WE couldn't believe our incredible luck. It's like everything is working in our favour. Sa kasunduan naming dalawa na maghanap ng maiinom ay nilibot namin kung hanggang saan itong isla.
Dumako kami sa daanan sa likod ng kweba at diniretso namin ang tahak at ngayon nga ay may nadiskubre kami!
Akalain mong mayroong hotspsring sa lugar! Bukod pa roon ay may katabi itong ilog. The water is clearer than my 20-20 eyesight!
"You think there's a falls here somewhere?" Tanong ko kay Rett.
"There could be," sagot nito habang tinatanggal na ngayon ang kanyang kasuotan. Dahil doon ay wala sa oras akong napatalikod.
"Ano ba? Don't you have decency or at least a little bit of gentlemanliness? Kita mong may kasama kang babae," asar na sabi ko rito ngunit ay naramdaman ko lang ang pag-ismid ng damuho. Kahit nakatalikod ito ay alam kong umiirap ito.
"I'm sorry, babae ka nga pala," He said chuckling and that's it! There's something about his tone that is so insulting kaya naman hinarap ko agad ito na sana hindi nalang pala, dahil nakita kong nakatrunk shorts nalang siya!
Oh my God.
Tumalikod nalang ulit ako.
Hindi naman ako napansin ng damuho dahil wala na akong narinig na sinabi niya.
Maglalakad na sana ako ng palayo nang makarinig ako ng isang ungol.
Hindi ko iyon pinansin at binilisan nalang lalo ang aking paglayo nang marinig ko naman ang isang halinghing at malanding ungol.
Napakaeskandaloso ng ungol niya, isama pa na nag-eecho pa ng kaunti ang boses niya.
"Oh God, that's so goodddd," maharot na sabi ng damuho. Hindi ko natiis at agad akong lumingon para malaman kung ano ang ginagawa niya.
Sa pagtingin ko ay nakita ko ang mapaglaro niyang ngiti habang prenteng nakasandal sa bato habang nakalublob ang katawan niya sa hot spring.
"O? Tinitingin -tingin mo?" Tanong niyang nakataas ang isang kilay.
My God! Si Rett ba talaga 'to?
"W-What the hell are you doing? Why are you moaning so loudly?" Naiintrigang tanong ko.
"Don't worry, I'm just massaging my..." Pambibitin niya pa habang nakapikit at tila ba nag-eenjoy sa kanyang ginagawa.
"Your?!" I swear my face is heating rapidly.
Nakita ko naman ang pagngiti ng loko.
"My thighs, okay? What else will I massage? Baka nakakalimutan mong tinuhod mo ang hita ko," sabi niya na parang batang nagtatampo.
Nanliit naman ang mata ko. "Hita ba talaga?"
Siya naman ngayon ang namilog ang mata. "Why? What are you thinking?" Tanong niya sakin. I swear I want to wipe off the smirk in his face. "My my, didn't know you are such a pervert, My sweet,"
May nakita akong maliit na bato at dinukot ko iyon. Ibabato ko na sana ito nang bigla niyang tinaas ang dalawang kamay bilang senyales na sumusuko na siya.
"Tsk," ismid ko at narinig ko naman ang buntong-hininga niya.
"Damn, hindi ka mabiro. Chill, will you? Also, mabuti at hindi ka nagpapanic? We are stranded in a God-knows-where island and we both even lost our memory! Man, you are tough," pagpuri niya sa akin and I swear napangiti ako doon.
Natigilan naman ito bigla. What's wrong? May madumi ba sa mukha ko? May tinga ba ako sa ngipin?
"Why?" I asked him at siya naman ay umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...