Nagising ako dahil sa wake up call ng katawan ko. Kinapa ko agad ang aking noo dahil ramdam kung may nakapatong, towel? Kanino—oh wait si Simon?! Napabangon ako saka hinanap siya. He was sleeping on my couch sa loob ng kwarto ko at medyo kawawa yung position niya dahil sa kanyang tangkad ay nakabaloktot siya habang natutulog. Hindi siya umuwi kagabi at hindi niya ako iniwan. Na touch naman ako sa ginawa niya. I mean, sino ba naman ako para gawin niya yun. Pagod na pagod siya kagabi dahil galing trabaho tapos heto siya, nakahiga sa sofa ko. Tumabi nalang sana siya humiga sa kama.
Mataman kong tinitigan ang kanyang mukha na tulog na tulog nung makalapit ako. I can't deny that he is handsome and sweet. Imagine doing this for me kahit wala kaming connection sa isa't-isa. Tinignan ko yung towel na inilagay niya sa noo ko kanina. I didn't know na marunong din siya sa mga old ways para bumaba ang lagnat. He is full of surprise actually.
"Si..." dahan-dahan ko siyang ginising dahil baka pag ginulat ko to eh masapak ako. "Si, wake up." yugyug ko sa balikat niya. Nung hindi pa siya magising ay kinabahan na ako. "Hoy Simon! Wag kang mag biro nang ganyan. Gumising ka!" patuloy ko parin siyang niyugyug at inilapit ang aking tenga sa kanyang ilong para malamang kung huminga pa siya.
"I need CPR." nag gulat ako nung nag salita siya kaya napalo ko tuloy yung balikat niya sa gulat. "Ouch! Good morning." gandang bungad sa umaga yung palo ko sakanya.
"Ginulat mo ako eh! CPR ka dyan. Ano ka nalulunod?" tinulungan ko siya makatayo dahil parang nangalay ata ang tuhod niya sa kakabaluktot matulog.
"Are you feeling better now?" nag unat siya agad nung makatayo siya saka umupo ulit. Bagong gising pero ang gwapo pa din. Wait. Did I just said that?! Oh no way.
"Ahm oo. Thank you sa pag-aalaga sakin. Sana sa kama ka nalang natulog, kawawa position mo dito oh." he looked at me na papa-pikit pa dahil kakagising niya lang talaga.
"I can't do that without your consent. I don't wanna take advantage of this situation and in respect na din for you." Ohh... Indeed he's full of surprises. Like, yung iba tini-take advantage pag nasa bahay ng babae or what. Siya? Hindi talaga.
"Oh ahm... Okay. Thank you for taking care of me. Hindi ka talaga umuwi. Hindi ba dumating si Jen?"
"She called me last night and she said she can't make it cause something happened to her Dad." nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya. Anong nangyari kay Tito? Okay lang kaya si Jen? Tawagan ko nga mamaya.
"Okay. Ahm dito ka na mag breakfast. I'll be the one to cook. You eat heavy meal or light meal?" tumayo na din ako.
"Heavy meal." he replied.
"Okay. I'll get you some towel so you could wash up or take a bath." pumunta muna akong closet saka hinanap yung extra clean towel at inabot ko yung sakanya. "You need clothes? I'll you one sa baba." suggest ko pa.
"No. No. This is fine. I'll just wash up. Uuwi din ako sa bahay to pick up some things." tumango naman ako saka nag kibit balikat at lalabas na ng kwarto.
"I'll leave you. Help youself." I said saka tuluyan na lumabas sa kwarto. Ewan, bakit naging comfortable ako bigla sa kanya. Usually hindi ako nag papapasok ng iba dito sa condo ko. Even si John hindi palagi nakakapunta dito sa bahay ko.
Naisipan ko mag luto ng jambalaya rice. Spicy rice but tolerable lang naman with sausage and etc. Hindi ko kasi alam ang mga taste ni Simon kung international ba or local foods yung trip niya. Hinanda ko na yung mga ingredients saka sinumulan mag saing habang niluluto yung ibang isasahog. Nung maluto na yung kanin ay hinalo ko na lahat. Saktong lumabas siya sa kwarto nug matapos yung niluluto ko at hinahanda ko na ang hapag kainan.
"Woah. That smells so good. What are you making for breakfast?" sa pag tanong niya palang nung ay parang normal lang na ginagawa namin ito. Weird.
"Jambalaya rice. Upo ka na. You like coffee? Tea? Milk? Juice or water?" bigay kung options sakanya.
"Juice, please." he said habang nag pupunas ng towel sa mukha niya. Okay, orange juice coming right up!
"Here you go. Kain na tayo." aya ko nung mailapag ko yung pagkain niya. Nag simula na kami kumain at natutuwa ako na nasasarapan siya sa luto ko. Nag kwentohan muna kami habang kumakain dahil ang awkward naman kung tahimik lang kami.
"Thanks for the breakfast. It taste good when rice is spicy pala." puri niya. Nakakataba ng puso yung sinabi niya kasi eme ko lang na luto yung eh tas nagustuhan niya pa. "So, this is it. I have to go. Thanks for ketting me stay here last night." kahit siya naman ang nag pumulit na mag stay muna dito kagabi.
"Ano ka ba. Ako dapat mag pasalamat sayo. You took care of me last night while I was sick. The least I could do is to cook breakfast for you."
"Anything for you, Erah. Take care and akways lock your door especially that your living alone." palala niya. Ohhh...
"Nakatira naman si Jen katabi lang nitong condo ko at high end security naman itong building so we're safe here." I assured para hindi na siya mag-alala. Taray! Tinalo pa namin mag jowa.
"Alright. I have to go. Bye..." nagulat ako nung lumapit siya sa akin at akala ko hahalikan niya ako sa labi pero biglang lumiko at sa pisnge lang pala bumeso. Kinabahan ako nun ah, parang nanigas ang katawan ko sa ginawa niya.
"Bye..." napalunok pa ako at peking ngumiti para di mahalata na kinabahan ako sa pa beso niya. Grabi siya. Nung makalabas na siya ng bahay ko at maisara ko na ang pinto ay dun ko na ibinuga yung hininga ko na kanina ko pa pinipigilan nung akala ko hahalikan niya ako. Woh! Kumalma ka Erah. Ikalma mo ang iyong sarili! Naramdaman kung nag iinit ang aking pisnge. Am I blushing? Oh gosh no! No way! Nag tungo akong kwarto para iligo nalang itong nararamdaman ko nung tumunog ang cellphone ko. Pag tingin ko, si Jen ang tumatawag kaya sinagot ko agad.
"Jen, anong nangyari? Kumusta si Tito? Okay ka lang ba?" bungad ko.
"Erah, please come here. Dad wants to see you.." tunog makaawa niya at parang galing umiyak. Oh no. Mukhang malala ito dahil hindi naman basta-basta umiiyak si Jen kung hindi ganon ka-lalim yung reason.
"Okay. Text me saang hospital. I'll be there. Mag bibihis lang ako. Tahan na ha." pag-aalo ko sakanya saka pinatay ang tawag at dali-daling pumasok sa banyo para makagayak na dahil kinakabahan ako sa kung anong nangyayari kay Tito. Hold on, Tito. Isa ka sa tumayong magulang sakin nung hindi na kami nagiging okay ni Daddy. Ikakasakit ko kung ano man ang masamang mangyari sayo.
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
FanfictionHow would you endure the pain everytime the destiny plays?