Chapter 5

85 24 0
                                    

FOR some reasons, I could not hear the usual sounds from the electronics at home. I usually hear the vibrating sound of my aircon, the noise from my automatically scheduled vacuum and even the sound of a Mozart at my speaker. I am already used to these sounds that I consider them as my "alarm clock". But right now, there are no sounds at all.

And then realization hit me, na-stranded nga pala kami sa isla! Kaloka! This is our fifth day already at bakit ba tila hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat?

Bumangon na ako mula sa damuhan na siyang pinatungan ko ng mga ilang dahon ng saging para maging higaan.

When I looked around, I did not see him.

Saan nanaman kaya iyon nagpunta?

I've decided to pick cassava first.

I'm planning to make flour or starch. Tinahak ko ang daan patungo sa parte kung saan makakakuha ng mga kamote. Masuri kong tiningnan ang mga kamote at pumili ng sa tingin kong less poisonous.

The thing about kamote or cassava is "in nature" na poisonous talaga siya. At dito nakukuha ang pinakamatapang na lason sa mundo which is Potassium cyanide. Kailangan lang talagang painitin ito sa araw at hugasan ng ilang beses sa salt water at fresh water para matanggal ang lason.

Pinili ko ang kamote na may maayos na kulay at hindi namumuti at saka ko ito hinugasan ng fresh water ng tatlong beses.

Pagkatapos noon ay tinungo ko ang daan patungo sa dagat.

Nang luminga linga ako sa aking dinaanan ay hindi ko pa rin nakita si Rett este si Adam.

Nasaan na kaya siya?

Somehow, kampante akong maayos siya. I just know it intuitively.

Basta lang may nagsasabi sa akin na okay lang siya.

As usual, the trek took 30 minutes before I reached the beach.

Nang makita ko na ang dagat ay ganoon nalang din ang pagkagulat ko nang naroon si Adam.

Sa ayos nito ay tila ba may hinahanap siya sa dagat.

Agad ko itong tinawag at lumingon din naman agad siya.

Nakita ko pang kumunot ang noo niya dahil sa mga dala ko.

"Cassava?"

Tumango lang ako at saka tuluyang lumapit sa dagat. Inisa isa kong hinugasan naman ngayon ang kamoteng kahoy gamit ang salt water ng tatlong beses.

Nang matapos ay saka ko inilabas ang isang dahon ng saging at saka ipinatong ito sa buhanginan na natatapatan ng sikat ng araw. Doon ko inilatag ang mga kamoteng kahoy na nakuha ko.

Lumapit siya sa akin at tila ba nagtataka. Ipinaliwanag ko naman agad ditto kung bakit at para saan itong mga kamoteng kahoy.

Habang ipinapaliwanag ko sakanya ang mga bagay ay kitang kita ang pagkamangha sa kanyang mukha.

"How do you know these things?" kuryosong tanong niya.

Sasabihin ko sana na nabasa ko lang sa isang survival magazine noon kaso may amnesia nga pala ako.

"I just know. I can't exactly remember where I've learned this," sabi ko nalang sabay kibit ng balikat.

"I'm planning to inspect that part of theisland," sabi niya sabay turo doon sa sea side na nasa kaliwang parte ng isla na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Oh."

"Pabalik na sana ako doon sa ilog para makapagpaalam sa'yo na pupuntahan ko 'yun. Hihingin ko muna sana Go signal mo," sabi niya na ikinagulat ko.

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon