Chapter 30

92 22 1
                                    

Ang sabi ng lawyer ni Rett, isang linggo lang kaming magkasama. This is already our third day tapos sa kasamaang palad, maulan pa.

Marami akong ginawang plano para sana sa araw na ito. I want him to see how we lived back then. Kung paano kami magluto, kung saan kami madalas manguha ng gulay at prutas. Kung paano gumawa ng sabon at maging ng toothpaste.

Pero nasira lahat ng plano nang umulan.

Napabuntong hininga ako. He seemed so excited a while ago, but when the rain started pouring down, naging gloomy na rin ang mood nito.

Napailing ako.

Sinimulan ko ang pagtapal ng mga mas makakapal na dahon dito sa tree house. Kasalukuyang umuulan ng malakas kaya minabuti kong takpan ang mga butas na nasa kwarto ko at maging sa kwarto ni Rett.

He's currently making sure that the yacht is safe and is strongly tied and anchored to the coastland.

Masyadong malakas pa man din ang hangin at natatakot si Rett na matangay ito.

Aniya ay kukunin na din niya ang mga ilang gamit sa yate at dadalhin dito sa tree house.

Ako naman ay nagboluntaryong magluto na ng pagkain. Sa silong dito sa kubo ay nag-iihaw na ako ng isda nang biglang naalala ko na hindi ko nga pala nadala ang bag ko!

Shit! Naroon pa man din ang mga vitamins ko.

Matapos kong mag-ihaw ay pinatay ko na ang apoy. Binuhusan ko ito ng tubig para mawala ang apoy lalo na at walang magbabantay rito.

Ipinasok ko muna sa tree house ang mga inihaw kong isda at mga ilang prutas na napitas ko sa gilid at saka nagmadaling pumunta sa dalampasigan.

Malakas ang ulan at ang tanging pantapal ko lamang ay ang isang malalaking dahon na tira mula sa dahong ginamit ko kanina sa kubo.

Nasa parteng gubat na ako na malapit sa bungad nang naabutan ko si Rett.

"Where the hell are you going?" Nakakunot ang noo na tanong nito. Nakasuot na ito ng raincoat habang ang mga gamit na hawak niya ay nakabalot din ng isang raincoat.

"Yung bag ko. Naiwan ko ang bag ko, may mga gamit kasi ako doon na kailangan ko..."

Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na naroon ang mga gamot ko.

Paano na lang kung tanungin pa niya kung para saan?

Tiningnan niya ko ng mataman na parang gustong magtanong. But instead of asking me, nagbuntong hininga lamang ito at tumango.

''Fine, I'll get it. Balik ka na roon."
mahinahong sabi niya at saka may kinuha sa pocket ng kanyang raincoat.
"Here. I got an umbrella. Take this. Balik ka na sa bahay." Siya pa mismo ang nagbukas ng payong para mapayungan ako.

Umiling ako. "Huwag na! Ako na ang kukuha. Ikaw ang dumiretso na sa kubo."

His jaws clenched.

"The waves are dangerous. Masyadong malakas ang pag-uga ng yate and you might get hurt. Just... Antonia. Will you do what I say?"

Tumango ako at napasinghap. "Fine, thank you, Rett at pasensya na. Give me those things. Ako nalang ang magdadala sa kubo."

Umiling si Rett. "No It's fine-"

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at kinuha na lang ang mga hawak niya.

Kinuha ko na rin ang payong.

"Mas madali kapag ganito. Sige na, I'll wait for you in our hut. The food's ready too."

Tumango ito. "Okay, you take care then."

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon