Laurentius, as a natural attention seeker he is, was able to catch the whole attention of the people in the gazebo. As usual, he is so extra.
I saw Marcus and Benedict looked at him murderously but the idiot was so insensitive, he did not even notice.
Lalong hindi nakatulong ang pagiging close ni Laurent sa aking Ama dahilan para sumimangot ng husto ang dalawang lalaking katabi ko.
"Don't listen to that guy, Mom! He's just kidding! Malakas lang talaga hangin niya sa katawan," I said when I noticed that my Mom is now about to create a happy glowing bubble inside her head.
Laurentius widened his eyes at me! "Anong mahangin? Sampahan kita ng Oral Defamation eh!," maarteng sabi niya.
Ilang sandali pa ay bigla itong lumapit sa akin at saka ako inakbayan.
"Who's that guy beside your Kuya?" bulong nito sa akin dahilan para pasimple akong lumingon sa kung sino ang tinutukoy niya.
Napasinghap ko nang makitang si Rett iyon na kasalukuyang umiinom ng gin. Sinusuway ito ni Dana na tumigil na pero ay ngumiti lang ang huli.
Napabuntong hininga ako.
"Dude, balak niya ata akong patayin," natatawang sabi ni Laurent. "Is he one of my rivals?" preskong sabi pa niya and that earned him a small punch on his chest.
Laurent groaned but later on laughed.
Kumunot ang noo nito.
"Don't tell me girlfriend niya 'yun?" tanong pa nito.
"Yeah," tamad kong sabi rito.
"Then why the hell is he shamelessly gawking at you?" sabi niya.
"Huh?"
Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil nakita kong tumayo na si Marcus at Benedict. Agad ko silang dinaluhan.
Mauuna na raw sila dahil may gagawin pa sila. I even felt guilty because I was not able to entertain them that much.
I volunteered to escort them outside our house.
I gave both the gentlemen a friendly hug nang maihatid ko na sila sa gate.
"I'm glad you're safe, Ania," Ben whispered. "So, text text nalang?" he said hopefully but I only gave him a polite smile.
"Sa chat nalang, I lost my phone eh," I answered and he only nodded.
"Mag-iingat ka, ah?" Marcus ruffled my hair and I smacked his hand.
Natatawa lang itong umilag. "Ikaw rin mag-iingat ka sa pagdrive," paalala ko at nakita ko din naman agad ang mahiyaing ngiti niya.
Nang makaalis sila ay hindi muna ako bumalik sa loob ng bahay kaya ay nagpasya muna akong maglakad lakad muna dito sa labas. It's only 3 in the afternoon kaya ay walang gaanong tao dito sa labas ng village.
Dinala ako ng aking mga paa sa pinakamalapit na Chapel. The chapel looks a bit old but it is polished and halatang nililinisan parati.
I sat on one of the chairs for a while.
I silently prayed and then I thanked Him for letting us still live in this world. I thanked Him for saving us.
Nakaupo lang ako sa upuan ng kapilya nang matagal hanggang sa hindi ko napansin ang oras.
Nang tingnan ko ang relo ko ay 5PM na. Inisip ko kung uuwi na ba ako o hindi pa.
I sighed.
Ayoko munang umuwi nang nandoon pa ang mga bisita.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomantizmWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...