BUMABA kami sa may SM Rosales. Akala ko kakain muna kami rito sa loob o mamimili ng damit ko—iyon pala, sasakay na kami agad sa tricycle. Medyo nadismaya ako. Huling kain ko pa ay noong nasa Cowboy Grill kami, at tumikim lang ako ng sisig. Pero itong limang oras na biyahe? Itinulog ko lang. Ni hindi man lang niya ako binilhan ng pagkain o inumin. Kahit kanina pa ako nagpaparinig.
"Doon tayo kakain sa bahay. Nagluto si Mama," aniya, na parang nabasa ang iniisip ko. Napanguso lang ako.
Habang nasa loob kami ng tricycle, napansin kong maraming grade school students ang naglalakad sa gilid ng kalsada—nagtatawanan, may nagbabatukan, at meron ding naghahabulan. Ginigisa sila ng init, tapos nalalanghap pa nila ang usok ng mga sasakyan.
Kaya pala kayumanggi ang balat nila—araw sa umaga, usok sa hapon. Ang dudungis pa.
"Seth, bakit may mga magulang na hinahayaan ang mga anak nila maglakad sa ganito? Ang babata pa nila," halos maiyak na ako. Hindi naman ako OA, pero nakakaawa talaga. Paano kung sa ganitong klaseng buhay ako lumaki? Hindi ko kakayanin. Mas pipiliin ko pa sigurong 'wag na lang ipanganak kaysa maghirap ng ganyan.
Napakadelikado sa kalsada! Paano kung may lasing na driver? Ma-hit and run sila? Or worse—ma-kidnap? Uso pa naman 'yon. Walang CCTV, malayo ang police. Grabe talaga.
"Hindi sila mahal ng magulang nila," dugtong ko, habang umiinit ang ulo ko.
"Ona, hindi gano'n nasusukat ang pagmamahal. Sadyang kapos lang talaga sila," aniya, papikit-pikit pa. Bakit parang puyat na puyat siya? Hindi ba siya natulog sa biyahe?
Nag-cross arms ako. I disagree! Marami akong kakilalang mayayaman ngayon na nagsimula sa wala ang mga magulang. So anong pinagkaiba?
"Nasusukat ang pagmamahal sa perang ginagastos mo. Tingnan mo si Daddy—mahal na mahal ako, kaya sa akin pinamana lahat ng kayamanan niya sa Pilipinas. Kung kapos sila sa pera, e di sana, hindi muna sila nag-asawa! Simpleng kaligtasan lang ng anak, hindi pa nila maibigay. Araw-araw nasa panganib ang buhay ng mga bata, tapos nakakatulog sila nang mahimbing?"
I rolled my eyes habang nakatingin kay Seth, kahit hindi siya ang dapat kong sumbatan. Minsan, hindi ko talaga makontrol ang bibig ko pag gutom ako.
"Para po," sabi ni Seth sa driver. Para? Para saan?
Nag-abot siya ng fifty pesos, at may dinukot ang driver mula sa latang puno ng barya. Iniabot nung driver sa akin ang sampung piso. Nagulat ako—ano 'to, pang-wishing well?
Mga ilang segundo pa bago ko na-realize: Ah, sukli ko pala 'to. Grabe, forty pesos lang pamasahe namin. Ganito pala ang buhay dito. Ito siguro ang sinasabi ni Seth na "kapos sa pera." Bigla akong nalungkot. Kung may dala lang akong cash, baka nag-abot na ako ng libo.
Naglakad na kami sa lupang medyo maputik. Nakarating na ako rito dati, pero siguro kakagaling lang sa ulan kaya ang lagkit ng daan. Kawawa ang mamahalin kong sapatos. Hindi pa naman ako nakapagbaon ng gamit.
Pero ba't nga ba ako magbabaon, kung puwede naman akong bumili? Magsho-shopping ako after this. Bongga!
"Kuya!" Tumakbo si Krizza, ang bunso nilang kapatid, at yumakap kay Seth. "Ito na po ba si Ate Rosey? Ang asawa mo po?"
Napatingin ako kay Seth, takang-taka. May idea na pala ang pamilya niya sa pagdating ko?! Bigla akong nakaramdam ng pressure. Hindi ko alam paano magpanggap na kami, kahit wala naman talaga.
Habang papalapit kami sa bahay nila, napansin kong ang daming tao sa labas—may nag-iinuman, may kumakanta sa karaoke. OMG. Masakit sa tenga. Low quality ang mic. I hate that. Sanay kasi ako sa maayos na mic, 'yung kahit off-key ka, gumaganda pa rin tunog ng boses mo. Dito, kahit anong pilit mo, mas lalo ka lang sumasabit.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
