That damn Simon! He knows how to flirt. No wonder he is called Mr, Pa-fall. Isang tingin lang, lahat mababaliw sakanya. Well, not me obviously. Kainis! Naalala ko lang yung sinabi niya kanina, parang na cri-cringe na ako. Ayon, nakatikim nang hadouken, muntik na matumba sa sahig nung tinulak ko. Porket alam na alam niya paano kukunin yung ibang babae eh. Tss! Sorry nalang siya. Not gonna happen.
"Hoy! Kanina pa ako nag sasalita dito, di ka naman pala nakikinig." sabi ni Jen sabay pitik sa noo ko. Ouch!
"Gaga ang sakit! Aray" inda ko sa pinitik niya na noo ko. "Bakit ba?!"
"Tinatanong kita ano ang nangyari nung pinuntahan mo si Simon sa office niya. Spaced out ka yata, you need pampagising?" tanong niya habang ngumunguya. May lumipad pang kanin sa kape ko. Napaka-balahura talaga.
"Don't talk when your mouth is full, Jen. Look oh. Your rice flew to my coffee." sita ko sabay pakita sa kanina na nilipad galing sa bibig niya, buti hindi umabot sa kape ko.
"Sorry." she said then covered her mouth with her hand. "So what happened nga? Did he accept your apology?"
"He did but he also don't like my idea of giving him a peace offering. You know, the polo shirt. He said it's too expensive and hindi naman daw kailangan." I explained.
"May pagka manong vibes siya nuh?" tanong pa niya.
"What do you mean?" kunot noo kung tanong.
"You know, he doesn't like crowded places. Camera here and there, wear expensive clothes, being praised by his fans. The usual manong vibes."
"Ang judgy mo. I'm sure he's just shy and... Not use to fame." depensa ko.
"And now your defending him. Hmm... I smell something." pinanliitan niya agad ako ng mata. Not Jen thinking may gusto ako kay Simon.
"Your smelling yourself. Taposin mo na yang lunch mo dahil mapapagalitan ka na naman kasi ambagal mo kumain."
"Thanks for this. I'm planning to buy my lunch outside pa naman." kinindatan ko nalang siya para tuloy-tuloy na siya kumain at ako naman ay iinom ng kape. Nasa cafeteria kami since lunch time na ako pumasok. Medyo masama yung pakiramdam ko pero gusto ko pa din pumasok para e edit yung article ni Sandro, ayoko yun ipagkatiwala especially kay Miss. Kim knowing na aangkinin niya yun.
"Baby, kumain ka pa. Here some meat pa oh." nilingon ko ang kinauupuan nila Miss. Kim at Sir. John. Si Kimberly na panay ang lagay ng pagkain sa plato ni John na kunwari mapagmahal na girlfriend. Ito namang si John, panay nakaw ng tingin sa gawi namin kaya si Kim, tingin din nang tingin sakin. Baby pa tawagan, sanggol yan?
"Look at Kim. She really thinks your jealous cause John is sitting beside her. Men! They look good together. The arrogant and the copy cat." bulong ni Jen. Siniko ko agad siya dahil baka may makarinig at mag sumbong pa sakanila. Pantay na kami ngayon dahil bumalik na ang head namin after sick leave kaya todo na sipsip si Kim sa lahat ng boss namin dahil parang may ma pro-promote na magaganap.
"Bahala na siya. As if naman babalikan ko pa yang lalaking yan." hindi na ako nag aksayang tignan pa silang dalawa at sumipsip nalang sa kape ko dahil pareho akong walang pake sakanilang dalawa.
"Baby naman. Ayosin na natin yang buhok mo." rinig na rinig sa buong cafeteria yung panghaharot ni Kim kay John. Sinasadya niya talaga lakasan ang boses biya na animoy nag pa papansin na halos mag palit na sila ng mukha ni John sa subrang lapit.
"Umalis na nga tayo dito. Nawala ang gana ko sa pagmumukha nitong dalawa." tinapos na agad ni Jen ang pagkain niya at inubos ko naman ang kape ko saka kami umalis at hindi man lang nag aksayang tignan si John at Kim na halatang trying hard mag papansin.
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
FanfictionHow would you endure the pain everytime the destiny plays?