KUNG siguro bakasyon lang ito, I would just probably chill under the shades of coconut tree with a romance book in one hand.
But that's just so impossible, since first, I don't have a book in my hand and second, this is an accident and not a vacation.
We're now on this island for almost five weeks at wala pa ring rescue.
Hindi ako makapaniwala na mag-iisang buwan na!
Naiiling ako habang ipinagpatuloy ang paghanap ng ibang sangkap para sa lulutuin ko.
I think I want to try sinigang na bangus. Pero kung wala talagang sangkap na pampaasim ay kahit inihaw nalang.
Samantala, si Rett ay kasalukuyang kumukuha ng mga panggatong.
I sighed when I remember what happened last time. Simula nang mangyari ang halikan sa amin noong nakaraan ay hindi na kami kailanman nakapag-usap ng matino.
Tila ba pareho naming iniiwasan ang usapin which is a good thing. Dahil kahit ako ay hindi alam ang mararamdaman sa naging reaksyon ko sa kanyang halik.
Halos ipaubaya ko ang sarili ko sakanya dahil sa tukso!
Nakakahiya!
But Rett, being gentleman as he is, hinalikan lang ako nito sa noo at sinabing may tamang oras para doon.
Pakiramdam ko tuloy ay namumula ulit ang pisngi ko.
So may mangyayari talagang ganoon?!
Napailing ako. Jusko ka Antonia kung anu-ano nalang talaga pumapasok sa isip mo!
I went back to the camp when I noticed that Rett hasn't come back yet.
Gaano ba karaming panggatong ang kinukuha niya at wala pa rin siya?
Minabuti ko nalang na puntahan ito dahil dapit- hapon na at malapit nang lumubog ang araw.
Tinahak ko ang daan papunta sa masukal na daan kung saan maraming punong-kahoy.
One thing that Rett and I have agreed upon is to make trailmarks whenever we are in the deep side of the forest. Dahil puro punong kahoy ang makikita, minabuti naming mag-iwan ng palatandaan sa mga puno na nadadaanan namin at nang sa ganoon ay alam pa rin namin ang daang pabalik at hindi kami mawala.
Kagaya ng sa mga pelikula, nagtali kami ng mga lubid sa bawat puno na aming madadaanan.
Sinundan ko lang ang mga puno na may nakasabit na lubid upang malaman ang lugar na tatahakin.
Mayamaya pa ay napatili ako dahil sa naapakan.
Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita iyon.
Ang emergency knife ni Rett at ang mini flashlight na kasama sa mga nahanap namin sa dalampasigan nang makita ang nasawing chopper!
Imposibleng iiwan niya lang ang mga ito nang basta basta!
"Rett!" sigaw ko. Hindi ko mapigilang kabahan.
Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. What if Rett's in danger?
No! Please do not let something happen to him!
Dali-dali kong ipinatong ang aking dala at tumakbo.
"Adam!" Tawag ko ulit kay Rett.
Tinahak ko ang daan papunta sa kanlurang parte ng isla dahil iyon lang naman ang iba pang daanan bukod sa kinaroroonan ko.
"Adam! Where are you?!" sigaw ko.
Naghintay ako ng sagot ngunit walang dumarating.
"Adam!" natatarantang sigaw ko.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate Crush (Published under UKIYOTO PUBLISHING HOUSE)
RomanceWhile traveling to Romblon, turbulence occurred. Thinking that it would probably be her last day on earth, Antonia confessed her feelings to Rett, her boss. However, the aftermath embarrassment of Antonia's confession fueled her to lie and pretend...