CHAPTER 90

410 30 6
                                    


After the meeting hindi na ako nag paalam, umalis nalang ako bigla. Nakakahiya pero hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko kanina. Bakit ganon? Kumabog bigla yung puso ko. Hindi ko yata na control yung emotions ko, masyado bang halata? Arrgh!! Kainis!

"Goat, wait up!" habol ni Simon sa akin nung nag mamadali akong sumakay sa elevator. Ayan na naman siya sa GOAT niya. Naku naman Simon eh.

"Come on. Come on. Come on." nakailang pindot na ako sa button ng elevator, antagal bumukas. Baka maabutan ako ni Simon.

"Wait for me!" sabi pa niya kahit malayo-layo pa siya. Ni hindi na nga niya pinanasin yung mga nadaanan niya investors namin kakahabol sa akin. Parang natanggal pagiging seryoso niya maka habol lang. Saktong bumukas ang elevator kaya dali-dali akong pumasok at sinubukang pindutin ang button para mag sara na. Aktong mag sasara na sana ang pinto at makakahinga na sana ako nung may jacket na lumipad sa may pinto para pigilan itong mag sara. "Gotcha!" parang nag divorce saglit ang kaluluwa at katawan ko sa gulat nung bumungad siya sa pag bukas ulit ng elevator. Dang it! Na ninja moves ni Simon yung elevator.

"O-Oh Simon. Ikaw pala." kabado kung sabi nung pumasok siya at tumabi sa akin. Pikit mata nalang akong sumiksik sa may corner kahit maluwag ang elevator. Pumasok din ang mga investors kaya naging siksikan sa elevator. Ang Simon, kung paano ako umiwas, ganon naman ka siksik lumapit at hinarangan niyang maipit ako. He pinned me on the wall at hinarang ang mga kamay niya sa gilid ng balikat ko para di ko malapitan ng iba. Magkaharap kami at kita ko kung gaano niya pinipigilan na di ako ma ipit. Jusko ka Simon!

"Are you good?" he asked in a lower voice dahil madaming tao at nasa elevator pa din kami. Bahagya akong tumango at ipinikit ang mata dahil napaka close ng paligid. Parang hindi ako makahinga at bumibilis ang tibok ng puso ko. I thought na overcome ko na itong takot pero mali pala ako. Masyadong mahigpit ang kapit ko sa railings at nagsisimula na tumagaktak ang aking pawis. Pinikit ko lang ang mata ko hanggang sa maramdaman kung may umakap sa akin. Inisob-sob niya ako sa kanyang dibdib at hinimas-himas ang aking buhok. What he did made me feel better. Ilang minuto na naging ganon kami sa position na yun hanggag sa makababa kami sa ground floor.

"S-Si..." wika ko nung hindi parin siya humihiwalay sa akin.

"Oh, sorry. We're here na pala." he said and step back para makahinga ako ng maayos. Tinulungan niya akong makalabas sa elevator dahil nanghihina pa din ang tuhod ko. "Breath in, breath out." he said while guiding me papuntang lobby. I did what he ask me to do at naging okay na ako.

"Thanks, Si... I thought hindi na ako matatakot sa ganon knowing na dumaan ako sa pagiging bulag." I explained.

"It's fine. I'm glad you're okay now. Here.." may kinuha siyang panyo sa kanyang bulsa at saka ito inabot sa akin. "To wipe your ahm... sweat." nahihiya niyang turo sa noo kung pawis na pawis.

"Oh, thanks and sorry.." agad kung kinuha ang panyo niya at pinunasan ang noo ko.

"Sorry? What for?" he look so confused.

"Maybe you hate sweat, sorry." sabi ko pa at patuloy na pinunasan ang pawis kung noo at leeg. I saw him gulped nung nag punas ako ng pawis sa leeg.

"Hmm?" takang tanong ko. Nag iwas agad siya ng tingin at namulsa. Kunot noo naman akong tinignan siya saka pinag patuloy ang pag punas ko. "This fabric is so smooth. I'll wash this first before returning it to you." turo ko sa panyo niya.

"You don't have to. I'll wash that." aagawin na sana niya yung panyo niya kaso mabilis kung nailayo.

"Ano ka ba. I'll wash this saka ko isususli sayo. Thank you for what you did back there." I thank him.

