Chapter 24

50 20 0
                                    

My sadness reflected on the greyness of the sky. Tila ba sinasamahan ako nito sa pagdadalamhati. I am mourning for a love that lost and crying for the memory that I'll have to forget forever.

Sa bawat pagpatak ng luha ko ay siya ring pagsabay ng agos ng tubig mula sa taas.

"An! What are you doing? You'll get sick!" It was Laurentius.

How he's still here with me is beyond me. I have a lot of baggage now and yet he's still willing to carry them for me.

Napangiti ako ng mapait. Hindi natinag sa kanyang paghila.

"B-Bakit kasi ganoon?" Nahihirapang tanong ko, humihikbi. "Bakit kailangang bigyan ako ng Diyos ng pag-asa tapos biglang babawiin din niya pala?" Punong-puno ng hinanakit na sabi ko.

"Ssshh" Laurent hugged me, not minding if he could also get wet by the rain.

"Ang... unfair kasi eh... Ang sakit sakit lang..." Hagulhol na dagdag ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sa kalagitnaan ng aking pag-iyak, bigla nalang akong nawalan ng malay.

I was rushed to the hospital. Pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan.

When I woke up, there are police officers inside the hospital room.

"How dare you accuse my sister as the suspect of the incident!" Narinig ko si Kuya na sumisigaw.

Dahil doon ay dahan dahan akong bumangon,

Nanghihina man ay kinaya ko pa ring makaupo ng maayos. "Kuya?"

Ganoon nalang ang aking pagkagulat nang makita ang mga police na nakapalibot sa aking higaan.

"What's happening? Why are there police---"

"Miss Milagrosa, maaari ka ba naming makapanayam? May nais lang kaming tanungin tungkol sa insidente. Kung maaari ay sumama ka sa amin---"

"She won't go anywhere not unless she's with our lawyer! Damn. Can't you see that she's not feeling well? Nababaliw na ba talaga ang mga Vasquez? We are friends with them for almost eternity! I can't believe they'll accuse our Antonia! A complete madness!" I heard my Father growled.

Hindi ko pa rin masundan ang pangyayari. Ang alam ko lang ay inaanyayahan ako ng pulisya na sumama sa kanila. Pero teka? Para saan?

I am so confused.

"Mom," I called out. Intuitively, I suddenly feel like I am not safe.

Kaagad akong dinaluhan ni Mom. Saktong pagdalo ni Mom ay ang pagtunog ng TV.

"This is invasion of privacy!Kakasuhan ko kayo!" My father snarled.

"Gusto lang naming makausap si Miss Milagrosa sa mga pangyayari. We have the rights---"

Hindi ko na naintindihan ang kanyang sumunod na mga sinabi.

The flash news appeared on the screen. Nagpakita ang screen ng video ng isang lugar na maraming upuan at lamesa na siyang sabay sabay tumilapon dahil sa isang pagsabog.

Halos maubusan ako ng hininga nang matantong pamilyar ang lugar at maging ang mga dekorasyon at gamit na nasa video.

Hindi ko alam na pinagpapawisan na pala ako nang sobrang lamig. Akala ko ay wala na akong ikakaputla sa sandaling iyon pero nagkamali ako. Lumabas ang larawan ni Rett at Dana na parehong sugatan. Ang mga hinanda kong preparasyon na nasa background ay nagmistulang mga basura na nagkandasira-sira.

"N-No." My voice croaked, hindi makapaniwala.

"A-Anak..." Nanginginig si Mom na dinaluhan ako.

"That...that was the wedding venue of Dana and Rett. Oh My God! K-Kumusta sila Mom? Dad? How is Dana? H-How is Rett?" Nanginginig na tanong ko. "Oh God! W-What happened?"

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon