THE dusts entered my eyes as if they are wild bacteria that want to consume my corneas. Just when I thought that I had lived enough drama on this trip, a typhoon came.
And right now, the wind is slowly turning into an enemy.
Muling kumidlat na sinundan agad ng malakas na kulog. Napatili ako at ang kaba sa aking dibdib ay lalong tumindi. Where is he?
Nag-aalala ako dahil hindi pa rin dumarating si Rett. After our awkward kiss earlier, Rett insisted that I should head back to the cave while he'll continue looking for woods and food. Subalit, halos dalawang oras na ang lumipas ay wala pa rin siya.
What if he lost his way while heading to this cave? Surely, that's not impossible! He is still not familiar with his surroundings. On a second thought, baka naman pinapahinto lang niya ang ulan?
Tiningnan ko ang aking relo na waterproof, kapag wala pa rin siya matapos ng labinlimang minuto, susugod na talaga ako sa ulan at hahanapin ko na siya!
Ba't ba kasi naisipan pa niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng pagkain at mga kahoy gayong alam niyang paparating na ang ulan?
Ganoon ba katindi ang pandidiri niya sa naging halikan namin at ganoon katindi ang pagnanais niyang malayo sa akin?
Napailing ako. Stop thinking nonsense, Antonia! Anuman ang reaksyon ni Rett ay normal! My God! He has a girlfiend, remember? At bestfriend mo ang girlfriend niya!
You were like flirting with each other a while ago, and girl, that was a grave sin!
Sumandal ako sa dingding ng kweba habang yakap-yakap ang aking sarili. When I said that the wind is slowly becoming our enemy, I was not lying! Sobrang lamig na. Lalo tuloy akong nafru-frustrate sa nangyayari. If I am this cold here inside a shelter, then how about Rett who is currently out in the open? For sure ay naninigas na iyon sa lamig.
That's it! I am going to find him.
Lumabas ako at sinugod ang ulan, diretso kong tinahak ang daanan na maraming damo at halaman not fearing the possibility of wild animals and snakes that might appear. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si Rett!
Luminga-linga ako sa paligid, it is now dark at nangangapa ako sa aking dinaraanan. My only source of light is the lightning and that's the reason why I am able to see things clearly around me for a while. On my peripheral view, napansin ko ang isang anyo na nasa lupa. Noong una ay akala ko hayop. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang natantong si Rett iyon!
Oh my God!
Agad kong dinaluhan si Rett. Kasalukuyan itong inuubo at nanghihina habang pinipilit imulat ng maayos ang kanyang mga mata! Shit! Kasalanan ko 'to! Kung hindi lang ako gumawa ng kapalpakan, ay hindi aabot sa ganitong kailangan niyang umiwas at lumayo pansamantala!
Dali-dali ko siyang inalalayan patayo. Noong una ay kamuntikan na kaming matumba, pero dahil na rin napansin ni Rett na nahihirapan ako ay pinilit niyang tumayo ng maayos.
Nagpapasalamat ako na hindi kalayuan ang kweba mula rito. Maingat naming tinahak agad ang daanan pabalik roon.
Nang makapasok kami sa kweba ay agad ko siyang inalalayang makahiga. Damn it! What now? I am starting to panic.
I haven't got any experience on nursing someone who's sick before. Ano ba ang dapat gawin? Ang alam ko lang ay dapat may Biogesic? But shit! Nasa isla kami, ano ba ang ibang paraan?
Siguro na rin ay dahil sa adrenaline rush ay kaya dali-dali akong naghanap ng mga bato sa kweba. I am gonna create fire!
Pinagkiskis ko ang dalawang flat na bato, at hindi iyon hinintuan hanggang sa tuluyang magkaroon ng sparks. Wow sparks, big word. Mabuti pa ang bato.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...