Tears rolled down my cheeks, tickling my throat. We received news today that Dana is currently in a coma while the baby is still striving to be safe.
Kahit anong mangyari, kaibigan ko pa rin iyon. Ang malamang wala pa rin siyang malay ay hindi kaya ng sistema ko.
No. Hindi iyon deserve ng kaibigan ko!
Halos hindi ako makakain dahil sa balita dahilan para mag-alala lalo sila Mom and Dad.
Pansin ko rin ang pagiging pagkabalisa ni Kuya simula ng malaman niya ang balita.
Wala na akong narinig na balita tungkol kay Rett. Matapos ng kumprotasyon naming dalawa sa ospital noong isang araw ay mas lalo akong iniipit ng awtoridad para magsalita.
I tried to reflect on the days where I organized their wedding. Pinilit inaalala kung alin man sa mga nangyari ang kahina-hinala.
Although our lawyer insisted for me not to cooperate with the interrogation, I still did it. My conscience couldn't let me be at peace knowing that my bestfriend is in danger.
It was a tough interrogation.
"We heard that you and Mrs. Vasquez took care of the wedding preparations. Is that true?" The female inspector asked.
"Yes."
"Kung ganoon, bakit hindi mo ipinaalam kay Mrs. Vasquez ang tungkol sa reception? Ang sabi niya ay hindi mo na siya ikinonsulta tungkol sa mga iyon?" Tanong naman ng lalaking detective.
Nakagat ko ang aking labi. Ito yung mga panahong ayaw kong nakikialam si Tita Sam. She was not really fond of the idea of me choosing themes for her son's wedding.
Madami siyang inayawan na mga kagamitan o mga tema sa kasal na may kinalaman sa isla o ano pa mang mga bagay na makakapagbalik ng memorya ni Rett.
Kung kaya't sa huling oras ng preparasyon ay doon ko pinalitan ang tema.
I intended for it to become meaningful.
Lahat ng gamit, pagkain o tema sa kasal nila ay ibinase ko sa kung ano ang naging buhay namin ni Rett sa isla.
It was supposed to be my farewell to him.
It was supposed to be a closure for both of us.
Napalunok ako at napilitan na umamin.
"Hindi ko nagawang konsultahin si Tita—Mrs. Vasquez gawa ng tutol siya sa mga ilang konsepto, o tema sa kasal na maaaring makapagbalik ng alaala ni Mr. Everett Vasquez. Hindi lingid sa kaalaman ninyo na naaksidente si Mr. Vasquez at matagal na nanatili sa isang isla. Dahil sa insidenteng iyon ay nawala ang alaala niya ng dalawang beses. "
Nakita kong nagsulat sa kanyang notebook ang detective.
Tumango tango ito at napahinga ng malalim.
"Kaya ikaw na nag-asikaso at pilit manipulahin ang pangyayari?" He asked again.
Hindi nakaligtas sa akin ang tinig niya na mapang-akusa.
"I might have manipulated the wedding preparations but I assure you that it is only with pure and good intentions."
Ngumisi ang detective.
Naglabas ng litrato ang detective.
Naroon ang mga litrato ng reception, mga pagkain, at maging ang photobooth.
"Based on the pictures, it is a not just a beach wedding theme but a wedding with a tropical island theme. Kung totoo nga ang hinala ko, Miss Milagrosa, sinadya mo talagang maglagay ng mga konsepto patungkol sa isla."
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...