Chapter 43

535 14 9
                                    

Kassandra's POV

Kinaumagahan nga ay pagkahatid namin sa anak namin sa skwelahan ay dumiretso kami ni Charles sa pulis station upang ireklamo ang pagbabanta samin ni Alissa. Si Charles na ang nakipag usap sa sarhento at nakikinig lamang ako.

"Sa pagsesearch namin Sir sa taong sinasabi niyo ay wala kaming mahanap na anomang pagkakakilanlan sa satellite image. Pero huwag kayo mag alala naipakalap na namin ang litrato ng babaeng ito sa buong kapulisan sa buong luzon kaya kung sakali na may lead kami ay tatawagan agad namin kayo para sampahan ng kaso itong si Alissa" mahabang paliwanag ng pulis kay Charles.

"Gawin niyo ho ang lahat sir. Lalo pa kaligtasan ng pamilya ko ang nakasalalay dito"

Matapos ngang gawan ng report ng pulis ay umalis na rin kami doon. Kahit papaano ay nawalan ng tinik sa dibdib ko. Iniisip ko na hindi kayang gawin ni Alissa ang mga pagbabanta niya samin.

"Love? Are you okay?" Tanong ni Charles sabay hawak sa kamay ko.

"Are you still afraid?" Gumuhit sa mata niya ang pag aalala niya sakin.

Ngumiti naman ako upang mawala ang pag aaalala niya sakin.

"Okay lang ako asawa ko. Kahit papano nakahinga na ako ng maluwag dahil naireport na natin itong problema natin"

"Love what if umalis na tayo sa bahay? Lumipat tayo kung saan hindi niya tayo masusundan?"

Napaisip ako sa sinabi nl Charles.

"Paano ang bahay natin? Nakakapang hinayang naman kung aalis tayo roon"

"Love.. we're just taking a break from all the chaos here. Lilipat lang tayo ng bahay pansamantala and when the situation lighted, bumalik ulit tayo. For security rin natin Love lalo na sainyo ng anak natin. Gusto kong payapa ang isip ko at hindi yun mangyayari kung hindi tayo aalis sa bahay na iyon"

"Ehh paano si mama at Tophe asawa ko?" Sabi ko na maluha luha. Kung bakit ba kasi nangyari ang lahat ng to. Ngayon tuloy lahat kami ay mag aadjust.

"Don't worry Love. Mag hahire ako for them para bantayan sila. For now just ease your mind. Ako na bahala sa lahat Love." Sabi ni Charles at hinalikan ako sa noo.

Tumango tango naman ako at tinuloy na namin ang pagkain. Naging okay na ako makalipas ang ilang minuto. Marahil dala rin ng pagbubuntis ko kung bat ako nagiging emosyonal.

"Love" pagtawag ni Charles sakin.

"Hmm?" Sagotko habang tuloy tuloy parin sa pagsubo ng kinakain.

"You do know how gorgeous you are don't you?" Sabi niya na siyang ikinatigil ko sa pagkain.

Naramdaman ko namang hinawakan niya ang hita ko. Napaka pilyo talaga nitong asawa ko.

"Asawa ko ano ba. Nasa public tayo" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya. Napatawa naman siya ng mahina.

"Sorry Love.. i just can't help myself. Kanina pa ako nagpipigil. Gusto ko na tuloy umuwi" sabi niya at malagkit akong tiningnan.

"Baliw!" Sabi ko na siyang kinatawa niya.

Binalik ko ulit ang itsura ko sa pagsusuot ng pambabaeng damit kaya ganun na lamang ang reaksyon ng asawa ko.

Pagkatapos namin kumain ay bumyahe na kami papuntang resto upang mag meeting si Charles at mga empleyado niya. Naisip niya kasi na magbakasyon ng ilang buwan at doon muna sa bahay mag trabaho. Mas mabutj nga yon dahil mas makakampante ako na maging maayos na maayos na ang kalusugan niya.

Maya maya ay may tinawagan si Charles at tungkol sa bahay ang pinaguusapan nila. Hinayaan ko nalang at nakatingin lang ako sa labas ng kotse.

"Love settled na ang lahat. Mamaya dun na tayo dideretso sa bagong bahay natin. And naayos na rin ng tauhan natin ang bagong school ni Lilac. Pag dating rin natinsa resto eh iiwan ko na tong kotse at yung bagong kotse na ang gagamitin natin"

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now