CHAPTER 87

360 23 9
                                    


Hanggang isinugod namin si Kim sa hospital hindi ko siya iniwan. I stayed there for life 2 hours just to make sure na ma asikaso siya ng Doctor. Rivals kami ni Kim but I don't want her to die, she deserves to live. Naipit lang siya sa Dad niya kaya niya nagagawa ang mga bagay na yun.

"Erah?" hinanap ko agad kung sino tumawag sa akin. "Oh goodness you're safe. You got me so worried." sabi ni Simon at hinawakan ako sa magkabilang balikat at tinignan ang buong katawan ko. "Why did you do that? Damn it! What if it didn't happen according to plan? You put your life in danger." kita sa itsura ni Simon ang pag-aalala sa akin habang sinisermonan ako. Nginitian ko lang siya at pinagmasdan kung paano siya maging concern sa akin. "Don't give me that face."

"What?" patay malisya kung tanong at nginitian parin siya.

"Stop it." I saw his cheeks turning red. You shy now huh?

"Blushing? Hmm.."

"N-No." sagot niya then looked away. "Don't change the topic. Never do that again, Erah. We are not so sure about your plan but you still did it."

"I have no choice, Si. It's either ako ang lalapit sakanya or hindi na natin siya mahuhuli. Besides, my plan worked, but hindi ko inexpect na mababaril si Kim." napatingin nalang ako sa pintuan ng operating room dahil kailangan tanggalin ang bala na tumama sa may kidney niya. I really hope she would survive.

"I'm glad you're okay. I'm so worried sick while watching the CCTV. Evo and I were nervous when he points his gun at you." I rubbed his shoulder to let him know that I'm okay, safe and calm.

"Natapos na. Wala na kayong dapat na ipag-alala—" I didn't even finish what I'm saying dahil niyakap niya agad ako ng mahigpit.

"We're so proud of you at the same time scared for your safety." he whispered. Tinapik ko lang ang likod niya at hinayaan ko muna siyang yakapin ako.

"Don't worry, okay ako." I assured.

"Ehem..." may biglang naubo sa likod namin kaya humiwalay ako sa pagkakayakap kay Simon. Si Kuya na nakatayo sa likoran namin habang naka crossed arms.

"What?" I asked while raising my eyebrows.

"You did well, Lil sis. That was nerve wracking though but you pulled it successfully." Kuya proudly said.

"Wait. Aren't you even nervous that your sister might get hurt?" tanong ni Simon kay Kuya.

"I trust my sister and her actions. She's not impulsive in decision making so I know she really planned this and she trust me, our guards to execute the plan well. I have nothing to worry, we are not called Sagrado's siblings for nothing." Medjo na touch ako sa sinabi ni Kuya. Nakuha niya talaga ang sinabi ko na "just trust me, Kuya." kaya nagawa ko ng tama lahat according to plan.

"She's indeed genius." taas kilay na comment ni Simon.

"Ikaw nga kinabahan." panunukso ni Kuya kay Simon.

"Obviously cause I care for her. I don't want her to get hurt." depensa pa niya.

"Ahm, excuse me, Sir. Kayo po ba yung kasama nung sinugod dito?" interrupt nung nurse sa pag-uusap namin.

"Ah yes. We're her friends." sagot ko.

"Sir, kindly sign this for her further information." ay wow. Ako ang sumagot pero si Kuya parin ang inofferan tas nakatingin pa siya kay Simon. Kinuha ni Kuya ang pen then binasa saglit ang papers at saka pinermahan.

"Thanks." sagot ni Kuya before returning the pen.

"Ah ahaha.. thank you.." medyo pabebeng sagot ng nurse bago kinuha ang ballpen. Di pa siya makapili ng maayos kung saan siya titingin, kay Simon ba or kay Kuya.

"You need anything else?" tanong ko nung di pa siya umaalis kahit nasa kanya na yung pen at papers.

"Ah wala na po." sagot niya bago umalis pero nag nakaw pa ng tingin kay Simon.

"Thanks." nakangiting sabi ni Kuya pagka-alis ng nurse.

"Kuya, naalala mo pa ba yung kotse ni John, yung lamborghini?" bring up ko.

"Oh yeah! How can I forget about that. I paid for all the damages na ginawa mo. Sirang-sira talaga yung sasakyan niya." pati si Simon ay nakikinig lang sa sinabi ni Kuya kahit mukhang naguguluhan siya.

"Gusto mo gawin ko din yan sa sasakyan mo kapag nalaman kung lolokohin mo si Jen?" banta ko. Malapit pa naman ito sa chicks kaya buti na malaman niyang binabantayan ko siya.

"Why? What did she do to the car?" di na napigilan ni Simon ang mag tanong kay Kuya.

"If only you know, bro. After she found out that her ex got someone pregnant, she hit John's car with a baseball bat so it was flattened and broken." kwento ni Kuya kay Simon na parang di makapaniwala pero mukhang takot.

"Kaya umayos ka Kuya. Dahil kapag talaga nalaman ko na lolokin mo si Jen, hindi lang sasakyan mo ang mapipiraso." banta ko ulit at pinandilatan siya ng mata pati na din si Simon na kita kung napapalunok ng laway.

"Of course I wouldn't do t-that." sagot ni Kuya na kinakabahan. Buti na magka-alaman ng maaga. Ayokong masaktan si Jen at ang magiging pamangkin kapag nag loko si Kuya. "I'll excuse myself. I need to use the comfort room." paalam ni Kuya saka hinanap ang banyo, mukhang natakot sa sinabi ko. Diko talaga yun makakalimotan, galit na galit ako that time tas nakita ko sasakyan niya kaya ayon ang pinag buntunan ko ng galit. Hiningan niya ako ng pampa-ayos pero binigyan siya ni Kuya ng pambili ng brand new.

"Let's get some fresh air outside." pag-aaya ni Simon. Bago pa man kami makalabas ng hospital ay biglang may humigit sa kamay ko.

"Let's talk." sabi niya na hinihingal pa.

"No, she's with me." hinawakan naman ni Simon ang kabilang kamay ko.

"I need to talk to you." giit pa ni Sandro na hindi pa din binibitawan ang isang kamay ko at pilit akong kinahatak papalayo kay Simon kahit hindi din niya ako binibitawan.

"No, Sands. Let go of her! She's with me, can't you see?" higit naman ni Simon sa akin papalayo kay Simon. Parang ma-uunat na ang katawan ko sa hilahan nilang dalawa.

"Oy! Teka, teka, teka!" pigil ko sa pag-aagawan nila dahil ang sakit na ng braso ko. Binawi ko agad ang kamay ko sakanila. "Maka-hila naman kayo parang stuff toy lang?" reklamo ko at inistretch ang kamay ko na nasaktan sa pag hila nila kanina.

"Your coming with me." walang atubili na sabi ni Sandro st hinila ako papalayo kay Simon. Wala na akong nagawa kundi tignan si Simon na ang sama ng tingin sa Kuya niya habang papalayo kami.

"Ano ba Sandro?! Bakit ba?" inis na tanong ko nung makarating kami sa hindi mataong lugar dito sa hospital. Nasa indoor mini park kami ng hospital dahil walang tao.

"You left me without saying a word? Why'd you always do that? Is that how you handle things?" panimula niya na ikinataas agad ng kilay ko at pati ng labi. Really? Yan talaga tanong niya?

"Really? Your asking me that? Bakit? Nung may namuong something between ng ex mo ulit, may narinig ka ba galing sa akin?" hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko. "Oh? Ba't dika makasagot? Kasi totoo. Wala akong katarapatan to demand an answer dahil hindi naman kita pag-aari pero wag ka naman sanang mag bigay ng mix emotions na ikaka-gulo ng utak ko." hindi ko na napigilang ilabas ang saluobin ko kay Sandro dahil pagod na pagod na ako sa ganyang kabigat na nararamdaman ko. "You could have just told me na may something na between you and your ex ulit para hindi ako mag mukhang tanga na makita kayo tas maniwala ako sa mga actions na pinapakita mo."

"No, it's not like that, Erah—"

"IT IS, Sandro. Yun ang lumalabas. Sa totoo lang, mahirap ka mahalin, lahat may kapalit, lahat masakit. Kahit anong gawin ko to make things better, nagiging complicated pa din dahil sa mga pag papakita mong mga motibo sa akin kahit may ini-intertain ka ng iba. Masakit ka mahalin. Yan ang totoo." inibalas ko na talaga ang matagal ko ng tinatagong hinanakit sakanya. Sorry, Sands if you have to hear me this way. This is the only way para mawala yung burden sa utak ko. Masakit ka talagang mahalin. It's like crossing a track even though train is coming.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now