SPECIAL CHAPTER

671 44 61
                                    

"Simon naman eh, di mo naman kailangan ipasara yung buong department store para lang makapamili tayo. Tsk!" kanina ko pa talaga siya sinasaway dahil sa ginawa niya, nakakahiya kasi ang ma aabala pa ang ibang tao.

"Sorry na... I just want you to be comfortable lang eh." he said and really look so sorry. We're on our way to the mall dahil may idadagdag na gamit for baby CJ.

"I'm already comfortable with just strolling on the mall like a normal people, Si. Nalulula na nga ako sa mga PSG and may paganito pang treatment." there. I said it. Lumabas na galing sa bibig ko yung gusto kung sabihin. Nanahimil bigla si Simon habang nag dra-drive and nakonsensya naman ako dahil sakanya ko naibuhos yung stress ko. "Look, adi. I'm sorry. I didn't mean to burst like that. I'm really sorry." I tried to reach his hand but siya na mismo ang umabot sa kamay ko. Bahagya niyang hininto ang sasakyan namin sa gilid ng gaan at hinarap ako.

"I'm also sorry for what I did, adi. It won't happen again." he said and kissed the back palm of my hand. "Sorry na..." then he pouted his lips. How can I say no to this so loving and super Dad?

"Stop pouting your lips. You're already cute." I said.

"Just cute? Am I not handsome anymore?" not with this again.

"Sus! Gusto mo lang masabihan na gwapo ka eh. Oo na, cute ka na nga, gwapo ka pa. Love you!" umakto pa akong ikiss siya pero diko tinuloy kaso kamag-anak pala siya ni The Flash kaya ayon, sapol yung halik niya sa labi ko.

"Much better. Taste like cherry, hmm." sabi pa niya sabay taas-baba ng kilay at pilyo akong tinignan.

"Hoay ikaw ha tigil-tigilan moko dyan sa titig mong ganyan." di nag patinag at nginingitian pa ako. "Mag drive ka na nga para makabalik agad tayo. Baka umiyak na naman si CJ pag wala tayo." palo ko sa balikat niya. Natawa nalang siya saka pinaandar ang sasakyan at nag punta na kaming mall.

Simula nung pinanganak ko si Cj, ni halos ayaw na pumasok ng asawa ko sa trabaho dahil ayaw niya mahiwalay kay baby, nagkaka separation anxiety na nga ata itong asawa ko sa baby namin. We named her Cataleya Juliette. Cataleya means orchid and Juliette is supposed to be my name pero naging Erah. Ang layo noh? In fairness, pangalan at gender lang ang meron ako kay baby Cj dahil lahat ng features niya? Carbon copy lang naman ni Simon, parang pinagbiyak na bunga, girl version ng asawa ko ang anak namin.

Nakarating kami sa mall and good thing hindi gaano karami ang tao, dumeritso agad kami sa department store at dahil pinasara ito ni Simon, ayan kami lang dalawa ang nag libot sa dep store. Kampante naman ako mag punta dito since may naka sunod namang PSG sa amin na halos di mo mapapansin. Nasa baby's section kami at chinecheck ng asawa ko yung diaper changing table. First time namin mamili ng gamit ni baby dahil lahat ng gamit niya na andun sa bahay namin? Puro bigay ni Daddy Bong, Mommy Liza, Daddy at Mommy ko, kay Kuya at Jen and most of all kay Limer. Isa pa yan, spoiled na spoiled na masyado ang anak namin sakanila.

"What do you think about this?" he's asking for my opinion while checking the table if di ba siya madaling mauga-uga. Napaka meticulous niya sa mga bagay dahil ayaw niyang madali itong masira para magamit pa ng matagal. No wonder his clothes and shoes are so good pa, nagagamit pa din niya hanggang ngayon kahit matagal na yun sakanya. We always go in quality over quantity.

"Maganda to oh. It looks so cute. Sana may malaki incase lumaki si Cj pwede lang mag adjust." Komento ko pa. Hinanap ko agad ang sales lady para mag tanong. "Ahm.. Miss? Do you have a bigger model for this diaper changing table?"

"Yes, Ma'am. Right here po." turo niya sa isang banda kung saan naka lagay yung hinahanap namin.

"Oh there. Perfect." akmang-akma sa hinahanap kung laki ang nakita namin.

"It looks good and stable. We'll have it, Miss." approved agad ng asawa ko. Instead na yung model ng table kunin, yung pinakuha ni Simon yung e aassemble pa daw dahil gusto niya siya mag assemble sa bahay. Napaka-butihing tatay naman talaga nitong asawa ko.

Mag kahawak kamay kaming nag tititingin aa mga gamit ng babies nung may nakita siyang family model na matchy-matchy yung damit. Pinagmasdan niya iyong ng matagal at ako na mismo ang nag sabi sa sales lady na kukuha ako ng dalawang size medium at isang extra small na baby size para kay CJ.

"I know you want it so kunin na natin." sabi ko pa. Ako na mismo ang nag sabi dahil na aaliw din ako makita yung picture ng family model na ang matchy ng mga damit. I know my husband really love those kinds of stuffs, ayaw niya lang sabihin sa akin dahil binabudget ko yung mga gagastosin namin tuwing lalabas kami ng bahay. Ayaw ko kasi na gumastos nang gumastos. We don't wanna spend higher than what we earn.

"I knew you liked it. I'm just shy to tell you na bilhin natin." what I love about my husband is that he knows how to listen pag may gusto akong mangyari or ganito ganyan and he knows how to talk when I need some advices or so on.

"Bali 14,458 po lahat, Sir." binayaran na namin yung pinamili namin kasama na yung matchy outfits namin na ang cute-cute at pareho na kami ng asawa ko na masout namin yun.

"Here you go. Thank you." nag request ng pictures yung mga staff and game naman ang asawa ko, nasama pa ako kahit nakakahiya. Si Simon na ang nag bitbit ng paper bag at yung diaper changing table naman ay bitbit ng PSG. Pabalik na kami sa parking lot nung basang-basa yung dibdib ko dahil ang daming lumalabas na gatas talaga sa akin. Malakas dumede si Cj kaya oras-oras may lumalabas na gatas sa akin. I feel my breast swelling dahil sa dami ng gatas. "Your breasts are milking again." concern na sabi ni Simon at inabot sa akin ang jacket niyang bitbit para isout ko yun dahil nabasa na yung breast part ko.

"Kaya nga need na natin umuwi dahil baka hinahanap na tayo ni baby." pag-aaya ko at pbinilisan pa ang pag lakad.

Dali-dali kaming umuwi sa bahay at hindi muna agad nag pakita kay baby, kanya-kanya kaming ligo ng asawa ko. As much as we want to see our baby, galing kami sa labas and we don't want to touch Cj na hindi pa kami naka sanitize or nakaligo. We're not being maarte, we just want her to be safe.

Nauna akong matapos and pumunta na agad ako sa nursery room ni Cj na ngayon ay karga ni Nanay Delia habang pinapatahan dahil iyak nang iyak, hinahanap na daw ako, which is yun yung iniisip ko kanina. Iba pala talaga ang lakas ng isang mother kasi malalaman mo agad kung anong nangyayari sa baby mo.

"Mommy's here, baby. I'm here. Are you hungry na? Okay, okay. Feeding time." alo ko sakanya nung ibinigay na siya sa akin ni Nanay. She automatically became silent and stopped crying.

"Ewan na muna kita, Nak. Ihahanda ko lang yung niluto ko para maka kain ka na din." paalam ni Nanay na tinanguan ko lang. Nakatitig lang ako kay Cj habang dumedede sa akin na pikit ang mata. Hindi madali yung first time siya dumede sa akin, inverted yung nipples ko kaya pahirapan na ma suck niya, buti nalang talaga okay na ngayon para hindi na mahirapan ang anak ko dumede.

"Daddy's here..." pasok ni Simon sa kwarto.

"Shhh... Tamo, dumedede na." I said in a lower voice dahil ayoko magulat si Cj. Lumapit naman agad ang asawa ko at umupo aa sahig, sakto lumebel ang mukha niya sa paa ng anak namin. Kinikiss niya lang iyon habang nilalaro niya kamay ni baby. Ang cute namin tignan na ganito kami ngayon. Tumayo si Simon saka lumipat ng upo sa arm rest ng couch kung saan kami naupo at nakatingin sa amin habang dumedede si Cj.

"I love you..." he said out of nowhere while staring at Cj and now sa akin naman. "I Love youu..." aniya pa na ikinangiti ko. I kissed the tip of his nose at ang tip naman ng ilong ni Cj dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na Mommy na ako. Parang dati lang nung napasok ako sa sasakyan ni Simon while stalking his brother and that's how we met, tapos dati pa tinataboy ko siya dahil hindi ganon kalaki ang feelings ko sakanya din ngayon heto na kami, may sarili ng pamilya, masaya at matibay. Hindi ako nagka mali na piliin ang asawa ko dati pa lang at kahit papiliin man ako ulit ng tadhana, paulit-ulit ko parin pipiliin si Simon. The only person you are destined to become is the person you decide to be.

"I love you too, Si. I love you both so much." I said almost in whisper.


-THE END-

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now