Chapter 18

77 24 1
                                    


The stars winked from the balcony of my room and it reminded me again about the island. Kumpara dito sa urbanidad ay mas maraming bituin kang makikita sa isla.

I wonder if Rett is staring at the sky too and would be reminded of the island as well. O kaya, baka naman tulog na siya. Tipong mahimbing nang natutulog katabi si Dana. Dana is pregnant already, after all.

My heart hurt at the thought. Umiling ako. Kailangan mo ng magmove-on, Antonia!

Pumasok nalang ulit ako sa loob ng aking kwarto. This is my childhood room. Sa condo ko sana ako uuwi ngayon because I have missed my condo so much but my parents and brother were very adamant for me to stay at our house. Kailangan daw naming bumawi sa aking pagkawala. And somehow, it broke my heart to see how worried they are and how anxious they have become.

Tatlong araw na ang lumipas simula nang makabalik ako rito sa syudad. At hanggang ngayon ay parang naninibago ako. 

Lumapit na ako sa kama at saka ako humiga. I ended up appreciating the softness of the mattress.

So many nights that I have dreamed of this. Ang makabalik sa sibilisasyon, ang makahiga sa malambot na higaan, ang makagamit ulit ng appliances. But why do I feel empty? Why am I not happy?

Dapat matuwa ako pero bakit hindi ko man lang ma-appreciate ng maayos ang mga ito.

Hindi ako makatulog kaya ay nagpasya akong lumabas muna. I went to our garden. Noong pinarenovate ni Kuya itong bahay, kasama na rito ang pagdaragdag ng fishpond na may grotto ni Virgin Mary sa dulo nito. It was his gift for mom.

Tinanggal ko ang aking slippers dahil pakiramdam ko ay sagabal lang ito sa aking paglalakad. I walked on barefoot instead.

Mabuti at wala ng baha dito sa bahay namin. Tuyo na rin ang lupa rito sa garden.

Dahil sa nabasa kong news noong nasa isla pa kami tungkol sa pagkakaroon ng bagyo dito sa NCR ay inaasahan kong baha rin dito sa bahay. Nagpapasalamat ako na hindi naman at hindi rin kasama ang bahay namin sa mga nasalanta.

Inisa isa kong tiningnan ang mga halaman ni Mommy. Somehow the plants are able to give me comfort.

Aaminin ko na nalulumbay ako. I miss the island, the trees, the treehouse, the flowers, the ocean.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hey," I heard someone said. It's Kuya.

Agad niya akong dinaluhan nang makita akong umiiyak.

"Why is my little sister crying, huh?" Hinagod nito ang aking likod. "Hey..Tahan na. May problema ba?"

Umiling ako at pilit ngumiti. "Wala, Kuya, I'm just thankful that I'm back and I'm with my family again," sabi ko dahil 'yun naman talaga ang totoo.

Ginulo ni Kuya ang buhok ko. Maya maya pa'y bigla itong nagseryoso.

I cocked my head to the side at inabangan ang susunod niyang sasabihin.

Sa huli ay bumuntong-hininga ito. "There are lots of questions running inside my head. But... nevermind. Alam kong matanda ka na at alam mo na ang tama at mali," sabi pa niya na hindi ko kaagad nasundan.

"Huwag mong gagayahin si Kuya," dagdag pa niya na siyang ikinakunot noo ko.

"Huh?"

Umiling lang ito. "Basta kapag may problema ka, magsabi ka lang, ha?"

Tumango ako kay Kuya at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you Kuya, the best ka talaga!" sabi ko at narinig ko lang siyang humalakhak.

Nang makabalik ako sa kwarto ay saka ko naramdaman ang pagod kaya naman nahiga na ako.

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon