CHAPTER 21

610 37 27
                                    

Nagkatitigan kami nang ilang minuto at medyo nakakahiya na yung position namin kasi naka-akbay parin siya saakin habang tinitignan niya ako. I cleared my throat at pasimpling ginalaw ang balikat ko para matanggal yung kamay niyang naka akbay saakin.

"Ahh... Thanks for saving me back there." basag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Is she bullying you?" tukoy niya siguro kay Kim.

"Nope. Baka di niya lang talaga sinasadya matapunan ako ng tubig. I'm fine naman." sabi ko nalang. Tinignan ko yung basang parte na tinapunan ni Kim ng tubig, basa talaga. Baka patuyuin ko nalang ito sa hand dryer sa banyo.

"I saw what I saw, Erah. That girl intentionally spill water on your clothes. That's a bad behavior." aktong aalis sana siya para siguro pagsabihan si Kim kaso pinigilan ko.

"No, Sir. I'm totally fine. Patuyuin ko nalang ito sa banyo. I really have to finish this event."

"Just go back inside and wear my coat so you won't get cold." tinulungan pa niya akong masout sa kamay ko yung coat.

"Thank you so, Sir. Ibabalik ko sainyo ito." bilin ko. Ibabalik ko talaga ito sakanya kasi for sure ang mahal nito.

"No need to worry bout that. Just keep yourself warm." sabi pa niya at hinawakan ako sa mag kabilang balikat at pinatingin nang diretso sakanya. "Don't get cold." he said then smile so sweetly. Is he drunk? Why is he acting like this? Is this normal?

"Oh okay... Ahm.. balik na ako sa loob." paalam ko pa. Itatanong ko sana na di ba siya muna babalik sa loob nung tumunog ang cellphone niya.

"I'll just have to take this call. You can go ahead." he excused. Tumango nalang ako saka umalis na para makabalik sa loob nung marinig ko sinong kausap niya. "Hmm...Ayesha..." yan lang ang narinig ko sa katawag niya dahil humina agad ang boses niya. Chick boy talaga!

Pag kabalik ko sa loob ay saktong nakita ko na wala na si John sa inuupuan ko kanina kaya makakabalik na ako nang matiwasay. May araw ka din sakin Kim, yung ugali mong kasing pakla ng mukha mo, may lulugaran ka talaga pag sumabog ako. Natitimpi lang ako sa ugali niya dahil ayaw ko nang gulo kaso sinisimulan niya ako.

"Beb!" napalingon agad ako sa tumawag sakin. Finally! Nagkita na rin kami ni Jen.

"Saan ka ba nanggaling ha? Kanina pa kita hinahanap." lumapit siya agad sakin saka bumeso.

"Dun kami sa entrance naka pwesto para ibalita yung nagaganap. Ito, lipat na naman kami sa loob. Oh bakit ganyan ang suot mo? Ang off ng outfit mo today huh." turo niya sa damit ko. Di naman kasi siya sanay na makita akong nag co-coat.

"Hindi ito akin. Kay Sandro ito." hininaan ko pa boses ko pero nanlaki agad ang mata niya at napatakip pa ng kamay sa bibig dahil sa sinabi ko. "Wag kang sumigaw, sungalngalin talaga kita." inunahan ko na dahil baka kung ano na naman gawin niya.

"OMG. Hahahaha... So ano na? Anong meron between you and Sandro? Hmm..." usisa niya.

"Walang meron between Sandro and I. Tinulungan niya lang ako kasi Kim intentionally spill water on me." nag bago agad ang expression ng mukha ni Jen sa sinabi ko at parang may susugurin siya nang away. "Wag na tayo makipag-away dito. Tatapusin ko lang itong trabaho natin, talagang may kalalagyan si Kim." sabi ko nalang para di na mag-alala at mag isip pa ng kung ano-ano si Jen.

"Oh siya. Pag inaway ka na naman nun, sabihan mo lang ako. That bitch should learn her lesson." banta niya. Alam kung pag nag banta si Jen, world war talaga ang susunod kaya ayaw kung nalalaman niya na inaaway ako ni Kim or else. "Anyways, hanap ka nga pala ni Vinny kanina pero sabi ko di pa tayo nagkikita."

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now