The party....
This is it. This is the big day! Since party ang pupuntahan namin, I decided to wear casual attire. Yung comfy pero presentable tignan para naman di kami kawawain dun nang ibang media. Iba pa naman dun, paunahan kumuha nang mga statements ng mga taong importante sa event. Kinulot ko lang ang dulo ng buhok ko saka nag lagay ng light make up para okay akong makipag-usap sa iba. For sure puro mga mabibigatin ang mga guest sa party kaya dapat talaga maging perfect itong trabaho namin. Ayaw kung pumalpak dahil isa ito sa mag papaangat sa amin if magiging successful yung coverage namin sa event na ito. Papalabas na sana ako sa unit nung nag notif yung phone ko at nakita sa screen na nag text si Limer.
Limer: "Partner, I'm here already. See you in a bit."
Bahagya akong natawa sa text niya. Partner na talaga tawag niya sakin simula kahapon at nung nag text siya kagabi sa mga anong do's and don'ts pag ma co-cover daw ng events. Inilock ko lang ang pintuan ko saka sumakay na ng elevator. Mag kikita din naman kami ni Jen mamaya sa event so hindi ko na siya inantay. Inaantay ko lang maka rating ako sa ground floor nang tumunog ulit ang phone ko.
Simon: "I'll see you later, Erah ;)"
Tinignan ko ulit kung tama ba yung nakikita kung si Simon yung nag text, siya nga. Kahit nag tataka ako sa pa text niyang ganon, ni-replyan ko nalang siya.
Me: "Okay." saka ko ibinaba ang phone at nakatuon ang attention ko sa pag baba nang bawat numero sa elevator. Nag pop ulit yung message niya.
Simon: "okay? Okay lang? Are you having a bad day? Seems cold." natawa agad ako sa message niya. Ano ba dapat kasi ang sabihin ko?
Me: "HîNdï pH0üszx.🔥 Di na ba yan cold?" yan na yung huling reply ko dahil nakarating na ako sa ground floor. Inilagay ko na yung phone ko sa bulsa at nag diretso na sa sasakyan ko dahil ayaw kung ma late. Pag tingin ko sa relo, mag 4 o'clock na. By 5pm standby na kami dahil dadating na yung mga guest to dapat makaalis na ako dito.
Sakto 4:20pm nakadating ako sa venue kung saan gaganapin ang party. Isinuot ko agad ang ID namin para free pass na ako pag nakita ng guard. Binitbit ko lang ang macbook, phone at recorder ko kasi yun lang naman ang kailangan, saka ako bumaba ng sasakyan. Pag kapasok ko sa hall ay nag taas agad ng kamay si Limer nung makita niya ako. Lalapit na sana ako sakanya nung nakatayo sa likoran niya si Sandro at nag katitigan kami. Oh shit! Paano umiwas? Kalma Erah! Kalma...hingang malalim. Kalma...
"Thank God your here na. Jen is looking for you. Pumunta lang muna siyang CR." lapit ni Limer sakin. Nahagip ulit ng mata ko si Sandro na nakatingin lanh sa gawi ko habang may kinakausap na guest. Bakit na naman ba? Yung mga titig na yan, naalala ko yung nangyari sa office niya. Muntikan na kami mag tukaan dun.
"Medyo traffic kasi. Ready ka na ba? Wag ka lang kabahan tapos enjoy mo lang yung event." nakangiti kung sabi kahit ako eh kabado na din. Grabi na ito. Nakita kung papalapit si Sandro sa gawi ko kaya humigpit kaagad ang pagkaka-hawak ko sa mga dala ko at parang nag pipigil ng hinga sa kaba.
"Hello guys. Welcome to my Mama Meldy's party. I hope you will enjoy this event. My name is Sandro Marcos by the way." pag papakilala niya sa kanyang sarili at palitan kaming tinignan ni Limer saka nakipag-kamayan saamin.
"Good afternoon, Sir. Sandro. I'm Limer Santos. Erah's partner." pakilala naman ni Limer. Kumunot agad ang kilay ni Sandro at tinignan ako na parang nag tataka.
"Partner sa media cover. Oo, partner kami...haha.." tarantang paglilinaw ko dahil baka anong ibig sabihin niyang partner. Ang awkward nang situation.
"Ohh... Nice to meet you, Limer. Can I have a word with you Miss, Erah." nagulat pa ako nung hinawakan niya yung wrist ko. Pati si Limer parang nagulat at nag taka din nung hinawakan ako ni Sandro na as if close kami.
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
FanfictionHow would you endure the pain everytime the destiny plays?