We're in a basketball court. Laro ngayon ng team namin.
Nang makita ko si coach ay napangisi ako.
"Everett! O bakit naka-hoodie ka pa? Ayaw mo nanaman bang pumasok sa first half? At tanggalin mo nga shades mo!" Napalingon ako kay Coach.
I chuckled. "Magaling team natin. Hindi na nila kailangan puntos ko."
Naiiling lang si coach habang naniningkit ang mga mata. "Sige, manood ka lang muna. Just stay put though, I might bring you in during the second quarter."
Tumango ako. "Doon lang ako sa bench, Coach."
Hindi ko pa rin tinanggal ang hoodie at naupo nalang sa tabi ng isang babae. Napalingon ako sa babaeng katabi ko. She's wearing a skater skirt, sneakers and a pair of eyeglasses.
The game started and the crowd cheered for their rooting teams.
Narinig ko rin ang tilian ng mga kababaihan kada nakaka-score ang aking kaibigang si Zeus. Dahil sa ingay na iyon ay napapalingon ito sa gawi nila.
Kumunot pa ang noo nito at tila may hinahanap sa mga nakaupo roon.
I chuckled. That's my pal.
Baka campus heartthrob iyan.
Madalas kong inaasar si Zeus dahil doon. He knows he doesn't like that kind of attention. Ganoon din naman ako, kaso ay dahil basketball players kami ay hindi maiiwasan na maging center of attention.
Naningkit ang mga mata ko nang maagawan si Zeus ng bola. Hindi lang isang beses pero dalawang beses! Naka-score ang kalaban kung kaya't nagawa nilang malamangan ang Knights.
"Go Kuya!" The girl beside me shouted.
I looked at her. She's cute. I couldn't stop chuckling because of her reactions whenever our team loses a point.
Ibinalik ko ang tingin sa court pero maya maya ay nakita ko nang nakatingin sa akin ang babae.
Tumaas ang kilay nito kaya natahimik ako.
Ang taray talaga ng mga bata sa panahon ngayon....
The girl groaned in frustration when our team lost a point again. Tiningnan ko ang score. 10-18. 10 ang team namin habang ang 18 naman ayang Knights. In 3 seconds, magti-time out na.
"Wala na. Talo na ang Knights sa first quarter," I tried interacting.
Let's see how she will react.
"Excuse me? Hindi matatalo ang team nila Kuya!" Singhal niya.
Lumingon sa akin ang lalaki at bahagyang natawa. "You think so?"
"Yes!"
"So who among the guys is your Kuya?"
"Number 4!" she said that made me looked so surprised.
"Really? Your brother is Zeus?" Tanong ko at tumango ito. Hindi ko alam bakit hindi ko kaagad namukhaan ito gayong pinakita naman na ni Zeus sa akin ang litrato ng kapatid niya.
Maybe because she wears eyeglasses now?
Mayamaya pa ay pumito ang referee for a time-out.
"How do you know my brother by the way?" Tanong niya. She stared at me as if I am a foreign specie.
Nagkibit balikat lang ako.
Gusto kong sabihin ang totoo na matalik na kaibigan ko lang naman talaga ang kuya niya pero ay hindi ko alam at mas gusto kong huwag munang sabihin.
"Well, kalaro ko siya sa basketball," I playfully said.
"Oh! Siguro kaya nasasabi mong matatalo sila Kuya ay dahil natalo ka na niya and you're being bitter?"
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomansaWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...