BACK then, spending time on the beach meant leisure and luxury. But now, spending time in the beach means doing laundry and sand-scrubbing of our clothes.
Today marks our third week on this island and I insisted to wash Rett's clothes since I will also be washing mine. It's the least thing I could do since Rett has been working hard lately in building our treehouse.
A mental movie began unravelling inside my head. Somehow, I imagine myself being back to the civilization and being able to use my washing machine and my dryer once again.
Isa lang ang ibig sabihin nito.
I crave for my appliances and electronics!
Tinanaw ko ang kalangitan. It's good that the weather is fine. I just hope that it won't rain anytime soon.
Dahil wala naman kaming gaanong mga damit ay natapos din ang aking paggugusot ng mga damit.
Ngayon ay babalik na ako sa Eden para naman mabanlawan ito gamit ang fresh water at tuluyang matanggal ang asin at buhangin.
Naabutan ko si Rett na inaayos na ang bubong ng tree house ko. Sabi niya, ako muna ang gagawan niya bago siya.
Okay na sana kaso ay may idinagdag siyang sinabi "Sa'yo uunahin ko as trial and error. Para pagdating sa akin, mas maganda at maayos na."
Gustuhin ko mang kontrahin siya ay hinayaan ko nalang. Mabuti nga at naisipan niya akong gawan.
Dumiretso na ako sa ilog at isa-isang binanlawan ang mga damit. Pagkatapos noon ay umakyat ako sa hagdanan na ginawa ni Rett paakyat sa puno ng Narra kung saan may ikinabit kaming sampayan.
Nang matapos ako sa aking pagsasampay ay binalikan ko na ang aming munting kusina. Nakagawa na ako ng harina at starch at nakapag-imbak na rin ako ng asin mula sa dagat.
Malaking tulong ang asin para sa amin. Dahil sa asin ay nakakapag-preserve kami ng ilang isda at dahil rin sa asin ay hindi na parating matabang ang mga kinakain namin.
Nakakagawa na rin kami ng sabaw dahil sa asin.
Kahapon nga ay naisipan naming gumawa ng sinigang na tilapia dahil mayroon namang sampalok at asin.
Nagulat pa ako na first time ni Rett na makakain ng ganoon. For me, it's like an anchievement. Ang makitang satisfied siya ay nakapagpasaya sa akin.
Ngayon ay susubukan kong gumawa ng mushroom soup dahil may starch naman. Isa pa sa nadiskubre namin nitong nakaraang araw ay ang mga edible mushrooms na marami sa tabi-tabi. Alam naming edible ang mga ito dahil ito 'yung mga tipikal na kabute na nakikita sa farm namin.
Nagsimula na akong magluto. Ang isang bowl-shape na bakal na mula sa nasirang chopper ang ginawa naming lutuan.
"Uy Adan! Tara na habang mainit pa itong soup!" sigaw ko
"Mauna ka na, Eba! Hindi pa ako gutom eh," sagot niya.
Hinayaan ko nalang ito at nauna na akong kumain.
Nang tikman ko ang mushroom soup ay sobrang satisfied ako. Kuhang kuha ko ang tamang timpla at linamnam.
Matapos kumain ay nagpaalam muna ako kay Rett para bumalik sa dalampasigan. Balak kong manguha ulit ngayon ng mga hipon dahil wala na kaming pagkain para panghapunan. Pakalat-kalat lang ang mga hipon sa may buhanginan kaya naman ay hindi ako mahihirapan.
Matapos kong magpaalam ay dumiretso na ako.
"Mag-ingat ka, Eba!" narinig kong pahabol ni Rett at napangiti lamang ako.
Pagkarating ko sa dalampasigan ay namulot agad ako ng mga hipon. There are too many shrimps! Ang sabi ni Rett ay siguro dahil tag-ulan kaya ganitong nagsisilabasan sila mula sa buhangin na pinagtataguan nila.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...