THIRD PERSONS's POV."ERAH WATCH OUT!" kung gaano kalakas ang sigaw ni Sandro nung masundan niya ang sasakyan ni Erah, ganon din kalakas ang impact ng pagkakabangga ng sasakyan niya sa truck. Gulat na gulat at prumeno si Sandro at agad-agad na lumabas sa kanyang sasakyan dahil nakita niya kung gaano kalakas ang pagkakabangga ng sasakyan ni Erah. Hindi siya makapaniwala at parang nanginginig siyang lumapit sa sasakyan ni Erah pero nanaig pa din yung pag-alala sa babaeng mahal niya.
Sunod namang dumating ang sinasakyan nila Simon at Vinny, dali-dali silang lumabas dahil nakita nilang huminto ang sasakyan ni Sandro. "Jesus Christ! Erah!!!" takot na takot si Simon na napatakip sa kanyang bibig at napasabunot sa kanyang buhok nung makita ang halos nayuping sasakyan ni Erah. Ganon man si Vinny, gulat na gulat at kinakabahan pero kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag ng ambulance.
"Hello? Please we need help. Hurry!" bakas sa boses ni Vinny ang nginig at maiiyak nalang sa kaba. Dahan-dahang lumapit si Sandro malapit sa front seat para e check kung ano ang kalagayan ni Erah.
"Oh fuck." nakita mismo ng dalawang mata niya ang mukha ni Erah na puno ng dugo habang nakasobsob sa manobela at walang malay. Takot ang unang naramdaman ni Sandro nung makita ang babaeng mahal niya na walang malay at halos matabunan ang mukha sa dugo dahil sa pagkaka-disgrasya.
"Her car leaked gas!!" sigaw ni Simon sabay turo sa tumatagas na gas galing sa sasakyan ni Erah. Walang siyang inaksayang oras at nilagpasan ang kanyang kuya na tulala parin sa dinantnang sitwasyon, binuksan agad ni Simon ang pinto ng sasakyan ni Erah para kunin siya ngunit nahirapan ito dahil naipit ang kanyang paa sa ilalim dahil sa pagkayupi ng harapang bahagi ng kanyang sasakyan. "Vinny! Get the crow bar in my trunk!" tumakbo agad si Vinny sa likod ng sasakyan ni Simon at kinuha ang crowbar dahil wala na silang natitirang oras, anytime sasabog ang sasakyan ni Erah dahil sa tumagas na gas.
"Here! Here!" binigay niya agad ang crowbar kay Simon at tumulong. "Will you get your ass in here and help us!" mando ni Vinny sa kuya niyang si Sandro na tulala at hindi alam ang gagawin. Para naman siyang nagising sa realidad at dali-daling tumulong para maiangat ang parte kung saan naipit ang paa ni Erah. "There. Almost.... Almost. Pull a little bit." boung lakas na nag tulungan si Simon at Sandro para maiangat yung parte na iyon at si Vinny naman ang humila sa paa ni Erah na ngayong sugatan at duguan. "There! I got her leg!" he immediately carry Erah papalabas ng sasakyan niya at agad silang lumayo dahil baka maabutan pa sila ng pag sabog.
Saktong dumating ang ambulance at inilabas nila ang stretcher para maikarga si Erah na nakalaylay na ang kamay at animoy parang wala ng buhay. Nilagyan nila agad ito ng oxygen bago isakay sa ambulansya.
"Ako ang sasama kay Erah. You two, you just follow." turo ni Vinny kay Simon at Sandro saka sumakay sa ambulance para madala na agad sa hospital si Erah. Walang nagawa sila Simon at Sandro kundi sumunod nalang pero bago paman yun, kinausap muna sila ng pulis para sa mga ibang detalye saka sila sumunod sa hospital. Hindi pa alam ng pamilya ni Erah ang matinding trahedya na sinapit niya dahil wala pang nagsasabi sakanila kung ano ang naganap.
Sumunod agad sa hospital sina Simon at Sandro pagkatapos tanongin ng mga pulis. Pareho silang takot at kinakabahan para sa babaeng kanilang mahal dahil nakita nila na halos hindi na gumagalaw si Erah nung kinukuha palang nila ito sa sasakyan niya hanggang sa maisakay sa ambulansya.
JENNIKA's POV. (Friend of Erah)
"Si Tito Philip. SIYA BA?!" wth? Nag taka ako kung bakit nadawit ang pangalan ni Daddy sa away nila Tita Melissa at Erah eh wala naman siya dito. Ano bang nangyayari sakanila?! Bakit hindi magkadugo si Tito Franko at Erah? Bakit nadadawit si Daddy sa alitan nilang mag-ina? Marami agad ang nabuong tanong sa isipan ko habang nakikinig sa kanila.
YOU ARE READING
Destiny Played it Well
Fiksi PenggemarHow would you endure the pain everytime the destiny plays?