"All for you, Goat." sagot niya at nag taas-baba ng kilay. Napangiwi agad ako sa sinabi niya, Goat. Jeez!

"Di mo pa pala yan nakakalimotan yung pauso mong GOAT." I uttered and rolled my eyes at him. He just laughed at it then shrugged his shoulders.

"Who am I to forget that. Anyways, you have plans today?" he asked.

"Hmm... Wala naman. Why?"

"Come with me." he said and got this excitement in his eyes.

"Huh? Saan? And, wala ka bang work today? I thought you just came here for the meeting." tanong ko pa. I know Simon is a busy type of person especially now that his company is expanding. What I admire from Simon is that he never uses his last name and his father's position just to be on top. I mean, he never told anyone that he's one of the presidential's son. He work his ass off from buttom to top.

"My morning sched is vacant. Wanna come?" he asked and lend his hand on me.

"How about my car?"

"Just leave it here." he said at hindi na inantay ang sagot ko at kinuha na agad ang kamay ko saka lumabas kami ng building. Pala desisyon Simon mode na naman siya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko pa habang papalapit na kami sa sasakyan niya at pinagbuksan kami ng pinto ng PSG.

"On our first date." he simply answered. I looked at him as if I couldn't believe what he said. Date? Really?

"Anong date?"

"Basta, just trust me." pinaningkitan ko lang siya ng mata dahil may pa trust me pa siyang nalalaman. "Excuse me for a sec." he said nung makapasok na kami sa sasakyan nila. He made a phone call with someone.

"Good morning po." bati ko sa driver niya. Nginitian naman ako ng malaki ni Manong driver at naging ganado bigla.

"Close the rink. We'll be there in 15 minutes." namilog agad ako sa sinabi niya habang may kausap sa phone. Anong close? Anong rink? Bakit may ganyan? Anong nangyayari?

"Hoy ano yan?" sinundot ko siya sa tagiliran dahil di niya ako narinig nag tanong. Si Manong driver naman nakatingin sa amin sa rear view mirror.

"Secret... You know the drill, Kuya." magalang na sabi ni Simon sa driver nila at nakangiti itong tumango saka pinaandar ang sasakyan. San na naman ba niya ako dadalin?

Hindi nag tagal ay nakarating kami sa SM Mall of Asia. Dumaan kami sa VIP door at dire-diretso sa Ice skating rink. Teka, dito niya ako dinala dati at dito din yung aksidenting nag halikan kami.

"Tada~ surprise.." he said nung makapasok na kami. He looks so excited and proud sa surprise niya. "I remember what was said when we were still in New York, you want to go ice skating again." napangiti nalang ako s sinabi niya. Naalala niya pa pala yun. It was first day of snow sa New York that time and wala pa akong makita, nararamdaman ko lang ang lamig at dampi ng snow sa mukha ko. Gusto ko ma experience ulit mag ice skating dahil naririnig ko ang bawat tawa ng mga bata na nag i-ice skating sa park nung sinamahan niya ako.

"You still remember that." nakangiti kung sabi.

"There are no things about you that I will forget." he replied. "Ready?" tumango agad ako at tinulungan niyang maibalance ko ang sarili ko na makatayo sa ice. Nakahawak muna ako sakanya hanggang dalhin niya ako sa gitna.  "I'll let you go ha."

"WAG! WAG MUNA. TEKA LANG NAMAN!" sigaw ko na ikinahagalpak ng tawa niya. Siguro sa isip niya mukha akong tanga na takot maibalance ang sarili ko. Aist! Ang hirap naman kasi eh.

"Here. Careful." tinulungan niya ako sa pakonti-konting steps and so on hanggang sa makuha ko na. Wee! Kaya ko na! "There you go. Great job! Woho!" pag che-cheer niya nung kaya ko na nung wala siya.

"Wee!!!" enjoy na enjoy ako sa pag ice skating at nag hamon pa siya ng snow ball fighting. Tuwang-tuwa ako sa ginawa namin ngayon, yung feeling na parang kami lang ang tao sa mundo. Yung feeling na kasama ko si Simon na wala akong kahati sa iba, hindi ako mangangamba. Ito na ba kaya yung hinihintay kung sign?

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now