"Is this all you can do Miss, Sagrado?! This is so pathetic!! PLAIN AND BORING!!" bulyaw ni Miss. Kim sakin. Miss ba siya or Mrs? Baka kaya mainit lagi ang ulo kasi walang jowa? Ay bahala siya! "Fix this or else YOU'RE FIRED!" sabay tapon ng folder na nag lalaman ng scoops ko na hawak niya. "OUT!" saka tinuro niya ang pintuan. Dali-dali ko naman pinag-pupulot yung mga papers at folder saka binitbit yun palabas. Napakagat labi nalang ako sa inis. Ewan ko ba bakit lagi ako yung pinag didiskitahan dito.
"Woy! Bakit nag beast mode na naman yun?" sulpot ni Jen sa kung saan galing. Pinaglihi ata to sa ninja.
"Ewan ko ba. Ginawa ko naman lahat yung sinabi niya. Ni revise ko yung mga ayaw niya pero wala padin." tinatahak ko na ang daan papunta sa cubicle ko para makapag-isip na ako ng sususunod na gagawin.
"Hay nako. Inggit lang yan sayo kasi ang ganda mo, trabaho mo lang yata pinupuna niya eh. Kita mo si Kiel? Ayon, approved kahit walang kwenta yung news." pag papagaan-loob niya. Tama din naman siya, bakit parang trabaho ko lang laging napupuna eh samantalang sa iba kahit mababaw, approved agad.
"Ewan ko sakanya. Ikaw ha, pagalitan ka na naman dahil nakikipag-chismisan ka sakin. Back to work na tayo. Umayos ka." bahagya ko siyang tinulak para may gap sa pagitan namin dahil last time dumikit siya sakin, pinagalitan kami kasi chismis lang daw ginagawa namin. Sus. Ang sabihin nila, pinag-didiskitahan nila ako. Charot!
"Oo na. Oh basta! Sabay tayo mag lunch ha. BGC tayo." sabi niya sabay kindat. Ito na naman siya sa pa expensive lunch kemerot niya.
"Ayoko. Last time ang laki ng binayaran natin, sayang sa pera." nakakapanghinayang gumastos nang pera pag ganito na nanganganib yung trabaho ko.
"My treat." napatigil agad ako ng lakad sa sinabi niya. "Oyy... Papayag na yan. Gusto mo ng libre eh..."
"Mapilit ka eh. Sige, samahan kita." bawas astig pag sinabi kung masarap ang pagkain pag libre.
"Sus. Deny pa ito. See you later..." sabi niya saka nag paalam at bumalik na sa kanyang cubicle. Ako naman ay bumalik na din para mag-isip anong pweding retasohin sa report ko. Taena. Hindi ba talaga niya kaya isantabi yung personal issues niya sakin at maging professional na wag idamay yung trabaho ko? Mahirap ba yun?!
"Kainis! Tsk!" mahinang dabog ko nung makaupo ako sa cubicle ko. Nakakairita naman kasi eh. Andami niyang pina revise tas ngayon ang pangit daw. Porke inagreehan ni Sir. John yung report ko kaya todo tantrums siya. Di porke ex ko si Sir. John eh idadamay na ni Miss. Kim yung trabaho ko. Ex na nga di ba?!
"Hello..." speaking of Sir. John, ayan na naman siya. Gosh... Mapapabuntong hininga nalang ako sa ginagawa niya. "Coffee for you..." at nilapag yung coffee sa table ko.
"I appreciate the gesture, Sir. But please, don't make things complicated. Nadadamay ang trabaho ko dahil sa pag ta-tantrums ni Miss. Kim. We all know gustong-gusto ka niya at naiirita siya everytime na lumalapit ka sakin." basag ko agad. Ayokong umaaligid-aligid na naman siya saakin. Siya nag loko tas ngayon mag gaganito siya? Wow magic talaga.
"Ohh? Miss. Kim? Just don't mind her. She's just, you know.... Jealous." di pa nakontento at sumandal pa sa cubicle ko. Woh! Patience is a virtue, Erah... Calm down... Hingang malalim...
"You know what, Sir?" pinilit ko pang ngumiti kahit ang sarap na niya e untog sa pader.
"Hmm?" antay niya sa susunod kung sasabihin. Lakas nang loob nito mag-habol na naman sakin ngayon as if hindi niya ako niloko dati.
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
FanfictionHow would you endure the pain everytime the destiny plays?