Chapter 29

95 18 1
                                    

Sa aking paglabas sa yate ay kulang nalang na mapatili ako dahil sa nakita.

Natutop ko ang bibig ko dahil sa pinaghalong gulat at kasabikan.

Bumungad lang naman sa akin ang pamilyar na malawak na karagatan.

"You can go now. Pwede mo na akong iwan dito, I'm sure I can survive without you," mapang-asar na sigaw ko kay Rett na may inaayos pa sa canopy ng yacht.
Napakabagal niya.

Nang tanungin ko kung nasaan na ang mga kasama namin ay nagulat ako dahil pinaalis na niya sila. Sinundo na ang kapitan ng yate kahapon gamit ang chopper kasama na si Victoria.

Kung gayon ay kaming dalawa na lang talaga ang narito ni Rett.

The idea is nostalgic.

"Mauna na ako. Ang tagal mo," walang pakialam na sabi ko sa kasama ko.

"I said wait for me. Damn it! It could be dangerous out there---"

Hindi ko na siya pinatapos at tinahak na ang route papunta sa tree house. Bago tuluyang makapunta sa ruta ay nadaanan ko muna ang kweba na kung saan kami unang nagpalipas ng gabi ni Rett noon.

Hindi mapantayan ang saya na aking nararamdaman. Sobrang namiss ko 'tong isla!

Maya maya pa ay narinig ko ang yabag ng paa na nanggagaling sa aking likod.

"You're so stubborn-" Hindi natapos ang kanyang sasabihin nang makita ang kweba.

Namamanghang pumasok ito sa loob.

Naroon pa rin ang mga ilang punongkahoy na ginamit namin para sa paggawa ng apoy.

"We've been here for how many months?"

"Almost 5."

"Pardon?"

"Almost 5 months. Why?"

Kumunot ang noo nito. At tila may inisip na malalim.

"Rett?" I asked. He looked so serious.

"Are you sure it's almost five months?"

"Yes. Bakit?"

Bumuntong hininga ito. "Wala."

Nagkibit balikat ako at saka nagsimulang maglakad muli.

"If you want to stay here, go ahead. Pupunta muna ako sa loob ng gubat."

"Are you out of your mind? As if I'll let you go alone"

"Edi sumunod ka. Bahala ka." Nagkibit-balikat ako.

Nagpatiuna akong maglakad. Lumipas ang kalahating oras ay narating din namin ang Eden.

"Here it is, the heart of the island. Welcome back to Eden, self!" Maligayang sabi ko.

Paglingon ko sa likuran ko ay tila naestatwa ito.

Halu-halong emosyon ang makikita sa kanyang mga mata.

"Welcome back to Eden, Adam," sabi ko rito.

"Eden..." Namamanghang ulit niya sa pangalan ng lugar.

"Yes, dito nahango ang pangalan nating dalawa. Anyway, nagsimula lang iyon sa kalokohan. Basta mahabang kuwento..." Tumalikod na ako nang bigla niyang nahapit ang aking baywang.

"Tell me. Tell me the story behind our names."

Tila may humaplos sa aking puso. The way he asked me to tell him the story. Para siyang batang nawawala.

Gusto ko sana siyang barahin at sabihing ayaw kong makaalala siya but I don't have the heart to tell him that right now. His eyes are full of hope, at ayaw kong masira 'yun.

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon