CHAPTER 47

472 32 17
                                    


"Erah, you have to take a rest. You can just continue that after you take a nap." panenermon ni Sandro. After kasi namin kumain, bumalik na ako sa pag harap sa laptop ko.

"No, Sands. It's okay. I'm good. I really have to finish this by tomorrow."

"I insist. You have to take a rest. I'll leave pag alam ko naka tulog ka na." he insisted. Ang kulit talagaaaa...

"Sands, alam kung concern ka pero keri ko na ito. Kumalma ka lang dyan. If you have anything to do, you can go na. I really need to finish this."

"Ang kulit. Fine. As much as I don't wanna leave you, I have a meeting with my client at 3pm—"

"It's fine, Sands. You can leave. It's not your responsibility to take care of me. I'm good na. Busog na ako sa dala mong pagkain kaya makakatulog ako nito any minute." I lied para convincing yung alibi ko.

"Are you sure?" he asks then pouted his lips.

"Yes, I'm sure. I'm fine." I assured.

"Okay, okay. Just call me when you need something. I really have to go." he hurriedly went to my door saka binuksan na para maka-alis. "Take care and I hope you feel better now." then he wave his hand to say goodbye. I nodded then just smiled at him before he closed the door.

I'm tired. Tired for no good reason. I'm tired physically, emotionally, and mentally sa hindi ko alam na rason. May doubts ako sa sarili ko na mahirap sabihin. May mga tanong na laging tumatakbo sa utak ko na kahit ako mismo hindi kayang sagutin.

Hindi pa man ako nag patuloy sa pag ta-type nung may nag doorbell ulit sa pintuan ko. Huh? Baka si Sandro lang tas may nakalimutan. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan agad.

"May nakalimutan ka— Simon?"gulat na gulat kung tanong. "W-what are you doing here?"

"To take care of you sana but I saw Sandro standing infront of your door." parang malungkot siya na makita ang Kuya niya na nandito.

"A-ah? Hinatidan niya lang ako ng food." napakamot pa ako sa ulo dahil hindi ko nga din alam kung anong tamang isasagot ko. "Pasok ka muna.." imbita ko at pinagbuksan siya ng pintuan. Pumasok naman siya saka nag hubad ng sapatos, halatang galing siyang trabaho dahil naka suit pa siya. "May trabaho ka ngayon diba?" tanong ko habang paupo na kami sa sofa.

"I have but I heard your Kuya talking with you over the phone, asking you if you have taken your meds." taray nilang mag-kapatid, nakikinig sa usapan ng iba.

"Bakit di ka sumabay sa Kuya mo pumasok dito? I mean, I don't mind having visitors."

"Cause I respect you and Sandro's time." napatingin agad ako sakanya then he slightly smile. "I know he likes you, Erah."

"Simon..." parang na konsensya naman ako for not telling him na nag confess yung Kuya niya nung isang araw.

"You don't owe me an explanation. If he likes you then so be it." he said sounds so careless. I love how respectful he is sa lahat ng bagay.

"Sinabi ko din sakanya na wag niya akong gustohin, you know, like I said to you."

"You can't stop someone to like you. What you have you to do is to get to know them so you wouldn't regret it in the future." ang hirap. Ang hirap nila hindi itulak palayo. Ako nga na sarili ko naguguluhan din ako tas papasok sila sa buhay ko?

"Ewan ko, Si..." napayuko nalang ako then I felt my tears rolled down my eyes. "Hindi ko alam.."

"Hey..." hindi ko kita ang reaction niya pero dama ko nag aalala siya sa biglang pag iyak ko. Naramdaman kung umusog siya papunta sakin tas niyakap ako. "Just cry if that makes you feel better." he said habang tinatapik ang likod ko. Iniyak ko nalang talaga yung bigat na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga ako pero wala eh, maiiyak ka nalang talaga. Nung maramdaman kung medyo okay na ako, dun na ako kumawala sa pagkakayakap kay Simon.

"Thanks, Si. Thank you dahil hinayaan mo lang akong umiyak." I said they nag punas sa mga luha ko.

"You don't need to thank me. I'm always here for you." yun na nga Simon eh, ikaw ang laging andyan pero bakit hindi sayo nahulog yung loob ko? Nasasaktan akong tinignan siya. He cupped my face then wipe my tears using his fingers. "You don't have to rush things. Let your fate decide." parang nababasa niya kung ano ang sinasabi ng isip ko. Wala akong masagot kundi tango at peking ngumiti. "To cheer you up, let's eat some Bingsu. You love that right?" 

"Paano mo ba nalalaman yung mga gusto ko ha?" biro pero may halo inis kung tanong. Saan niya ba yan nakukuha yung mga information about sakin.

"Secret for now." he said then nag kibit balikat. Iniisip ko nalang talaga kinakalkal niya information ko.

"Ang daya mo. Dika nag sasabi." inirapan ko nalang siya. "bihis lang ako saglit." tumayo na ako saka pumunta sa kwarto para mag bihis. Who would say no to bingsu?

Naka bihis na ako and I decided to wear a black jacket and pants lang then I comb my hair. Lumabas na agad ako sa kwarto after makabihis dahil baka na bo-bored na ni Simon kaka-antay sakin.

"Are you hiding from someone?" bungad niya sakin. "Are we running away from the reality?" napa poker face nalang ako sa sinabi niya. "What? haha.. you look like---"

"Heh! Andami mong sinasabi. Hindi nalang ako aalis." Aktong babalik na ako sa kwarto nung pigilan niya ako.

"Woy! I was just kidding."

"Tara na kase." aya ko saka kinuha ang wallet at phone ko sa lamesa saka lumapit na sa pintuan. 

"Coming." sumunod naman siya agad. "Sungit." he mumbled.

"May sinasabi ka?" tinaasan ko agad siya ng kilay.

"Nothing..." lakas mang-asar eh. Nasa elevator na kami nung mapansin ko na madalang ko nalang nakikita si Vinny.

"By the way, bakit madalang ko nalang nakikita si Vinny. Asan ba siya?"

"He's probably in Singapore right now." He answered. "Why?"

"Nothing. Di ko na kasi siya nakikita these past few days." saktong narating na namin ang basement tas dumeritso na kami sa sasakyan niya.

"Buckle up." he said then start the engine. Nasa kalagitaan na kami ng daan at sa bintana lang ako nakatoun ng tingin nung may nahagip ang mata ko. Si Sandro ba yun?

"Si Sandro ba yun?" hindi ko na mapigilan mag salita. Laking gulat ni Simon ay nakapag break siya agad kaya muntik na ako masobsob pero umayos pa din ako para matanaw kung tama ba ang nakita ko si Sandro na lumabas sa isang resto.

"Where?" inginuso ko agad yung resto kung saan nakita ko lumabas si Sandro na may kasunod na babae tapos pinagbuksan niya pa iyon ng pintuan ng sasakyan. Sino yung kasama niya? Akala ko may ka meet siyang client?

"Sino yang kasama niya?" bulong ko.

"Ayesha?" narinig pala ni Simon ang sinabi ko. Pero teka—Ayesha? Sounds familiar. Asan ko ba narinig yung pangalan niya?

"Ayesha..." tangi ko nalang nasabi nung maalala na siya yung katawag ni Sandro sa hall nung gabing birthday party ni former first lady.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now