I FINALLY made my decision now. Since hindi naman pala si Seth ang ka-red string ko, I don't think magiging threat pa siya sa buhay ko. I want to talk to him.
Naghintay ako hanggang 1 a.m. bago lumabas ng kuwarto at puntahan yung lugar sa mapa na binigay sa akin ni Sandro. Naka-drawing ang larawan kaya madali kong nahanap ang lokasyon. Ang weird lang, kasi doon pala nag-i-stay si Seth—sa isang treehouse.
Sinigurado ko ring walang ibang makakita sa akin para hindi kami pag-usapan dito sa mansion.
Nagmistula akong magnanakaw sa paglalakad, palihim na nagtatago sa likod ng malalaking furniture. Tingin sa kanan, kaliwa, likod—yuko, stopover. Paulit-ulit 'yon hanggang sa tuluyan kong marating ang mataas na pinto, surprisingly, hindi naka-lock.
Dalawang guard na lalaki ang nasalubong ko kaya agad akong lumuhod at nagtago sa gilid ng basurahan. Shems! It smells so bad!
Dahil sa pagtatago ko, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila.
"Pre, balita ko binigyan ka ni Chairman ng condominium sa BGC at house and lot sa Camaya. Wala ka bang planong mag-asawa? Gago, tumatanda na tayo, hanggang ngayon ikaw pa rin ang single sa ating magtotropa." Narinig ko pa ang kalansing ng mga bote at naamoy ko ang usok ng sigarilyo.
"It's not my priority right now."
"Yabang mo talaga! Porket maraming nakapila sa'yo, hindi ka takot maubusan ng babae."
"Kung ikasal man ako, siguradong walang tatagal sa akin sa pagtulog. Lagi akong binabangungot. Sinusundan ako ng mga kaluluwang napatay ko."
Kumunot ang noo ko at sinilip kung sino 'yung nagsalita. Siya 'yung naghatid sa akin papunta rito sa mansion. Totoo ngang good-looking siya—maganda ang katawan, tisoy ang balat, parang foreigner.
"Ano ba'ng meron sa panaginip mo?"
"Galit na galit. Babalik siya para maghiganti."
"Sino doon?"
"Ang ka-red string ni Onalisa..."
Muntikan ko nang masangga 'yung bote sa gilid ko. Buti na lang at nahawakan ko agad. Kung hindi, baka nakalikha pa 'ko ng ingay at nahuli ako.
"Sila lang 'yon—mga inosente na napatay natin. Pinakamasakit 'yung dalawang magkapatid sa may bintana. Pilit nilang pinagkakasya 'yung katawan nila sa bintana pero ulo lang ang kasya. Nakita pa nga nila ako, nagmakaawa silang ilabas ko sila. Hanggang sa mawalan sila ng malay... nasunog ang katawan."
"Gago ka! Bakit mo kasi sila tiningnan? Dapat umalis ka agad nun, Selo."
Tumaas ang mga balahibo ko at nanlamig ang katawan ko. Selo. Isa siya sa mga pumatay sa pamilya ng ka-red string ko. That name... I would never forget.
Ano pa ba ginagawa ko rito? Narinig ko na ang totoo, pero bakit hirap pa rin akong isiwalat ito?
Kung hindi lang ganito ka-impluwensiya si Lolo Alfonso, matagal ko na siyang isinumbong. Pero ano ba ang magagawa ko? Hawak niya sa leeg ang batas. Kahit magsumbong ako sa pulis, kaya niyang bayaran ang mga 'yon. Kahit 'yung judge, alam kong kaya rin niyang baluktutin.
Sino ba ang makakalaban kay Lolo Alfonso? He's considered one of the richest and most powerful men in the Philippines.
Alam kong may sapat akong pera, at puwede kong gamitin ang social media para pabagsakin siya. Pero hindi ganon kadali. Mababaliktad lang ang kuwento. Ako pa ang lalabas na masama. And worse... baka ipapatay pa ako.
Humawak ako sa dibdib ko at huminga nang malalim.
Langit man sa unang tingin ang mansion na ito, huwag magpapalinlang—dahil ang mga nandirito ay mga kampon ni Satanas. Siguro nga isa na rin ako ro'n. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang ka-red string ko. In short, killer na rin ako.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomantikaOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
