A SEAGULL ruffled its feathers irritably at being disturbed from catching its prey.
If only this bird could talk, it would probably curse me for targeting the fish which was originally his target.
For a second I event thought it gave me an annoyed look.
Napailing ako. Nababaliw na ba ako at pati pagkairita ng ibon ay napapansin ko na rin? Malamang ay dulot na talaga ito ng pagkabagot ko rito sa isla.
Idagdag pa na wala akong kakwentuhan. Yes. Apparently, Rett and I are currently not talking to each other ever since that treehouse incident, and it has been three days since it happened.
Although, kinakamusta niya ako, ako naman itong matipid ang sagot.
I don't know why? Perhaps the realization is now sinking in my head that it's better this way. Na kapag napalapit ako lalo sa kanya ay baka kung ano ang magawa ko, at baka mamaya pa ay maging marupok lalo ako?
Plus, he kissed my hand and he kissed me on my forehead! Aaminin kong kinilig ako roon. It felt like we are being intimate and sweet! Kaya lang ay narealize ko na baka kaya lang niya ginagawa iyon ay dahil alam niyang may karapatan siya dahil boyfriend ko naman siya. And damn, it's making me guilty.
Hindi pa nakatulong na lately ay napapanaginipan ko si Dana na nagagalit raw sa akin.
I am already planning to give the box that I found to him. Hindi man niya maalala pa ang mga bagay-bagay ay karapatan niyang makita iyon. Sa ngayon ay medyo tanggap ko na talaga na sila talaga ang para sa isa't isa ni Dana.
I smiled bitterly.
Kung sakaling dumating na ang oras na makaalala na siya malamang ay maaalala niya rin ang confession ko sa kanya. Pero sana bago niya maalala ay nakalayo na ako. I don't want to ruin the friendship. He treated me like his sister. Ayokong maging cold siya bigla sa akin dahil doon.
Hindi naman sa nagsisisi ako na nagconfess ako. At least, I was able to tell him that, right? Pero sana huwag niya akong kamuhian tutal ay lalayo din naman ako.
Binilang ko na ang mga isda na nakuha ko. There are three tilapias. Dalawa kay Rett, isa sa akin since hindi naman ako palakain.
Sinubukan kong humili ng tatlo pa but this time I'm planning to dry and smoke it. Gusto ko kasi ng daing na tilapia. Balak ko silang ibilad sa araw ng mga tatlong araw.
Napabuntong hininga ako.
Sana naman ay bago pa man kami abutin ulit ng tatlong araw rito ay na-rescue na kami. Rett is still working on the radio. Araw-araw ay sinusubukan niyang maghanap ng signal for a connection.
Although I would love to have a peaceful life here, I still can't ignore the fact that my family is now probably very sad about me being missing. Idagdag pa na mahirap pala talaga kapag walang kuryente.
Speaking of signal, nakita ko si Rett na palabas ng gubat at patungo na sa aking dako para maghanap ng signal ng communication radio na hawak niya.
Papalapit na ito sa akin pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako natataranta?
"I see you have a good catch," sabi niya as he pertains to the fishes that I caught.
Tumango ako at akmang lalayo nang bigla niyang marahang hinila ang braso ko.
"Hey, galit ka pa rin." It was not a question but a statement.
"H-Hindi na," naiilang na sabi ko but he only tilted his head to one side.
"Liar," He snorts.
Umiling nalang ako at saka umirap. Yes, I'm a liar.
Kung alam mo lang, Rett.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...