Chapter XXXV

81 9 12
                                        

NAKATINGIN ako sa salamin habang suot ang lace choker na may pearl sa gitna. Mahaba at bodycon ang embroidered white gown ko. Wala pa akong makeup, pero para na akong perfect bride sa ayos ko.

I was smiling again—like a crazy person.

"OMG! Waaah!" sigaw ni Vanilyn habang tumatalon-talon. "Ang ganda mo, BFF! Sino 'yang designer mo? Magpapa-advance order na ako para sa future wedding ko!"

"Wala ka pang boyfriend, iniisip mo na agad ang wedding gown mo?" I rolled my eyes.

"Siyempre! Kapag pinaghahandaan nang maaga, laging best ang result."

"So, hindi 'best' ang kasal namin ni Sandro kasi ni-rush lang?"

"Excuse me! May exception kayo. Ikaw ang richest girl ng taon, tapos siya ang richest boy. Kaya pag kayo ang nagsama—richest wedding ever!" sabay lahad ng dalawang kamay niya sa ere.

Halos mahulog na ako sa kakatawa. Napahawak ako sa tiyan, at may luha na rin sa gilid ng mata ko—tears of joy, siguro?

"N-nakakatawa ba ako?" tanong niya.

"Oo! Hahaha! Sabayan mo ako." Tangina, paano ba naman ako hindi matatawa—wala namang totoong kasal na magaganap!

"Sige! Sasabayan kita, BFF!" Tumawa na rin si Vanilyn habang hawak-hawak ang tiyan. Papalapit na sana siya sa akin nang mabangga niya ang vase sa gilid. CRASH! Basag.

"OMG! This is a g-gold vase?" bulalas niya, nanlalaki ang mga mata.

"That was Ancient Greek pottery from the 19th century! And it's the only one in the world!" I snapped, nagngingitngit.

"S-sorry na..."

Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Sandro. Nakasuot siya ng wine red tuxedo with a black Latin scarf. Nagbihis lang pala siya sa kabilang room. Wait—bakit hindi ni-lock ni Vanilyn ang door? This is a dressing room!

"What's that noise? Wifey?" Tanong niya habang mabilis na lumapit, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya—na agad napalitan ng pagkabighani. Kumurap ang mga mata niya. His Adam's apple moved.

"You saw her, Sandro! H-hindi matutuloy ang kasal n'yo!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Vanilyn. Hindi ko tuloy alam kung umiiyak siya dahil sa nabasag na vase o dahil nakita ni Sandro ang bride. "Lumabas ka! Tsupi! Tsupi!" Wala siyang tigil sa pagtataboy parang langaw.

Pero hindi siya pinansin ni Sandro. Tuloy-tuloy siyang pumasok at tumingin sa paligid. Natunton niya ang nabasag na vase, tapos ibinalik ang tingin sa akin, para i-check kung okay lang ako.

"Umalis ka na, Sandro!" sigaw ni Vanilyn ulit.

He looked at me from head to toe. One meter lang ang pagitan namin, pero pakiramdam ko parang nasusunog ako sa titig niya.

"You look heavenly, wifey."

You are too. Namula ako.

"T-talaga? Hindi naman," nahihiyang sagot ko habang isinusukbit sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok. Yumakap ako sa braso niya.

"Van, will you take our photo?" tanong niya bigla.

"Huh?" sabay naming sagot ni Vanilyn.

"Pero Sandro, sa Friday pa ang official pictorial natin. B-bawal pa itong gown, hehe..."

"I can buy you ten gowns just to get ten photos of you." Iniabot niya kay Vanilyn ang iPhone niya. Lumapit siya at hinawakan ako sa baywang. Nag-pose kami sa may liwanag.

"Basta kapag hindi natuloy ang kasal n'yo, it's not my fault, okay?" Pa-cute na puppy eyes si Van.

"Sure!" sabay naming sagot ni Sandro. Natawa kami pareho. Hindi ko napansin—nagsimula na pala siyang mag-stolen shots.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon