The scary thing about pain is that it can be tolerated. Kung kaya't malakas ang loob nating sumugal ay dahil alam natin na kaya nating kunsintihin ang sakit.Kaya nating intindihin ang sakit.
What's scarier is the fact that we tend to get addicted with the pain just because we think it's all worth it in the end.
"Tita Sam? May balak po bang mag-undergo ng therapy si Rett para makaalala siya?" I asked, sounding so hopeful.
Kasalukuyan kaming nasa kusina ng bahay nila ngayon na kaming dalawa lang.
May welcome back party kasi na ginawa para kay Rett mula sa kanyang pagkakaospital at inimbitahan nga nila ako.
Halos mabitawan ni Tita ang hinuhugasan niyang plato.
Tiningnan ako nito sa paraang hindi mabasa ang kanyang ekspresyon.
Akala ko ay hindi na ito sasagot. Magsasalita pa sana ulit ako nang magsalita siya.
"Iha, didiretsahin na kita... May namagitan ba sa inyo ng anak ko noong panahong nasa isla kayo?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Naluluha akong nag-iwas ng tingin.
I feel so ashamed of myself, na nanliliit ako nitong nakatingin siya sa akin ngayon.
She smiled sadly.
"I'll take that as a yes," She nodded weakly. "You are very beautiful and kind, iha. If this only happened in a different circumstance, then I would have probably rejoiced dahil gustong gusto kita para kay Rett...Pero kasi... may girlfriend at magiging anak na ang anak ko."
She said the last sentence in a very strict manner kaya ay napasinghap ako.
Wala akong nagawa kundi ang yumuko lang.
"Hindi ako bulag sa mga nangyayari. And I know that Dana is probably aware of it too. Nang bumalik si Rett ay hindi na siya ganoon kasigla kapag magkasama sila. That's when I knew that something must have happened between the two of you."
Tuluyan na akong humagulhol sa sinabi ni Tita.
Pinilit kong maging mahina lang ang pag-iyak dahil ayaw kong marinig ng iba.
"Dana is only controlling herself to confront you because it may probably harm her baby pero ako hindi ko ito palalagpasin. Alang-alang sa kinabukasan ng pamilya ng anak ko. Please, Antonia? Ikaw na ang lumayo."
"Tita..."
"No, Antonia. This is probably for the best. Hindi na kailangang maalala ni Rett ang mga pangyayari sa isla. Mabuti na ang ganito. I won't allow him to undergo that therapy!" She said that with finality.
"Tita, kahit isang beses lang, please?" Pagmamakaawa ko.
She scoffed, her lips in grim line. "Iha. Please, if you really love Rett, then ikaw na ang lumayo para sa ikakatiwasay ng buhay ng magiging sariling pamilya niya. Utang na loob, bago ko pa makalimutan na magkaibigan ang pamilya natin." She sharply added that made me flinch even more.
"Huwag mong hayaan na kalimutan kong magkaibigan ang pamilya natin. Naiintindihan mo ba, iha?"
Without saying anything further, tita left me crying.
"Kamusta na ang mag-ina ko?" Rett smiled while caressing her tummy.
"Okay naman kami ni baby." Dana smiled.
Nag-iwas ako ng tingin. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang nagising siya at tatlong buwan na lang ay manganganak na si Dana.
"I told you to let Antonia do the paperworks. Nagvolunteer naman siya. Alam mong hindi ka dapat nagpapagod." Rett added.
![](https://img.wattpad.com/cover/278379566-288-k783917.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomansWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...