SUOT ko ang candy red dress na may plunging neckline at long sleeves. Si Vanilyn naman, naka-blue satin maxi dress with a sexy cowl back. Pareho kaming naka-matching Prada accessories. Syempre, dapat coordinated!
Bridal shower ko today!
At bukas... uuwi na si Lolo Alfonso. Which means, ito na ang last chance namin para ituloy ang fake death plan ko.
"Take care," sabi ni Sandro, hawak pa rin ang kamay ko na parang ayaw talagang bitiwan. Kung inalok ko siyang magpa-handcuff sa'kin ngayon din, feeling ko papayag siya.
"Umuwi ka agad, ha? Huwag masyadong inom, huwag masyadong sayaw. May photoshoot ka pa bukas. Gusto kita fully charged, wifey. Ang dami pa nating aasikasuhin before the wedding," dagdag niya, sabay tingin sa'kin na parang may binubuhat na mabigat—parang may kutob na siya.
"Just enjoy your stag party! Don't worry about me—I'm a big girl," sagot ko with a forced laugh, pilit tinatago na may something off.
Ginulo niya ang buhok ko, kaya napa-pout ako.
Right on cue, dumating ang kotse ni Vanilyn—automatic pa, may pa-beep beep pang parang delivery van.
"She's your driver?" tanong ni Sandro, halos matawa nang makita si Van na sumisilip sa bintana na parang nangangampanya.
"We take turns. Ako na magda-drive pauwi."
Tahimik siya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
"Don't you trust me?" I tease.
Hinawakan niya ang baba ko, tapos hinalikan ako. Hindi basta halik—halik na may laman. Mainit ang mga palad niya sa bewang ko habang dahan-dahang lumalapat ang labi niya sa'kin. Kita ko 'yung ibang staff sa paligid, nagtatawanan at kilig na kilig.
Pagkatapos ng halik, lumakad na ako papunta sa kotse.
"Girl, grabe si Sandro! Kung ganyan siya humalik ngayon pa lang, paano pa kaya sa kasal niyo? Pag sinabi na ni Father, 'You may now kiss the bride'? Ay, mas intense for sure!" pang-aasar ni Van habang umuupo ako sa passenger seat.
Wala namang kasal na mangyayari.
Yun na 'yung last kiss namin.
So bakit hindi ko siya hinalikan nang maayos pabalik?
Habang umaandar na ang kotse, tumingin ako sa likod. Nandoon pa rin si Sandro, nakatayo lang, pinapanood akong lumayo.
"Van, stop the car!" sigaw ko bigla.
"Ha?! Bakit?!"
"Just stop!"
Umandar ang preno, halos tumilapon ako sa harapan ng sasakyan.
Bumaba ako agad—walang pagdadalawang-isip. Tumakbo ako pabalik kay Sandro at tinitigan ko siya. Mamimiss ko ang lahat tungkol sa kanya—kahit 'yung amoy niya kapag pinapawisan. Sobrang love ko 'yun. 'Yung dimples niya kapag ngumiti. 'Yung almond eyes niya. 'Yung mahahaba at medyo gaspang niyang kamay...
Pero ang pinaka-mamimiss ko? Kung gaano niya ako kamahal.
"I love you," bulong ko nang mahina.
"Bumaba ka talaga ng kotse para lang sabihin 'yan?" sabi niya, natatawa.
"Hindi. Bumaba ako... para halikan ka pabalik."
Nag tiptoes ako, niyakap siya sa leeg, at hinalikan.
Namula 'yung tenga niya, at lumabas 'yung paborito kong dimples. "I love you too..."
Pagbalik ko sa kotse, biglang naging mabilis ang lahat.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomantikOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
