We're in a hospital. Supposedly, may restrictions para sa bilang ng mga watchers at bisita na dadalo but since kilala ng may-ari ng ospital ang parents ni Rett ay hinayaan nilang apat kami na narito.
His parents, Dana and Me.
All of us are anxious while waiting outside the emergency room. Nakita ko rin ang madalas na pagsulyap sa akin ni Tita Sam, ang mama ni Rett.
Dumating ang Doctor at lahat kami ay naghihintay ng kanyang sasabihin.
"Good Evening! Magiging direkta na ako, the patient is fine but he's currently in a state of coma. Don't worry, based on his CT SCAN linggo o araw lang naman ang itatagal bago siya magising ulit." Sabi ng butihing doktor na nakapagpatigil sa aming lahat.
"W-What? Coma? B-But how?" Mama ni Rett iyon.
"There is a huge concussion mark in his skull na sa tingin ko ay ilang buwan nang naroon. Unfortunately, that swelling slows the production of oxygen inside his brain... May I ask if did he have any head injuries before this happened?"
Tiningnan ako ng parents ni Rett at maging si Dana.
I am the only person among us who knew about his welfare for the past four months kaya ako ang kinausap ng doktor.
Sinabi ko lahat ng alam ko tungkol sa mga nararamdaman niyang sintomas noong nasa isla kami. Paminsan minsan ay biglang sasakit ang ulo nito and would always mention Dana and would trigger some memories.
I told the doctor everything that I knew and even how the amnesia started. I remember how he left me in a cave and went out to look for firewoods and when a typhoon came, hindi ito agad bumalik. Nang hinanap ko ito ay nakahandusay na siya sa lupa.
He was burning hot because of fever after that at nang gumising ito ay wala na siyang maalala.
Since I was not able to see what Rett was doing when I found him lying on the ground that night, I could not totally point out what really happened.
Malalaman nalang talaga ang nangyari kapag nagising na ito.
"For now, all we can do is pray, I'm so sorry for the news," The doctor tapped the Tito Enrico's shoulder leaving us all shocked and crying..
Inilipat na si Rett sa isang room at nag-offer ako na bumili ng maiinom naming coffee.
"Salamat, iha" Tita Sam said weakly.
"Walang anuman po."
"Antonia, iha, maaari ka nang umuwi. Gabi na oh," Tito Enrico said but I only shook my head and smiled.
"Okay lang po ako, Tito," I said.
"Antonia, sige na huwag nang matigas ang ulo. Family lang dapat ni Rett ang nandito," Sambit niya na dahilan para mapahiya ako.
Nang lingunin ko si Tito at Tita ay hindi sila nakaimik at nag-iwas lang ng tingin.
Saka ko lang natanto na tama naman siya. Ba't ba ako nandito eh hindi naman ako kapamilya niya?
Bigla akong nahabag nang maalala kong malakas ang pag-iyak ko sa kanilang harapan kanina.
Awkward na napatawa ako ng mapakla.
"R-Right! I'm sorry! S-Sige uuwi na po ako. Pasensya na po!" Pagpapaumanhin ko pero umiling lang si Tito Enrico na humihingi rin ng pasensya.
"It's okay, Antonia. Hindi ka na naiiba para sa amin."
I am so drained when I went home. Wala na si Laurent doon at nakita kong nag-iwan nalang siya ng sticky note sa ref.
You're not answering my calls. Something came up at home, I had to go. Will be back tomorrow because I have things to discuss with your Kuya. I cooked sinigang, so please eat it. And give me a call once you read this.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
Storie d'amoreWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...