CHAPTER 02

881 39 6
                                    


"Sa pag kakaalam ko, reporter ang trabaho natin, hindi stalker" reklamo ni Jen sa tabi ko. "I mean, look at us oh. We are wearing black jacket with sunglasses pa." panay pa din ang reklamo niya habang nag tatago kami sa gilid ng sasakyan.

"Shhh ka nga! Libre kita ng pagkain after may makuha akong litrato sa Sandrong to."

"Ok. I'll shut up na. Basta, you owe me some food." inirapan ko nalang kaartehan niya.

"Ayon! Ayon si Sandro!" sabi ko nung namataan siyang papalabas ng bar. Iniwan ko muna saglit si Jen saka lumipat ng pwesto na patago para makunan siya ng pictures. Naging imbestigador yata ako nito eh! Anong ginagawa niya sa bar? Malamang umiinom, tanga lang Erah?

Nag tago ako sa isang kotse saka kumuha ng mga litrato niya. Kinabahan ako nung napunta siya sa gawi ko, mahuhuli ako nito. Nag hanap ako ng ibang paraan kaya kinalabit ko yung pintuan ng sasakyang pinagtataguan ko, saktong nakabukas kaya pumasok ako para mag tago. Yumuko na talaga ako hanggat sa madaanan niya yung sasakyan na pinagtaguan ko.

"Hay salamat naman..." nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang di niya ako nahuli. Kakalabitin ko na sana yung pinto para makalabas nung biglang may nagsalita sa likoran ko.

"What are you doing??"

"Ay hutaena!-OMG..." napatakip nalang ako ng bibig nung makita kung sino yung nag salita. "Ay hello po ehehe..." omg... Nakakahiya... I kennat!

"What are you doing here in my car?" ulit niya.

"Pasensya na po Sir. May humahabol kasi sakin. Pasensya na." pag dadahilan ko. Kung nakaligtas ako kay Sandro, kay Simon, hindi.

"Really? I see your taking pictures of my kuya." britono niyang wika. Jusko. English palang, na nanampal na sa kamahalan.

"Ha? Yo-your k-kuya?" kabado kung sagot. "Hindi ah... Ah.. ahahaha..." Erah, mag-isip ka ng idadahilan. Mygosh! "Someone's following me and I had nowhere else to hide. Thanks to your car. Alis na ako! Bye!" diritso kung sabi saka kinalabit yung pintuan kaso ni lock niya. Minsan na iinis ako dyan sa mga buttons sa driver seats eh, controlled lahat ng lock.

"Not a chance. So what's that camera for?" Ewan ko kung curious siya or sadyang inaasar niya ako. Andaming tanong.

"Ah ito ba? Ahm... You know, emergency purposes. Like..." Isip Erah, isip. Pangatawanan mo yan. "Like now! Oh ang gwapo mo. Picture tayo. Smile.." minuwestra ko agad ang camera saka kinunan siya ng picture pero maling desisyon ko ata yun dahil parang mas nagalit siya. Patay!

"So you're a paparazzi." he stated like sure siya sa sagot niya. Naman eh! Nakaligtas sa panganay, dehado naman sa middle child!

"Journalist." suko na ako.

"Still the same." sagot niya. Anong same?! Yeah right!

"Oh siya. Alis na ako. Thank you and sorry sa abala." pag papaalam ko.

"What is it that you want from Sandro." dudugo na ata ilong ko sa kaka-english niya. Alam ko mag english pero iba dating nung accent niya.

"Nothing... Just pictures." I denied. Baka ikagagalit pa nila pag nalaman na hinahanapan ko ng issue yung kuya niya.

"Really? Hmm..." hay nako Simon. Wala kang makukuha sakin. "Should I call the police for following Sandro."

"Hoy grabi ka naman. First day ko palang sa mission eh-" Ambobo mo Erah. Pati bibig mo walang preno.

"Aha! Gotcha!" sabi niya na parang naka shoot ng 3 points sa peryahan. "Mission huh. So what's your mission?" parang gusto ko tampalin yung noo ko dahil masyado siyang matanong.

"Andami mong tanong nuh? Hahaha..." pag pipigil kung mabigwasan siya. "Oo.. dami mong tanong. Alis na ako." nabuksan ko na yung sasakyan kaya bababa na saka ako nung nakuha niya kamay ko.

"Wait! May I know your name?" sabi niya habang nakahawak sa pulsuhan ko. Hoy... Bakit may pa ganito?

"Yoko nga! Baka ipa blotter mo ako." sagot ko saka binawi yung kamay ko. Para naman siyang nagulat aa ginawa ko. Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa na ayaw mag pa hawak sa kamay?

"Silly! No. I just wanna know your name. You know, just incase we see each other next time." taray nito.

"Yoko. Baka isumbong mo ako. Alis na ako. Bye!" hindi ko na siya inantay mag salita at kumaripas na sa pagtakbo malayo sa sasakyan niya. Dumeritso agad ako kung saan naka park yung sasakyan ni Jen.

"Jusko!" hingal na hingal pa ako nung makapasok aa loob ng sasakyan.

"Oh anong nangyari sayo? Ba't ka hinihingal? Hoy! Ikaw ha iniwan mo ko!" minuwestra ko muna ang kamay ko sa mukha niya para antayin niya muna akong huminga bago makasagot sa tanong niya.

"T-teka.. woh!" huminga muna ako ng malalim saka inayos yung pag-upo. "Nakatakas nga ako kay Sandro, nakita naman ako ni Simon."

"Si Simon?!" nanlaki agad ang mata niya saka aktong lalabas ng sasakyan para hanapin si Simon pero hinila ko agad siya dahilan para maupo ulit. "Aray!"

"Gaga! Wag kang mag papakita dun. Edi nabuko na sinusundan ko talaga kuya niya."

"Gusto ko mag papicture with him..." sabi niya sabay puppy eyes. Heto na naman siya!

"May picture siya sa camera ko, sayo na yan." binigay ko agad yung cam at dali-dali niya naman itong tinignan. Tili siya ng tili after makita yung picture ni Simon.

"ACHHHK!!! ANG GWAPO NIYA TALAGA!!!" fan girling mode na naman si Jen.

"Gosh Jen. Calm down! Your hurting my ears." reklamo sa kakatili niya. Sakit sa tenga.

"Panira ka talaga. Minsan na nga lang kiligin eh. Grabi mamsh ang gwapo niya talaga. Di ko kinaya." bahala ka na kiligin diyan. Pinaandar ko na ang sasakyan para maka-alis na kami sa parking lot dahil baka makita kami nung kapatid ni Sandro, lapitan pa kami.

"Wala akong nakuhang information about kay Sandro. Baka interviewhin ko na talaga siya pag di na kinaya." sabi ko habang nag dra-drive na paalis ng parking lot. Same building kami ni Jen pero magkaiba ng condo unit dahil masyado siyang makalat at yan ang ayoko. Useless din naman kasi kumakatok lang bigla si Jen tuwing kelan niya gusto pumunta sa unit ko.

"Aminin mo. Kinilig ka kay Simon nuh? Yieee... tagos hanggang bone marrow ba?" usisa niya.

"Ba't naman ako kikiligin dun? Mukhang mayabang din naman yun" pinalo niya agad ang balikat ko.

"Ang judgemental mo! Hindi kaya ganon si Simon. Introvert nga siya eh." talaga ba? Hmm... "Wag moko pinag-loloko, Erah. Elementary pa lang tayo, kilalang-kilala na natin ang isa't-isa kaya wag kana mag deny." pala desisyon talaga.

"Hindi nga, okay? Kaka-kilala ko lang sakanya. Hindi ko siya crush at hindi ako kinilig sakanya." pag clarify ko. Pinaningkitan niya lang ako ng mata saka tumango-tango pero halatang di kumbinsido sa sagot ko. Ipipilit talaga niyang kinilig ako. "Hindi nga ako kinilig, okay?!" pag-uulit ko pa.

"Oo nga! Hindi ka nga kinilig. Wala namana akong sinabi ah. Defensive masyado ito. Chill!" tumahimik na siya after nun pero panay parin ang nakaw ng tingin sakin kaya napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya.

"Pero ang gwapo niya, in fairness." labas sa ilong kung sabi para matapos na siya.

"Ha! I knew it! Yieee" inirapan ko nalang siya saka nag patuloy sa pag drive. Para matapos na yung kahibangan niya. Di naman kasi yan nag papatalo. Gusto lagi tama.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now