I didn't know what bravery really means until I learned fear.
Growing up, I was conditioned to be dependent. Nasanay ako na nariyan palagi ang parents at kuya ko kung kaya't nasanay ako na pinoprotektahan. But that changed when that turbulence came and got me trapped on the island with Rett. And since then, I learned so many things out of fear.
Dahil sa takot na baka maging pabigat ako noon sa isla, natuto akong kumilos ng kusa at walang inaasahan.
Natuto akong maging malakas dahil sa takot na maging mahina.
I then realized how fear is essential for us humans to master courage. Kailangan munang maranasan ang takot para matuto tayong maging matapang, matuto tayong magkusa o tumayo sa sarili nating mga paa.
Itong prinsipyo ang pinanghahawakan ko ngayon. Na sa kabila ng takot na nararamdaman ko sa mga pangyayari ay mananaig ang tapang at pagkukusang magpatuloy lumaban.
Nagtataka kong tiningnan ang driver.
"Ma'am Antonia? Pinapasundo na po kayo ni Sir Vasquez sa akin," sabi ng lalaki. Hindi pamilyar ang lalaki kaya noong una ay hesitant ako.
"Tell him to call me first, para alam kong sa'yo talaga ako sasakay," malamig na sabi ko. I just want to make things clear. Now that I have a baby, I need to be sure of things.
Tumawag si Rett kalaunan at sinabing pinapasundo niya talaga ako. May narinig akong isang malanding tawa mula sa kabilang linya.
Is it Dana?
No. Wala pang malay si Dana.
Bigla akong napahawak ng mahigpit sa telepono at saka pinatay na ang linya.
Tahimik ako buong biyahe, ni hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng driver.
Maging ang aking pamilya at si Laurent ay hindi alam ang naging kasunduan namin ni Rett.
Hindi na ako nakapagpaalam sa pamilya ko. I only texted them this morning stating that I need to fix things and will be back after a week. Hindi ko na rin hinintay ang replies nila dahil tuluyan ko nang pinatay ang aking cellphone.
3 PM nang makarating kami sa lugar.
Lumiko ang sasakyan at ganoon nalang ang gulat ko nang huminto ito sa isang pier. Pinagbuksan ako ng driver at nagulat pa ako nang kunin nito ang cellphone ko.
"Kailangan pa ba?" Asar na tanong ko.
"Pasensya na po, Ma'am. Napag-utusan lang po ako!" Nagkakamot ng ulo na sabi nito.
Inismiran ko ito at binigay nalang ang gadgets ko rito. Pagkatapos n'un ay iginiya niya ako patungo sa dock at saka kami roon naglakad.
He led me to a 3-deck yacht.
Napasinghap ako. What is that man up to?
"Pasok na po kayo riyan, Ma'am. Nariyan po si Sir Rett," sabi nito at tumango ako.
Pagkapasok ko ay nagulat ako nang may lumabas na isang babae. Hapit ang suot niyang dress.
Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa.
Hindi ko mapigilang kumunot ang noo.
Umismid ito at saka umalis na.
Napahawak ako sa tiyan ko. Malakas ang kutob ko. This is going to be a long week.
Pagkapasok ko sa yate ay halos mamangha ako sa kanyang laki. Maluwang ang area sa lounge area ng sasakyan. I am also amazed with the white, brown and gold combination of the interior. Puti ang kulay ng dingding at maging ang upuan at la mesa at sahig pero tumitingkad pa rin ito dahil sa mga kulay ng decorations gaya ng golden antlers and brown cabinets.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...