CHAPTER 08

658 33 1
                                    

"Thank you, Miss, Secretary. I have to go. Thank youu..." paalam ko sa secretary ni Sandro nung madaanan ko ang table niya. Parang nag tataka naman siya pero sinusundan pa din ako ng tingin hanggang sa makalabas ng building. Dun nalang ako nakahinga nang maluwag. Gosh! What's happening to me?! Unbothered naman ako dati pag may mga intense interview pero bakit nung kay Sandro kanina, nanlamig buong katawan ko. Nakakainis!

Inayos ko muna ang tayo ko saka nag lakad na papuntang sasakyan para kunwari confident pa din kahit nabawasan ang astig ko nung kinabahan ako sa pag lapit ng mukha niya. Na nanadya ata! Pagkasakay ko ng sasakyan ay pinaandar ko na agad iyon at umalis na dahil de-deritso na ako sa trabaho ko. I have all the informations that I needed and excited na akong e publish to as an article para hindi na ako matanggal sa trabaho, at para na din matapos na yung assignment ko kay Sandro. Babye na sakanya!

Pagkarating ko ng office ay tumingin-tingin ako sa cubicle ni Jen, mukhang andito na siya kasi andito yung bag niya. Asan na naman kaya yun napunta?

"Hello, Miss, Sagrado. You want some coffee??" Oh not again, John. Tsk! Kelan ba talaga ako lulubayan nito?!

"No. Thank you, Sir." iwas ko at nag lakad na papuntang cubicle ko. Hindi ko alam kung ano na namang trip nito at sinundan pa talaga ako. Great! What a good start to work! Gosh.

"I know you like coffee. Just accept this and you will love me again." he confidently said. Wtf?

"Come again?" napatigil ako sa sinabi niya ay nilingon siya.

"I said, love is in the air. Just drink this." anong connect nung sinabi niya? Love is in the air pala ha. Pa simply kung kinuha yung mini alcohol ko sa bag at inispray yun sa hangin. "What the—" ubo siya nang ubo habang nag tatakip ng ilong saka pinapagpag yung alcohol.

"There. Wala nang love sa air. Now, cho! Madami pa akong trabaho." iniwan ko na siya dun saka pumunta sa table ko. I turned on my laptop at nireview muna ang mga questions at answers niya saka ako mag co-construct nang text for the article. Nag stretch pa ako sa kamay bago magsisimula na sana nung parang humilab ang tiyan ko. Oh no... Hindi pa pala ako nag breakfast. Iniwan ko muna ang trabaho ko saka nag punta sa pantry at nag timpla ng kape saka nag hanap nang pwede makain. Ayokong tanggapin na yung kape ni John, baka may gayuma pa yun at mahulog na naman ako sakanya. Nung makakita ako ng cookies ay yun nalang ang plano kung kainin saka kape, bumalik na kaagad ako sa table at nakita kung tinitignan ni Miss. Kim yung questionares ko. Ayan na naman siya. Wala ba siyang alam sa personal space? Nakakairita!

"Eherm... How may I help you, Miss. Kim?" igham ko nung makalapit sakanya. Yan yung ayoko sakanya eh, masyadong mausisa na ginagalaw na yung gamit ng iba.

"I see you have interviewed Sir. Sandro." kompronta niya.

"I did. Just before I came here." I respectfully answered.

"Oh well. Good. Continue what you're doing." Wait what? Did she just compliment me? Magugunaw naba ang mundo? That's new. What's going on?? Should I say thank you?

"Thank you, Miss." I gracefully said while smiling.

"But I still don't like you." she answered then tumalikod na sakin at umalis. Don't worry, the feeling is mutual but dahil masaya ako sa compliment niya, diko na pinansin pag-tataray niya.

"What was that all about?" muntik na matapon yung kape na bitbit ko dahil sa pag sulpot ni Jen sa kung saan-saan.

"Dang it Jen! I almost spill my coffee..." inilagay ko agad yung kape ko sa lamesa dahil mainit-init yun, buti hindi natapon sakanya.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now