Chapter 27

48 19 0
                                    

"S-Sino ba kasi siya, Rett?" Tanong ko nang hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kasalukuyan kaming nasa lounge area ng yate at nakatanaw sa papalubog na araw habang ang babae naman ay kasalukuyang naliligo sa kanyang banyo.

Walang gana niya akong nilingon at maya maya pa ay tinaasan niya ako ng kilay.

"A-Ano bang ginagawa mo? What if Dana finds out about this, huh?" Tanong ko pa. Pero hindi pa rin ito umiimik.

Tahimik lamang niyang ininuman ang kopita niyang may lamang whiskey.

"Saan ba tayo pupunta---"

"Stop asking..." He immediately cut me off. "If you don't want me to spread that picture, then please stop talking!" Tila kulog na bulyaw nito.

I was offended by that dahilan para masampal ko ito ng malakas.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. How dare he?

"H-He is your bestfriend!" Nanginginig na sabi ko. "Magkaibigan kayo hindi ba? Kaya b-bakit? Paano mo 'to nagagawa?"

Nanginginig na ang mga balikat kong tiningnan siya.

"Can..you. please stop using my kuya as a blackmail for everything? A-Ano pa ba ang gusto mo, huh? Narito na nga ako gaya ng napag-usapan. If you want to get your revenge on me...." punong puno ng hinanakit na sabi ko. "Then please, sa akin mo ibuhos ang galit mo! If you want to torture me, then do it just leave my family out of this!"

Hindi ito sumagot at nakita ko lang ang pag-igting ng kanyang panga.

"Leave, now. Tatawagin nalang kita kapag may iuutos ako," narinig kong sabi niya kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang talikuran ito.

Bumalik na ako sa kwarto na luhaan. And once again, I pitied myself for loving someone I can never have.

Kasalukuyan ko ng nililinis ngayon ang built-in pool area dito sa yacht ni Rett nang marinig ko ang malalanding tawanan. Ngayon ang pangalawang araw namin dito sa yate. Kaninang umaga ay nagsimula na itong umandar.

Noong una'y akala ko aalis na rin ang babae. Pero nagkamali ako, hanggang sa umandar ang yate ay narito pa rin ito kasama ni Rett.

Sino ba siya?

Sobrang sakit nila sa mata.

Sobrang sakit.

Ba't ba kasi ako umasa na kahit papaano ay kaming dalawa lang ang magkasama sa isang linggo na kasama ko siya.

I heard the girl shrieked when Rett put his arms on her waist.

Tumawa ng malakas si Rett habang ang babae naman ay nakangisi.

Naka-two piece ito while Rett is wearing his swim shorts.

Napalunok ako.

Naramdaman ko bigla ang pagkirot ng sugat ko sa binti. Saan ko ba nakuha 'to?

Napahinga ako ng malalim. Could this day get any worse?

Nakakatuwang isipin na hindi ko man lang maramdaman ang hapdi. It's probably because the ultimate hurt I'm feeling right now is focused on the man that is flirting with other woman in front of me.

"Hmm. I'm really curious about the island where you got stranded on, kailan mo ba ako balak dalhin doon?" narinig kong sabi ng babae kay Rett habang ang kamay nito ay dumadapo pa sa kanyang matipunong dibdib.

Rett chuckled sexily and tried to whisper something at her ear.

Tila nilulukot ang puso ko dahil roon.

Hindi ko na nakayanan ang mga naririnig ko kung kaya't padabog kong inilapag ang walis at dustpan sa gilid at saka nag-walk out.

Medyo nabigla pa ang katawan ko dahil sa pagdabog at dahil lalo itong dumugo. Hindi ko ito pinansin at diretso akong pumunta sa aking kwarto.

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon