THE feeling of having sands on my feet is part pleasure, part pain. I love how their roughness tickle my skin but at the same time I hate how the hot sands burn my naked feet.
"S-Sino ka?" tanong ko kay Rett dahilan para mabigla siya.
Ang kanyang mga mata ay biglang nanlisik. It's as if he's ready to strike once he finds out that I'm only fooling around.
Ibinuka niya ang kanyang bibig at saka muling itinikom. Paulit-ulit na ganoon. Tila ba may gusto siyang sabihin pero hindi lang niya masabi, sa huli ay bumuntong hininga lamang ito.
"You must have hurt your head really bad,"sabi ni Rett na naiiling at saka hinilot ang kanyang sentido.
Tinalikuran ako nito.
I even heard him cursing. Ni hindi man lang niya sinagot ang aking tanong.
Ngayon ay kasalukuyang nakabusangot ang mukha niya habang chinecheck ang kanyang cellphone. Mukhang naghahanap ito ng signal. Ang laylayan ng kanyang pantalon ay nakatiklop hanggang tuhod. Maging ang manggas ng kanyang puting polo ay nakatupi hanggang sa kanyang siko.
Nilapitan ko ito.
"U-Uhm, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," sabi ko rito.
Narinig kong bumuntong-hininga ito. "Hindi mo ba talaga maalala? You must have had an amnesia that's why you can't remember me. I am your boss and also your brother's bestfriend. You used to call me Ever back then but after you graduated college, naging Rett bigla ang tawag mo sa akin," sabi niya.
Pinilit kong huwag magpakita ng reaksyon sa kanyang turan dahil kung sakali ay malalaman niyang nagpapanggap lang akong mayroong amnesia.
But really? Naalala niya pa ang tawag ko sakanya noon?
"G-Ganoon ba?" sagot ko habang nag-iiwas ng tingin. "Bakit ako nandito?"
"We were riding on a chopper when a turbulence occured. The next thing I knew is we both jumped from that chopper, at dito nga sa islang ito tayo napadpad."
Tumango-tango ako habang hindi pa rin makatingin sakanya.
"Stay here. My phone is still working, I'll just go check and find signal," aniya at saka lumayo ng kaunti.
Sa tingin ko naman ay sobrang labo na makahanap ito ng signal. The horizon seems like extremely distant. There's no even land in sight aside from this island. Kaya naman ang magkaroon ng reception sa lugar na ito ay napakaimposible. Kung saang parte ito ng Pilipinas ay hindi ako sigurado. Pero alam kong hindi kami magtatagal dito dahil malamang ay hahanapin ng awtoridad ang chopper na hindi nagawang makapag-landing sa Romblon nitong araw na 'to.
Isang oras na ang nakalipas at patuloy pa rin si Rett sa paghahanap ng signal.
Nakakita ako ng stick at agad ko itong kinuha. I scribbled the letters "SOS!" on the sand in a huge size that is enough to be read from above. I am hoping that the next aircrafts that would pass by will be able to get our message.
Nang makita niya ang aking isinulat ay natigilan ito.
"I'm really surprised that you're not panicking," sabi nito at ako naman ang natigilan.
Wait, what?
Dapat bang magpanic ako?
"We must find a shelter, mukhang uulan. Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya at agad akong tumango.
Sinubukan naming libutin ang isla and luckily we found a shallow cave after walking for like twenty minutes. Hindi malalim o mahaba ang butas ng kweba. Tamang-tama lang para masilungan ng tatlo hanggang limang tao.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...