Chapter 31

46 20 0
                                    

Naging matiwasay ang mga sumunod na araw.

Pang-apat araw na namin ngayon sa isla.

We are preparing now for the bonfire later. Kaya naman nagsisibak na ito ng kahoy.

He has always been a fast-learner. Natutunan niya agad kung paano ang pasikot-sikot maging ang mga paraan ng pamumuhay dito sa isla.

Hindi ko nga sigurado kung sadyang dahil pamilyar na siya roon o talagang adaptive lang talaga siya sa environment na kinabibilangan niya.

Paminsan-minsan ay sumasakit ang ulo nito. Ganoon din kadalas madurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.

Katulad na lamang ngayon ay nakaantabay ako sa bawat kilos niya. Palagi na rin akong nakasunod kahit saan siya magpunta.

Marami pa ring lugar dito na mapanganib kung kaya't kailangan siyang mabantayan. Mahirap na't baka atakihin pa siya ng sakit ng ulo sa mga lugar na mapanganib.

"Tama na 'yan, Rett. Magpahinga ka na't pupunta pa tayo sa falls!"

Tumango si Rett at nagpunas ng kanyang pawis gamit ang kanyang tuwalya.

Nakakatuwang nagagawa niyang sumabay sa agos ng buhay dito sa isla nang hindi ginagamit ang mga gadgets niya. To think that he also has a yacht and yet he still chooses to stay here.

He's always up for adventures and challenges at hindi na 'yun bago sa kaniya.

Naligo lang ako at piniling magsuot ng isang maluwag na t-shirt, trekking shoes at leggings.

Dala-dala ko rin ang aking emergency bag.

"Are you ready?"

Tumango ito at inabot ang aking kamay.

Halos mamula pa ako sa gusto niyang mangyari.

He wants us to hold hands!

Natatawa akong napapailing.

"This is corny!" I said.

"Tsk. I just don't want to get lost, that's all!"

Humagalpak ako ng tawa at naiiling.

Oo nalang. Kung saan siya masaya.

Nagmistula akong tour guide niya.

Kada may nakikita kaming mga halaman ay ipinapaliwanag ko kung ano ang mga ito at kung ano ang purpose nito sa amin.

Itinuro ko rin ang lugar kung saan maraming kumunoy.

Rett's so attentive and would ask questions if necessary.

"Have you already experienced being stuck on a quicksand?"

Tumango ako. "Yes, but it's not really like in the movies. Hindi naman nakakamatay ang quicksand. Eventually after a few minutes, the quicksand will automatically stop."

Tumango-tango ito.

"They put this island on the market for almost 10 years now but has been constantly ignored. Oo may kamahalan but looking all of these, I'd say the dime I paid for is really worth it."

"That's true and I don't think you're paying for the property itself but rather the peace and tranquility that come with it. Iyon ay hindi mabibili ng basta basta ng pera."

We're already walking for almost an hour when we decided to stop for a quick break.

Nilabas ko ang aking tumbler na gawa sa kawayan.

At ganoon rin siya.

"You're right, the water tastes better with this tumbler."

Tumango ako. "I told you so."

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon