"Montilla. This is your new mission!" sabi ni Miss. Kim saka nilapag yung folder sa harap ng katabi ko. Ako na susunod, sana naman yung madali lang hanapin at mabalita. Please...with matching crossed fingers. "Sagrado. Here!" lapag niya sa folder sa harap ko na parang walang gana. As usual. I can smell her bitterness. Bakit ang nipis lang ng folder?! Kahit di ko pa nabubuksan feel ko mahirap ito hanapin?!
"Excuse me, Miss. Kim. Ito lang ba?" magalang ko paring approach. Irita niya akong nilingon at bahagyang tumaas ang kilay.
"May nakikita ka pa bang ibang folder na hawak ko? Malamang, yan na yun." pabalang niyang sagot. Kahit kelan, bastos talaga bunganga nito.
"Baka lang naman kasi tinago mo. You're really good at that naman ever since." pabalang ko din na sagot. Nag tanong ako nang maayos tas ang bastos sumagot. Tumayo na agad ako at kinuha yung folder kahit di pa tinitignan saka lumabas sa conference room. Arrgh! Bad trip na naman ako dahil kay Miss. Kim. Funny na ang taray niya kahit acting head lang naman siya dahil naka sick leave yung head namin kaya ako ngayon pinag-dedeskitahan niya dahil muntik lang din naman ako mapili sa position niya ngayon.
Bumalik na ako sa cubicle at nakita ko na naman yung pakape ni John. Balak niya ba ako patayin? Alam niyang nag pa-palpitate na ako sa kaka-kape tas todo padala naman siya. Pasalampak akong naupo sa swivel chair ko saka hinarap ang table. Stress ako kaya inumin ko na itong kape na bigay niya. Sumipsip muna ako sa kapeng bigay niya bago binuksan yung folder na next mission ko, saktong sumulpot si John at saktong nakita ko yung next mission ko kaya naibuga ko yung kape kay John.
"Ay pucha!" mura ko after maibuga yung kape sa mukha niya.
"Wow. You're welcome. Woh!" sabi niya na hindi gumagalaw dahil nagulat sa naibuga kung kape sakanya.
"Halaka! Sorry, sorry. Here, tissue." dali-dali akong kumuha ng tissue saka pinunasan yung naibuga kung kape sa mukha niya pati sa damit niya. Pinunas-punasan ko iyon kahit di na matanggal yung mansta sa damit niya. "Oh God. I'm sorry Sir. John. You startled me. I... I'm..." hindi ko alam kung matatawa ako or hihingi ng tawad sa itsura niya, parang basang sisisiw.
"It's fine. It's fine. I'll wash this off." parang nandiri siya na ewan sa sinapit niya. Nag lakad agad siya papalayo sakin at pumasok sa office niya. Oh well, atleast lalayuan mo na ako after this.
Kumuha ulit ako ng tissue saka pinunasan ang bibig at saka yung damit ko. Buti nalang walang mansta sa damit kaya keri lang kahit bumuga ng kape kanina. Umupo ulit ako saka tinignan yung lalaki sa folder. Shuta! Hindi ako pweding magkamali. Ito yung mayabang na kinuha yung phone ko para mag pa-picture kahapon eh! Tignan mo nga naman, ang liit naman talaga nang mundo.
"Ferdinand Alexander Araneta-Marcos" nanlaki agad ang mga mata ko pagkabasa sa pangalan niya. Teka, OMG. Tinignan ko agad ang pangalan ng mga magulang niya. Uh-oh! Anak pala siya ni Senator Marcos. Isa sa mga pinag-uusapang pamilya dito sa Philippines. I wonder bakit ngayon ko lang siya nakita. Tinignan ko pa ang ibang informations niya dahil hindi ko alam kung anong point bakit siya ang target ng media ngayon. "Kaya naman pala..." sabi ko sa isip ko. Trending sila palagi ng mga kapatid niya sa internet. Well, gwapo at matatalino naman talaga sila kaya di na nakakapag-takang maraming mag kaka-interesa sakanila.
"Woy! Tulala ka na naman dyan!" sulpot ni Jen sa cubicle na ikinagulat ko.
"Maka pang gulat ka naman?! Kabuti ka ba sa past life mo? Sulpot ka nang sulpot kung saan-saan eh." natawa agad siya sa sinabi ko saka sumandal sa table ko.
"Kape pa more. Yan! Magugulatin ka na. Anyways... Sino ba yang naka assigned sayo?" usisa pa niya. Ipinakita ko agad ang folder na hawak ko kanina na ikinalaki agad ng mga mata niya.
"Oh my gosh! Seryoso?!" mahina ko siyang pinalo sa kamay kasi napalakas yung reaction niya kaya lumingon samin lahat yung co-workers namin.
"Sige lakasan mo pa para lapitan ka na naman ni Miss. Kim." sabi ko saka inirapan siya. Napatakip nalang siya ng bibig nung kinuha ang folder saka tinignan ang information ni Sandro.
"Omg. I kennat!! Ang swerte mo girl! Achhk!!" mahinang tili niya. Siya lang ata natutuwa sa trabahong yan eh.
"Anong swerte ka dyan? Tignan mo nga yung files, ang konti nang laman. Tapos...yun pa talaga yung naka assigned sakin!? Kainis!" pagmamaktol ko. Sa lahat ba naman ng tao sa pilipinas, bakit isang Sandro Marcos pa ang napunta sakin?!
"Choosy ka teh? Hay nako! Ang swerte mo kaya dito. Wag na aarte. Ang gwapo niya kaya, lalo na yung mga kapatid niya. Si Simon bet ko sakanilang tatlo. YIEEE!!" tili niya ulit. Nag taka naman agad ako bakit kilala niya.
"Bakit mo sila kilala? Alam mo ba ibang impormasyon sa kanila?" pinanlitan niya naman ako ng mata na para bang iniisip kung tao ba ako or what?
"Gaga! Maging active ka kasi sa social media, yan tuloy napaghuhuli ka na. Palibhasa, para kang nakulong sa cave. After natin makita sila kahapon nung lunch break, nag search ako about sakanila at napapangiti na ako sa mga videos nila. I KENNAT!!"
"Hoy! Kumalma ka nga. Kanina ka pa tili nang tili, baka maputol yang litid mo sa leeg. Malay ko ba sikat sila. Busy ako sa trabaho kaya wala na akong time minsan mag check ng social media nuh." paliwanag ko.
"Sus... Ang sabihin mo, di ka lang marunong gumamit ng social media. Nakuuu..." ayan na naman siya. "Turuan na talaga kita para naman maging in ka sa mga nangyayari. Makikita mo, kikiligin kana sa kanila kaka nood ng videos nila." panghihikayat pa niya. Hay nako. Mas mabuti pa ituon ko ang atensyon sa trabaho kesa mag scroll lang sa social media.
"Ayon dito sa file, wala siyang girlfriend. Baka isa ito sa ipapa-target sakin na ipapahanap." basa ko ulit sa information niya. Mga 5 pages lang talaga yung napunta sakin kaya hindi ito enough para magawan ko ito ng article. Apaka boring pag nag publish ako ng ganito lang.
"Same sa internet, wala siyang jowa. Nag confirm na din siya sa mga interviews na wala talaga siyang jowa. Ito pa, isa siyang DJ. Party boy kaya lapitin din ng girls." mas madami pa yatang alam si Jen about kay Sandro kesa sa naka state dito sa file niya eh. Ibang klasi din mag imbestiga to eh.
"Hindi pwede na ito lang gawan ko ng article nuh. Napaka-shallow at boring kaya. Hmm... Hanapan ko kaya ng mali?" binatukan niya agad ako.
"Subukan mo lang, baka pagtulungan ka ng mga fans niya." tama nga naman siya. Kuyugin ako ng mga fans niya pag nagkataon but it's part of my job na isiwalat kung ano man itinatago niya.
"Ewan! Mag-iisip pa ako kung anong next step ko. Ikaw, bumalik ka na nga dun sa table mo. Para kang may sili sa pwet, di maka stay sa upuan." pagtataboy ko sakanya na tinawanan lang niya.
"Dahan-dahan ka sa pagkakainis, baka mahulog ka sakanya ha" pang-aasar niya. What a joke! "See ya later!" paalam niya saka umalis na sa table ko. Napasandal nalang ako ulit sa upuan saka nag-iisip ng pweding gawin sa article na ito. Okay, Sandro Marcos, humanda ka na, hahanapan kita ng kung anong mahanap ko sayo.
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
FanficHow would you endure the pain everytime the destiny plays?