Chapter 23

89 19 0
                                    

Regrets. We make them most of the time.

They say that the definition of regret is being sorry to the things that you did. But my own definition of regret is simple.

Regret is when you waste a chance in a lifetime intentionally.

Yep, intentionally.

Sinadya. Ginusto.

Ginusto mong gawin. Ginusto mong sukuan at takbuhan. That is regret.

When you were too scared to grab that chance kaya sinadya mong itapon. That is regret.

The chill from the rainy afternoon seeped into my skin. Dinagdagan nito ng tensyon ang kasalukuyang nararamdaman ko ngayon.

Today is my 18th birthday and this day is very special for me. Magiging partner ko si Everett and after so many years, I'm going to confess my feelings for him!

I wore my silver mermaid-tail gown that has so many studs and glitters that make the dress glimmer and sparkle whenever it is exposed to light.

I opted for a light make up and my hair curled and tied up in a messy bun look. Marami kasing nagsasabi na babagay ito sa aking bangs.

"Wow."

It was Kuya na kapapasok lamang dito sa dressing room.

Ngumiti ako rito.

"Ang ganda naman ni Bunso!" Aniya at saka marahang ginulo ang aking buhok.

Umilag ako at itinampal ang kamay niya.

"Kuya naman," angil ko rito. Pero hindi ito nakinig at tila pa nanggigil na pinisil ang aking mukha.

Nakasimangot ko itong pinalo pero tumawa lang siya.

"Hindi pa rin kita napapatawad na hindi mo ako ginawang escort mo. I should be your Escort since I am your Kuya!" Maya-maya pa ay sabi nito habang nakahalukipkip.

Narinig ko namang tumawa si Dana.

"Naku! Oh please lang! Tigilan mo nga ang bestfriend ko. Baka mamaya hindi talaga siya magkaboyfriend kung pati ang escort ay ikaw rin!" Dana said while rolling her eyes.

Sumimangot naman dito si Kuya.

"Talking casually at me again, Miss?" sagot dito ni Kuya. Kung hindi ko lang ito kapatid ay baka naintimidate na talaga ako. Tiningnan ko naman si Dana na bahagyang namula.

Umirap ito kay Kuya.

"Ambabangil" sagot nito kaya napatawa ako.

Dana's father is from Pangasinan at isang Pangasinan word ang sinabi niya. Madalas sabihin 'yun ni Dana kapag nagagalit siya. She said that word meant "Madaming alam" or sometimes ginagamit as "whatever"

Kumunot ang noo ni Kuya.

"Ansabe mo?"

Ako naman ang napangisi sa kanila. Ewan ko but I'm really shipping the two of them. Bagay silang dalawa.

"Yieee bagay!" Asar ko sakanila.

Dana only rolled her eyes and returned her gaze at me.

"Halika na best! Also, ipakilala mo naman ako sa escort mo!" She giggled.

Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi dahil doon.

Bigla nanamang bumalik ang kaba na nararamdaman ko.

Hindi ko direktang sinabi kay Dana na si Rett ang tinutukoy kong crush ko pero pakiramdam ko naman ay kahit hindi ko sabihin sa kanya ay alam niya na iyon.

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon