiti ng nakakaloko.

"Lasing lang ako. Isang pagkakamali lahat to kaya let go!"

"Diba gusto mong makalimutan si Sir Charles? Pumayag na ako na gamitin mo ko, Ash. Gusto kong mawala na siya sa isip mo" sabi ni Fred na biglang nagseryoso.

Natahimik naman si Ash at malalim na nagisip. Oo nga at gusto niyang makalimot at ito ang naisip niyang paraan. Naiinis siya sa sarili dahil pumayag siyang kunin siya ng lalaking hindi niya lubos na kakilala. Ngunit hindi naman siya nito pinilit, siya pa nga ang namilit rito.

Tiningnan niya ang lalaki at nakita niya ang lungkot at punong punong sinseredad sa mga mata nito.

Wala siyang naisagot sa lalaki dahil ngayon niya narealize lahat ng mga ginawa niyang hindi pinagisipan.

Magsisimula palang ang career niya paano kung mabuntis siya? Anong sasabihin sa kanya ng mga magulang niya? Pinag aral siya tapos papatol siya sa isang lalaking malayo sa estado nila sa buhay?

Bumuhos ang luha sa mga mata niya at hagulhol sa bibig niya. Nang dahil sa ginawa niya ay mas lalong bumigat ang pakiramdam niya.

Agad siyang niyakap ni Fred. Nakaramdam si Fred ng pagsisi dahil nagpadala siya sa tukso ng babae. Ngunit nangyari na lahat. Wala ng atrasan.

"Tahan na Ash. Patawad pero kelangan nating harapin ito. Nandito na tayo sa sitwasyong to. Hinding hindi kita papabayaan. Pinapangako ko yan"

Inalis ni Ash ang kamay ni Fred.

"What if I'll get pregnant huh? Ano sasabihin ni mommy at daddy sakin? I'll fail them! This is all my fault! Mas pinalala ko ang sitwasyon!" Sabi niya at muling umiyak.

"Alam kong possible nga ang sinasabi mo Ash dahil hindi ako gumamit ng proteksyon habang ginawa natin yun kanina. Pero sabi ko nga sayo.. hinding hindi kita papabayaan sa laban. Hayaan mo kong samahan ka sa lahat ng to. Pangako ko yan sayo, hinding hindi kita iiwan. Tutulungan kitang makalimot sa lalaking minamahal mo ngayon at tutulungan kitang harapin lahat ng problemang ito." Sabi ni Fred habang hawak ang kamay ni Ash.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now