"IT'S not sea, Babe. It's still a river," sabi ni Rett habang prenteng naliligo dito sa may dalampasigan.
I looked at him in disbelief.
"Ano bang sinasabi mong hindi dagat 'to. E obvious na dagat ito! Pagkalaki-laki namang ilog 'to kung ganoon?" Hindi nagpapatalong sabi ko.
Kinamot nito ang kanyang noo at ngumiwi.
Kasalukuyan naming pinagtatalunan kung dagat ba itong area kung saan kami naliligo o ilog ba. Narito kami ngayon sa silangang bahagi ng isla para manghuli ng alimango.
"Ganito nalang, may napapansin ka bang alon?" tanong nito and to my surprise wala ngang alon rito sa kinaroroonan namin.
"Uh, wala?"
"Exactly. That's because this area is not part of the sea but part of a river. Kita mo yung asul na bahagi ng tubig?"
Tumango ako.
"That's the sea. Itong kulay berde naman na bahagi ng tubig at siyang kinaroroonan natin ngayon ay ilog. Nakakonekta lang sila sa isa't isa. Amazing, right? That line over there is where the river and the ocean meets ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin naghahalo ang kulay nilang dalawa."
"Oh!"
Namamangha ko itong pinagmasdan. I've never been to beaches before so this is really new to me.
"Malalaman mong ilog o lawa ang bahagi ng tubig kapag hindi ito umaalon. Kahit gaano pa ito kalawak, kung hindi siya umaalon, it's not ocean nor sea."
Dagdag niya at napatango ako. "Copy, Prof."
Kumindat lamang ito sa akin bilang sagot.
"Alam mo para sa isang na-amnesia na gaya mo, nagugulat pa rin ako na marami kang alam sa mga ganitong bagay," sabi ko.
Tumawa ito at nagkibit- balikat. "With this brain of mine, I must have been a topnotcher or Latin honoree. What do you think? My stuck knowledge is just so broad." he said, so full of himself.
Napangiwi ako.
Basta ang alam ko kumokopya siya kay Kuya noon.
Pero kahit ganoon, matalino talaga siya.
He was not just academically competitive back in the days.
Pero makikita mo ang pagiging matalino nito kapag nagseryoso lalo na sa paggawa ng strategies and tactics sa kanyang trabaho at negosyo.
I was his secretary that's why I know these things.
Ibinalik ko nalang ang aking atensyon sa paghuhukay ng buhangin para maghanap ng alimango.
Sanay na akong naiipit ng mga sipit ng alimango pero sa pagkakataong 'to pakiramdam ko ay mapuputol talaga ang kamay ko.
"Ouch!" daing ko at saka iniangat ang daliri ko.
Namilog ang mata ko nang makita na purple ang kulay ng alimango!
"A-Adam!" Tawag ko kay Rett.
Agad naman itong napalingon sa akin at dali-daling nilapitan ako.
"Oh shit. This isn't poisonous, is it?"
Kinabahan agad ako sa tanong niya pero mas lalo akong kinabahan nang tanggalin niya ang alimango mula sa aking daliri at kusang ilalapit niya na rin ang daliri niya sa sipit ng alimango. Pinigilan ko agad ito sa pamamagitan ng paghawi ng kanyang kamay.
"What the hell? Paano kung may lason nga?" naiinis kong singhal dito.
"If it's indeed a poison then all the more that I must have it too. Kung anong mangyayari sa'yo, then ganoon din ang mangyayari sa akin."
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...