Chapter 3

91 24 0
                                    

MY head reacted to the heat of the sun so quickly. The sudden shift from being rainy to sunny is making my entire being so dizzy.

Idagdag pa ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanyang turan.

Ano ulit ang sinabi niya?

Hindi pa nga tuluyang nagsisink-in ang sinabi niya sa akin ay nagulat nalang ako nang biglang maghubad ng polo ang lalaking nasa harap ko!

"Here, you should wear this," sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. Tila ba sobra itong naiilang.

Ba't siya maiilang? Dapat nga ako ang mailang eh. His abs and nice physique are distracting me!

Hindi ko na ito pinansin at mas pinagtuunan ko ng atensyon ang sinabi niya.

"What did you say?" Tanong ko nang tuluyan nang mag-internalize sa akin ang lahat.

"Huh? I said you should wear this---"

Agad akong umiling at pinutol agad ang kanyang balak sabihin. Sabay hawi pa sa damit na inaabot niya sa akin.

"N-No, not that. The one you asked earlier. Y-You were asking me if I know you and you were asking me kung sino ako? What is happening?" naguguluhang tanong ko.

Ibinuka ni Rett ang kanyang bibig at saka muling itinikom. Paulit ulit na ganoon. Tila ba hindi niya mahukay sa ilalim ng dila ang kanyang dapat sasabihin.

Sa huli ay bumuntong hininga ito. Umiling ito.

"I just know that when I woke up I realized that I can't remember anything. Do I live here? Bakit ako nasa kweba? I saw woman's clothes in that cave the moment I woke up. Naisip ko agad na may kasama ako at hindi ako nag-iisa, I was trying to look for that woman. Ikaw ba iyon? Sa'yo ba ang mga gamit na iyon? Magkaano-ano ba tayo? You called me Rett just now, is that my name?"

Sunod-sunod niyang tanong na ikinadahilan ng aking pagtawa. Hindi ko alam kung bakit kahit nanghihina ako ay natatawa pa rin ako.

"Stop it, Rett. It's not funny, ako lang ang may amnesia sa ating dalawa huy! Huwag kang makigaya! Hindi nakakatuwa!" sarkastikong saad ko.

Nang tingnan ko naman ang kanyang mukha ay seryoso ito at inosenteng nakatingin sa akin.

"Amnesia? May amnesia ka?" Mayamaya ay tanong niya.

"God, Rett! Stop the act, will you?" Naiinis na sabi ko.

Pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla niyang hinaklit ang braso ko.

"Look, woman! I'm not in the mood for games right now. I'm serious here. Sino ka?" Maawtoridad na tanong nito sa akin at tumataas ang beses habang umiigting ang panga.

I swear I have known him as cold before pero hindi ko pa siya nakikitang magalit ng ganito at tinataasan pa ako ng boses.

Napalunok ako.

"Y-You see, I have an amnesia too, it just happened recently. All I know is that you are calling me by the name "Antonia". U-Uhm, we were riding a chopper yesterday when a turbulence came. That's where I got my amnesia. Y-Yung sa'yo, are you sure that you can't remember anything?" Tanong ko.

"Well yes," He hissed as he let go of me.

Nanghihina akong napaupo.

Oh God! Hindi ba talaga siya nagbibiro? Shit. Karma ko ba ito?

Aamin na ba ako na wala talaga akong amnesia? Pero paano kapag hinuhuli lang niya ako? But, mukhang seryoso naman siya at hindi nagbibiro?

Oh God! What to do?

The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon