Bakit hindi mawala-wala sa utak ko yung nangyari kahapon. Jusko naman Erah! Akala mo naman first kiss mo yun, pero iba kasi eh. Shocks! Ano ba?! Bakit ba niya kasi ako hinalikan? I mean, wala namang rason to kiss me but he did. What for? Aist!Flashback...
Imbes itulak ko siya ng bahagya ay mas lalo niya pa akong hinapit para mahalikan. Hindi man matagal yung kissing namin, he kissed me on my forehead and promised to protect me no matter what. He gave me a relief for being anxious about what will happen next.
"I won't let anyone hurt you." He said whule cupping my face. Mag sasalita pa sana siya nung biglang tumunog ang pag bukas ng pinto kaya umayos agad ako ng upo. Nagka-moment kami saglit pero feel ko bumagal bigla ang oras.
End of flashback...
Grr! Hindi ko din kinwento kay Jen yung nangyari sa pagitan namin ni Sandro dahil alam ko hindi na ako tatantanan nun sa pangungulit. Back to track muna ako ngayon, iniisip ko parin yung mga possible angles kung si Mr. Ramos ba talaga ang nag push to kill my father. Oo, alam kung madaming galit kay Dad pag dating sa business dahil isa siya sa mga halimaw at kinakatakutang kalabanin ng ibang business owners. Madaming galit sakanya sa business industry but dun lang yun.
"Simon?"
"Hmm? I'm just right here, on your left. Hold on." naramdaman kung lumapit siya sa akin sabay abot sa kamay niya, umalis kasi siya saglit para mag banyo. "There you go. Come along, we're almost there." naka ilang lakad lang kami hangang sinabi niyang nakarating na kami sa pupuntahan namin.
"San ba kasi tayo?" kanina pa ako nag tatanong pero wala akong nakukuhang sagot.
"Ahh... We're here at Inside Out Museum. It's a museum that can also bring joy to those people who have vision impairment." naging speechless ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko alam ang mga lugar na ito nung hindi pa ako bulag? Dati na ba talaga akong bulag sa mga nangyayari sa paligid ko? Kaya ba nangyari ito sa akin dahil cause this is the sign that I was too focused on my work instead of giving importance to the people I love? "Erah? You there?"
"Ah yeah. I'm here. Sorry, lag utak ko. Grabi! I didn't know this place exist. Ano bang nandito?" medyo na excite ako sa kung ano ang meron sa museum na ito.
"Mostly the art collections are translated into 3D objects, tactile and braille, to let the people with vision impairment know that they are also appreciated by the society, to lift them up." My big respect to the owner of this museum. This would really mean to me and to people like me who are blind.
"Who ever owns this place has a big heart for the people who have vision impairment. Nakakatuwa na may ganito pa lang lugar."
"My Uncle owns this place." nabigla agad ako sa sinabi niya. Grabi! How kind is their family to give a chance to let the people who have vision impairment experience this kind of museum.
"Woah. I'm speechless."
"He closed the museum today just for us to enjoy it." pahabol niya pa.
"What?! Oh gosh. Nakakahiya. Sana hindi nalang ganon. I'm okay naman na madaming tao eh." angal ko pa.
"He already made a decision. Besides, ayoko maulit yung nangyari sa Amanpulo." Alam niya pala yung nangyari that time nung kasama ko si Sandro.
"Mag practice ka kaya mag tagalog, Si. Anyways, thanks for bringing me here. Much appreciated."
"Of course. I want you to be happy and to feel normal. What are we waiting for? Let's go?" tumango-tango agad ako sa tuwa at hinawakan niya agad ang kamay ko saka kami pumasok sa loob. "Try this first and try to guess who's on this painting." he guided my hand to touch the painting. I closed my eyes para mag focus ako sino yung nasa painting. This is fascinating. Nakaka-adjust na ako sa mga braille dahil may kinuha si Mommy na private tutor sa akin kaya may alam na ako dun pero iba ito kasi painting yung pinag-uusapan. Challenging but nakaka-enjoy.
"Is this Mona Lisa?" not sure sa sagot ko.
"You got it!" napatalon-talon ako sa tuwa dahil naka chamba ako ng sagot. Ganda dito! "Try this also. Mostly arts here are tactile art, sensory arts. We also have arts collection from Tactile Art Program, made by people who are blind." kwento pa niya. Aliw na aliw ako sa mga art collections na nahahawakan ko kasi parang nakikita ko na rin yun kahit nahahawakan ko lang.
"Ang saya dito. Nag enjoy talaga ako." I heard a click of a camera. "Are you taking pictures of me?" natatawang tanong ko.
"Oh sorry. I'm just happy seeing you happy. I couldn't help not to take photos of you smiling." Oh come on Simon. Huling-huli ka na kumukuha ng litrato ko.
"Nangunguha ka ng pictures ha! Selfie tayo." lumapit agad ako sakanya at siya naman ay inakbayan ako. Mataas siyang tao kaya mag mimistula akong bata pag mag kasama kami dahil hanggang balikat niya lang ako. "Where's the camera? Baka sa imbang direction ako nag smile."
"Your looking at the right direction. 1..2..3 say cheese—"
"Cornbeef." sabi ko then I heard him laugh so hard but then I realized na nakuhanan yun ng picture ang pag tawa niya. Too bad I would see his face na masayang-masaya. Simon is a serious type of person, madalang pa sa blue moon kung humagalpak yan ng tawa kaya sulit talaga when you see him laugh out loud.
"Cornbeef HAHAHAHA why cornbeef?" bakas pa sa boses niya na hindi siya matigil sa kakatawa niya.
"Wala eh, yan una pumasok sa isip ko. Wag mo ide-delete yang photo ha. I'm sure nakunan yung pag tawa mo. Wag mo buburahin. Tubuan ng pigsa mag bura." biro ko pa.
"What? HAHAHAHAHA your goofy side is coming out na naman. Pigsa, what's that?" natampal ko nalang noo ko sa tanong niya. Really? Tumatawa siya tas di niya alam kung ano ibig sabihin ng pigsa?
"Tamo, nakikitawa tas di pala alam ibig sabihin ng pigsa. PIMPLE!"
"Oww pimple. Gross. Fine, I won't delete that pic." he said na parang napipilitan. "Let's go find something to eat." pag-aaya niya. "There's a food park nearby here."
Pinuntahan na agad namin yung food park na sinasabi niya at siya na mismo ang ng order ng food. I wonder ano kaya sinout niya ngayon, baka kasi may makakilala sakanya dito at pagkaguluhan siya bigla. Madali pa naman siya mahanap ng mga fans niya kasi ang puti-puti ng balat niya at likod palang makikilala na agad nila. Yan lagi kasi yung palatandaan ko sakanya nung nakikita ko pa siya.
"Erah?" nabalik ako sa wisyo nung may tunawag sa akin. Wait. That voice sounds so familiar.
"Kim?"
"It is you." walang nag bago, bakas pa din sa boses niya yung pagiging betchesa niya sa akin. "Looks who's here." am I gonna get into trouble? Goodness!
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
FanfictionHow would you endure the pain everytime the destiny plays?