CHAPTER 44

537 30 24
                                    


"Leave your car here. Your coming with me." he said nung makababa na kami sa basement. Dito na kami dumaan para hindi kami ma issue, although alam ng lahat na under na ako ni Sandro pero ayaw ko parin maging talk of the town especially mainit sa mata ng press ngayon si Sandro dahil may mga upcoming projects siya sa Ilocos Norte na gusto e cover ng media. Ako nga di pa nakaka-cover tas sisingit sila? Haler!

Pinag-buksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan, after ko maupo ng maayos ay saka naman siya lumibot sa driver seat saka pumasok. San ba kami pupunta ngayon? Part pa din ba ito ng trabaho ko? "Where are we going, Sands? Woy baka kidnapin mo ko ha." biro ko.

"Thanks for the suggestion but if that happens, I'll make sure you stay on an island, with me, alone." namilog agad ang mata ko ka sinabi niya. Wth? "Seatbelt please." bumelat nalang ako sa sinabi niya dahil ewan ko kung kikiligin ba ako or what. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan para maka alis na kami. Habang busy siya kaka-drive, ni re-review ko nalang yung mga papers na needed e revise tas tinignan ko yung mga schedule ko. Friday, press conference ni Daddy, sana naman hindi siya gyerahin ng maraming tanong. "Any prob?" ibinaba ko yung mga papers na hawak ko.

"Wala naman, medyo madami lang gagawin."

"Care to share?" he asked.

"Press conference ni Daddy next week and alam ko mostly yung itatanong sakanya yung about sa pagkakatanggal niya sa multi-billionairs' list." na bo-bothered lang ako sa possible na mangyayari. What if Dad lost his temper at mag wala dun? Sana naman hindi.

"To be honest I really admire your Dad before, but then I saw it with my own eyes how he treats you and your mother, I don't think I can give the sympathy." right. Sandro is being vocal how he doesn't like my father treats me but hindi naman niya sinabi na di niya gusto yung Daddy ko.

"I understand your point. I just hope the presscon will be successful..." I was to continue what I'm saying when I heard my phone rang. "Excuse me. I have to take this call. It's Limer." he just glanced at me then look away. Jealous? Only if you know.

"Girl! Si Kim, wala na sa department namin. Jusmiyo. Kinontrata pa si Ex mo. Nalaman na talaga ng lahat na siya yung nag utos. As in, umabot na sa boss natin. Hiyang-hiya si ate mo girl." Limer in a marites mode hits different. "Naku. You could have seen her face after siya pinatawag sa head dep namin. Mukha siyang kinawawa ni  Pharsa." referring sa head dep nila.

"Ibang klasi ka nuh? Nasa ibang bansa ka pero mas alam mo pa yung mga nangyayari sa office kanina kesa sakin?" iba radar nito.

"Sumakto kasi na nag video call kami ni Jen kanina tas ayon napadaan siya sa department namin tas na nakita sa video gaano kawawa ang mukha ni Kim." dahilan niya. Ayan, pag-usapang meanie, Jen at Limer ang best tandem. "Anyways.. tinawagan lang kita to tell you na sa sunday pa ako uuwi, cancelled muna gala natin this saturday."

"Naku. Yun lang pala eh. Okay lang yun."

"Bawi ako sainyo pag-uwi ko. Au revoir mon ami!" (Bye my friend)

"No beggie. à bientôt" (See you soon) then I hang up.

"You know how to speak french?" Sandro asked.

"A little bit."

"Intelligent. Perhaps, is Limer courting you?" deritsahan niyang tanong. Gusto kung humagalpak ng tawa sa sinabi niya. He sounds so threatened kay Limer. "Don't stop yourself. You can laugh."

"HAHAHAHA... No, his not courting me HAHAHAHAHAH..." tawa ko pa kasi ako lang nakaka-relate. Maluha-luha na ako kakatawa pero si Sandro clueless pa din, napapa-iling nalang siya tas nahahawa na sa tawa ko.

"We're here." he said kaya napalingon ako sa kung saan man kami. Manila Ocean Park? Omg! Oh my!! I looked at him in excitement.

"What a coincidence! I badly wanna come here nung isang araw pa."

"Really? Well, what a perfect timing." he shrugged then tinanggal yung seatbelt niya nung maka park na kami. Hindi na ako nag antay na pag buksan niya ng pinto dahil excited akong bumaba.

"Teka, lampas 5pm na. Closed na ata sila."

"Follow me." he offered his hand to me, ayaw ko pa sana tanggapin dahil nahihiya ako pero aarte pa ba? Nag lakad kami papuntang entrance na naka angkla ang kamay ko sa braso niya. We look like a couple going on a date. Ahm what? What did you just say, Erah? Hell no.

"Good evening, Sir and Ma'am. Come in..." nakakapagtaka na pinapasok kami agad-agad eh sarado na sila gantong oras. Nasa kalagitaan na kami ng lobby nung tinakpan ni Sandro ang mga mata ko.

"Woy Sandro ha, baka ipakain moko sa mga shark dito." biro ko.

"Silly. I won't let that happen. Just follow me." inakay niya ako dahil wala akong halos makita. Naka ilang lakad at liko kami bago natigil. "Ready?" I just shook my head. Pag tanggal ng piring ay bumungad sakin ang isang table for two sa gitna ng aquarium na napapalibutan ng napakaraming isda. I was too stunned to speak dahil ang romantic ng scenario. Para kaming pumasok sa isang aquarium at nakiki-salamuha sa mga isda.

"This is so perfect..." tangi ko nalang nasabi sa sobrang saya na nararamdaman ng puso ko.

"You liked it?" He asks and guided me to seat on the chair he prepared.

"I totally loved it. Gosh! But wait. Don't tell me... Oh no Sandro you did not..." I stared at him for a bit to scan kung tama ba ang hinala ko. "Sandro don't tell... Don't tell me binayaran mo ang lugar nato for this?!" gulantang kung tanong. I mean, closed na sila as of this moment pero pinapasok nila kami.

"I don't mind spending my money to date you." he said as if parang candy lang sa tindahan yung binayaran niya. Ang mahal bawat minuto dito tas VIP pa.

"Good Lord. This is expensive, Sandro. I-I... Look. I appreciate you did, Sands but grabi ang mahal dito. Ayokong mag sayang ka ng pera—"

"Spend your time with me and I'll spend all my money just for you." napanganga nalang ako sa sinabi niya. Kikiligin ba ako or magagalit dahil gumastos siya ng malaking halaga para dito? Sumignal lang siya using his hand then nag serve na sila ng food. They even lit the candle na nasa gitna ng table namin. Nag mistulang formal dinner itong surprise niya sakin. "Enjoy, Erah. You deserve this. You deserve to be treated well." he said. Napilitan nalang akong napangiti sa sinabi niya. Ang dating kasi mukhang na aawa siya sakin or over lang ako?

While we were eating, hindi naman kami masyadong nakakapag-kwento dahil hindi ako maka-kibo, hindi pa na si-sink in sa utak ko yung surprise niya. This expensive dinner date just for me blows my mind. Talagang ginastosan niya talaga ito para sakin. After dinner ay dun na kami nakapag-usap ulit pero tumayo siya saka lumapit sa gawi ko.

"Here..." sabay bigay niya sa isang maliit na box. Siya na mismo ang nag bukas saka ipinakita sakin ang laman. It was a necklace with gold horseshoe pendant. "May I?" hinging permiso niya para isout ang kwentas sakin."This is a lucky horseshoe, this will invite good fortune into your life. This is a reminder that the more you believe, the lucky you'll be." he explain while putting on the necklace on my neck. "Now, can I have this dance?" he then offered his hand. Nakangiti ko itong tinanggap saka tumayo. He guide my hand saka ipinatong sa balikat niya then he grabbed my waist closer to him. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisnge ko sa sobrang lapit namin sa dalawa.

"Wala namang music eh." biro ko to divert his attention.

"Let the silence be our music. Dance with me as if we are the only people left on this planet." he said looking into my eyes. Dahan-dahan kaming nag simulang sumayaw. This is my first dance. I haven't experienced to have a debut party kasi wala naman si Dad so useless din, hindi ko din ito naranasan kay John nung kami pa.

"Thank you for doing this. How sweet of you."nahihiya kung sabi. He smiled so sweetly na parang na flattered siya sa sinabi ko.

"You deserve this. You mean the world to me."This is way more special than anything, he made me special tonight. We danced under the majestic view of fishes in the aquarium. Ang saya na nadarama ko ay may katambal na takot na baka ito ay panandalian lang at bawiin ng tadhana.

Destiny Played it WellWhere stories live. Discover now