CHAPTER 51

501 32 35
                                    


Kumakabog ang puso ko sa susunod niyang sasabihin, sana hindi siya mag co-confess gaya katulad ng iniisip ko. Pag nagkataon... Arrgh! Anong gagawin ko?!

"Erah? Wohoo? Are you listening?" Vinny snapped his fingers infront of me. Nabalik ako sa katinuan dahil dun.

"Huh? Ano nga ulit yung sinasabi mo?" napakurap-kurap nalang ako dahil di na makapag-focus yung utak ko.

"You're not listening huh."

"Sorry, medyo spaced out lang. Ano nga ulit yun?" napalunok nalang ako sa kaba sa possible na sasabihin niya.

"I think I like you..." Oh shit. Can the floor swallow me now?!

"Ah hehehe? What do you mean?" Tanga, Erah sa lahat ng itatanong mo, yan pa talaga? Great, just great.

"I think I like you." he repeated.

"Think lang pala eh. Baka your hungry lang." me trying to be funny. Fuck it! Bakit ba hindi ako marunong mag handle ng maayos everytime may mag confess sakin. Dati tinatawanan ko lang yung mga nagkakagusto sakin pero this time, mahirap tawanan lalo't anak ng Presidente yung umaamin.

"I'm dead serious, Erah. I like you." he seriously said without breaking our eye contact. Oh come on! Why on earth ako yung nagustuhan niyo?! Hindi sa choosy ako pero ang hirap ng ganito.

"Look, Vinny..." I lick my lips first then cleared my throat before talking. "I... I don't know why you liked me but... I don't think... Ahm I really don't know what to say." nanlumo nalang ako saka sumubsob at yumuko sa lamesa sa sobrang hiya.

"Why? What's the matter? I said I liked you. Lucky you." he said confidently. Napaayos agad ako ng upo at tinignan siya na parang 'Talaga ba?'

"Feeling mo. Lucky you ka pa. Di na nga ko mag kanda-ugaga sa mga Kuya mo tas dadagdag ka—" Oh shit. My mouth slipped. Pati si Vinny nanlaki ang mata while looking at me.

"Don't tell me Simon and Sandro likes you too?" nanlaki parin ang mata niya while confirming me kung totoo ba yung hinala niya. Parang gusto ko nalang talaga mag pakain sa lupa sa ganitong sitwasyon.

"Yeah." labas sa ilong kung sagot dahil kahit ako din naman di makapaniwala na nagustuhan nila ako.

"HAHAHAHAHAHAHA..." hagalpak niyang tawa. Halos mawala na mata niya sa sobrang tawa tas kita ko na gums niya kakatawa. "Oh God, Please. HAHAHAHAHA..." maluha-luha na ang mata niya kakatawa.

"Should I be insulted about your laugh? Or sabayan nalang kita tumawa?" biro ko. Ewan ko din naman bakit siya tumawa. Kinuha niya ang panyo niya saka pinampunas sa maluha-luha niyang mata kakatawa.

"Wait. I can't, masakit parin tyan ko." nilalabanan na niyang hindi na matawa. "No wonder Simon called me last night and told me not to go back to the Philippines yet. And Sandro, he told me not to see you for the meantime." Ayy? Nambabakod yata silang mag kakapatid.

"Bakit parang ikaw yung nilalayo nila?" taka ko.

"Simple. I'm Vinny and no one can resist my charm." he answered confidently.

"Aahahaha" Feeling nito. Napairap nalang ako sa sobrang galing ng sagot niya. "You think threatened yung mga Kuya mo sayo?"

"They are. They are threatened about my charm." natatawa niyang sagot. Oh yeah he's telling the truth. No one can resist his charm but too bad, hanggang friends lang yung tingin ko sakanya.

"Ahh hahahaha... Hayy.." buntong hininga ko nalang.

"Excuse me, Ma'am and Sir. Here's your order." save by the bell. Thank you Mr. Waiter na life saver. Nawala yung awkwardness between Vinny and I.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now