Simula

18.7K 336 32
                                    

Simula

MULING sinulyapan ni Amelie si Tristan. Tulog na tulog ito habang nakahiga sa kama niya. Paniguradong bukas na ang gising nito dahil sa valium na hinalo niya sa ininom nito kanina. Wala na itong anumang saplot sa katawan at tanging kumot na lang ang nakatabing sa pagkalalaki nito.

Huminga muna siya nang malalim bago sinimulan ang plano niya.

Nilapitan niya ang shoulder bag niya saka inilabas doon ang botelya na naglalaman ng dugo ng baboy. Ipinapuslit niya iyon kay Tere kanina.

Lumapit siya sa kama. Pilit iniiwasan ang nakabuyangyang na katawan ni Tristan para hindi siya ma-distract sa dapat gawin.

Ekspertong nilahiran niya ng dugo ang puting bedsheet. Bahagya niya iyong kinalat na hindi mahahalatang sadyang inilagay lang iyon.

Isinara niya na ang botelya at ibinalik sa bag niya. Sunod ay hinaltak niya ang strap ng suot niyang damit at winarak ang bandang harapan saka iyon hinubad, pagkatapos niyon ay basta na lang ibinato sa kung saan. Ganoon din ang ginawa niya sa suot na skirt at panty. Inilibas niya naman ang makeup kit sa bag saka nilagyan ng pekeng pasa ang kaniyang leeg, dibdib, pati na rin ang kaniyang braso, at ang huli ay ang gitna ng hita niya. Sinigurado niyang waterproof ang makeup na ginamit niya para hindi agad mabura.

Humarap siya sa salamin, mukhang natural ang pagkakagawa niya sa mga pasa. Mariin niya namang kinagat ang gilid ng labi hanggang sa dumugo iyon, pagkatapos ay in-apply-an niya rin ng kulay green at pulang eyeshadow. Ginulo-gulo niya pa ang kaniyang buhok.

Nang makontento sa kaniyang itsura pinatay niya na ang ilaw at hinayaang nakabukas ang pintuan saka siya bumalik sa kama at nakisukob sa kumot ni Tristan.

I'm sorry . . .

Bulong niya sa isip habang yakap-yakap ito. Alam niyang kasusuklaman siya ni Tristan bukas, pero handa niya na iyong harapin kaysa mawala ito sa kaniya habang-buhay.

Mahal na mahal niya si Tristan. Ito lang ang lalaking minahal niya nang sobra kaya hindi siya makapapayag na mapunta ito sa kapatid niya.

Gagawin niya ang lahat kahit manloko at manakit makuha lang ito.

'I'm really really sorry . . . I promise I will love you and take good care of you for the rest of my life . . .' Pangako niya bago pumikit at nagsumiksik sa katawan nito.

NATULALA si Tristan habang nakatingin kay Amelie na umiiyak sa tabi niya habang yakap-yakap ni Tere. Kumot lang ang tanging nakatabing sa katawan nito. Gulo-gulo ang buhok ni Amelie at may mga pasa pa ito sa leeg at kamay.

Naguguluhan siya. Nagising niya na masakit ang ulo niya. Bumangon siya para lang makita si Tito Anton na inaawat ni Tita Lenny, sa tabi ng mga ito ay si Sunny na nanunumbat ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Si Tito Anton ay ama nina Amelie at Sunny. Anak naman ni Tita Lenny si Sunny kay Tito Anton. Kababata niya naman si Amelie at kasintahan niya si Sunny.

"—kill you!" narinig niyang sigaw ni Tito Anton. Sa kaniya ito nakaduro at tila galit na galit. Pero bakit? Kanina pa ito maraming sinasabi pero hindi iyon pumapasok sa utak niya. Ayaw ma-process ng brain cells niya ang mga nangyayari sa paligid niya.

Muli niyang inilibot ang mga mata. Galit na galit si Tito Anton habang inaawat ito ni Tita Lenny na may disappointment sa mukha, sa tabi ng mga ito ay si Sunny na puno ng hinanakit na nakatingin sa kaniya at sa tabi niya ay si Amelie na nakahubad at gulo-gulo ang buhok habang inaalo ng bestfriend nitong si Tere. Pagkatapos ay niyuko niya ang sarili. Wala rin siyang kahit na anong saplot at ang tanging nakakapagpanatiling desente sa kaniya ay ang kumot na nakatakip sa pagkalalaki niya.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon