Chapter 28

128 24 4
                                    


Umiiyak akong bumalik sa kwarto. I was waiting for him to go after me but he didn't.

Mapait akong ngumiti.

Victoria and him, huh?

He even kissed me in the middle of our fight!

Ang gago niya!

Napapikit ako at naramdaman ang pagod at bigat ng aking dibdib.

I just want to sleep.

Hindi nagtagal ay natupad nga ang gusto ko. Bumigat ang talukap ng aking mga mata at tuluyan akong inantok.

Nagising ako nang tila may naramdaman akong maydumampi sa aking pisngi.

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Rett na nakatayo sa aking gilid. Malamlam ang mga mata nito at paminsan minsang nag-iiwas sa akin ng tingin.

"Let's eat." Matipid niyang sabi pero umiling ako.

"Hindi ako gutom." Matabang na sagot ko.

Hindi ito nakasagot at maya maya pa ay lumabas na ito.

Muling naramdaman ko ang kirot sa aking puso.

Nagpasya na akong maligo at mag-ayos dahil umaga na.

Magdamag pala akong nakatulog kahapon.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko muna ang aking robe at saka lumabas ng aking banyo.

Mabuti na lang talaga at may sarili akong banyo sa cabin na 'to.

Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko pagkalabas ko.

It was Rett sitting on my bed and beside him was a tray of food.

Nang makita niya akong nakatapis ay nag-iwas agad ito ng tingin.

Maging ako ay nailang din bigla.

"Magbibihis ako." I said, nag-iiwas ng tingin.

"Eat first. Hindi ka na nakakain kagabi."

Hindi ko ito pinansin.

"I just told you I won't because I'm not hungry."

"Then I won't leave here. Hindi ako aalis hangga't hindi ka kumakain."

Namilog ang aking mga mata pagkarinig niyon.

Nahihibang na ba siya?

"Magbibihis ako! Kailangan mo ng lumabas!"

"Only if you eat first. Come on eat now, you can change later."

Halos bumagsak ang aking panga sa sinabi niya.

"A-Ano?"

Umigting ang panga nito.

"Just eat. Baka gusto mong subuan pa kita?"

Magsasalita pa sana ako nang inunahan niya ako.

"Sit here and eat."

Bumuntong hininga ako.

"Fine."

There are hotcakes, bacon, egg and orange juice on the tray. Inuna kong kainin ang hotcakes.

Pagkasubo ko ng hotcakes ay siya ring pagdako ng mga mata ni Rett sa aking kamay.

May sugat doon dahil sa kalmot ni Victoria kahapon. Nalagyan ko na ito ng band-aid pero may munting marka pa rin ng kalmot na hindi nabalutan ng band-aid.

Ibinaba ko agad ang aking kanang kamay at ginamit nalang ang isa kong kamay.

Pero hindi niya hinayaan iyon.

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon