CHAPTER 33

577 33 10
                                    


"So it was Kimberlat all along?" Jen said habang nakatambay kami sa coffee shop dahil maaga kami natapos mag lunch and may 1hr pa kami bago bumalik sa office.

"Gaga Kimberly yun." natatawang sita ni Limer. One thing i'm amazed about our friendship right now is that nadagdagan kami ni Jen sa hindi namin alam na rason kung bakit na click agad namin si Limer. Siguro same lang din kaming tatlo na hindi gusto sa lavish lifestyle na buhay kaya we keep ourselves lowkey like this and we don't want other people to treat as like we're Gods and Goddesses.

"Whatever. She's bitter. Trying hard copycat masyado. Pa-epal talaga as usual. Take note, dinamay pa niya yung juniors natin for that." sabi ni Jen sabay inom sa iced coffee niya. Simula nung sinabi ko sakanya na si Kim yung kumuha ng pictures namin, gigil na gigil talaga siya. Buti nalang nasa business trip si Kim kaya di pa talaga sila nagkikita or else makakalbo na siya. Balita ko ngayon ang uwi nun kaya sana mag tawag na siya ng mga santo kung si Jen makaharap niya.

"Ewan ko ba sakanya. Instead on focusing on their family business, she still out there throwing a party and inviting highest paid DJs." wika ni Limer. Na-alala ko tuloy yung invitation ni Sandro na tour sa Ilocos Norte which is bukas na yun at hindi ko pa nasasabi sakanila that Sandro invited me.

"Hoy!!" pitik ni Jen sa noo ko. Sinapo ko agad yung saka tinignan siya ng masama. "Stop glaring at me. Lutang ka na naman."

"Ang sakit ha." inda ko pa rin.

"Hindi ka nakikinig eh. So yun na nga, what's your plan na pag nakita na natin si Kim?"

"I don't know? Ayaw kung makipag-away din naman. Wala na, nailabas na, tapos na." labas sa ilong kung sagot. Pag inaway ko naman yun, may mababago ba?

"What? Oh no dear. Don't tell us wala kang gagawin. KNORRWAY!" maarteng sabi ni Limer sabay pitik pa sa daliri niya. Sassy Limer mode!

"Limer's right. You can't just let this pass, Erah. Remember, dahil sa ginawa niya nadawit si Sandro..." dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya. "You received bad comments from netizens and lastly siya ang reason why your father beat you to death." pinandilatan ko agad siya ng mata kasi masyadong malakas yung pagkakasabi niya at baka may makarinig. "Oppss.." umayos agad siya ng upo saka tumingin-tingin sa paligid. Buti nalang talaga walang masyadong tao.

"Speaking of the devil. Look." singit ni Limer saka tinuro ang labas ng coffee shop kung saan saktong napadaan si Kim na parang may pupuntahan. Oh no. Not Jen seeing Kim at this time na mainit pa ulo niya.

"Jen, calm down." wika ko kahit hindi pa siya gumagalaw pero kita ko na yung panlilisik ng mata niya habang nakatingin kay Kim.

"Perfect time. That witch!" tumayo agad siya sabay kuha sa bag niya.

"Jen. Jen no no no..." pigil namin ni Limer sakanya pero malakas pa ata ito sa cow kaya mahirap pigilan. Too late, nakatayo na siya saka papalabas na ng coffee shop. "Limer, let's stop her. Goddamn it, Jen." I cussed dahil alam ko kung ano ugali ni Jen.

"Your bag, Erah. Your bag." turo ni Limer sa bag na naiwan ko dahil nataranta na akong sundan si Jen. Nauna na siya para masundan si Jen na galit na galit papalabas ng coffee shop. Dali-dali kung binalikan yung bag ko saka muntikan pang matalisod kaka-sunod sa kanila. Come on, Jen. Kumalma ka munaaa...

"Limer? Where's Jen?" tanong ko kay Limer na nakatayo habang lumilingon-lingon.

"I lost her. Wait. Oh there! Right there! At that resto." turo niya. Pumunta kami agad dun saka hinanap agad si Jen. "There she is. Oh no. This means war." pareho kaming hinihingal ni Limer nung nakapasok sa resto kaka-takbo. Nilapitan ko agad si Jen na ngayong kaharap si Kimberly.

"Oh there's your alalays. Looks cheap and dirty huh." insulto niya. Nag pipigil lang talaga ako masapak siya kasi sayang yung ginastos niya sa mukha niya kaka-plastic surgery eh masama pa din ugali niya.

"Shut the fuck nitwit. You and your filthy mouth should be washed with soap." balik ni Jen.

"What the hell did you just said?" paulit ni Kim na parang na silihan.

"Nitwit. Stop pretending so innocent. I know what you did to Erah."

"Oh you already knew? Oh I thought you wouldn't figure it out. Owww..." tss..

"Poor you. Wala na ngang tumatanggap sayong ibang trabaho, ganyan pa ugali mo. No wonder John couldn't stand you cause you're a trying hard bitchy. Well to tell you honestly what i'm amazed about you is your idiocy to the highest level." kitang-kita ko kung paano natamaan si Kim sa sinabi ni Jen, magagalit na ito for sure. "Your working your ass out trying to be bitchy but end up losing cause you don't know how to play fair. Yeah? Alam mong candidate si Erah for promotion that's why nag hanap ka ng issue para madawit siya. Is that how you play the game? How low can you get?"

"What the fuck?! Are you saying that i'm stupid?" tumaas na medyo ang boses ni Kim kaya nakakakuha na kami ng attention dito sa resto.

"Jen, tama na. Tinignan na tayo ng mga tao." pigil ko kay Jen sabay hatak sa braso niya.

"No, Erah. She has to learn her lesson. Hindi lahat ng tao pwde niyang apak-apakan dahil lang sa tingin niya nakaka-angat siya. Kung si Erah mabait, ako hindi. So stop being bitchy and keep your hands to yourself!" hindi na nakapagpigil si Kim at tumayo na saka tinulak si Jen. Oh no! Not Kim pushing Jen. Ibang usapan na yan.

"Why can't you just leave me and Erah alone. Are you sick? Always butting in someone's business!"

"Yeah. I'm sick. Sick of your bullshits. Trying to act clean and sophisticated but can't afford to buy manners." nagulat ako nung akmang sasampalin na niya si Jen kaso na hawi niya iyon. Mas ikinagulat ko pa nung biglang hilain ni Jen yung ponytail hair ni Kim tapos natanggal. "AHHHHH!!!" tili ni Jen habang nakatingin sa natanggal na ponytail hair extension ni Kim.

"My hair!! OMG! OH MY GOD. I'M GONNA DIE! PLEASE HELP!! CALL 911" taranta niyang sabi habang hinahawakan yung natanggal niyang hair extension. All along akala naming mahaba ang buhok niya but it's not. Oh dang it! Ewan ko kung matatawa ako sa mga nangyayari nito. From intense to comedy real quick. "Oh my gosh my hair! I cannot! I can't breath!" patuloy niya paring pag-iinarte. Si Jen naman naitapon pabalik kay Kim yung hair extension niyang hawak kanina sa gulat.

"Ew! Your hair is fake, so as you!" mabilis pa kay the flash na hinatak niya kaming dalawa ni Limer papalabas ng resto kasi pareho na kami ni Limer na naguguluhan kung tatawa ba kami or tutulungan siya ikabit ulit yung hair extensions niya.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now