Chapter XXXIV

79 11 7
                                        

TATLONG araw na ang lumipas mula nang umalis si Sandro. Biglaan ang pag-alis niya dahil sa isang importanteng misyon na ipinag-utos ni Lolo Alfonso. Kailangan daw niyang kumbinsihin ang isang multi-millionaire film director na mag-invest sa kumpanya namin.

Matagal na itong pangarap ni Lolo Alfonso—makipag-collab sa director na iyon. Pero dahil sa isyu ng Asian racism, palaging bigo ang mga naunang attempt.

Every year, nagpapadala si Lolo ng sulat requesting for an appointment, pero lahat ay denied. Noong nakaraang taon pa nga, nagpadala na ng representative ang kumpanya namin, pero hindi man lang pinansin. Kaya ngayong taon, si Sandro na mismo ang ipinadala. At ang bilin ni Lolo? "Hindi ka babalik ng Pilipinas hangga't hindi mo siya napapapayag."

Grabe, 'di ba? Ang demanding ni Lolo!

Buti na lang, kaninang umaga ay dumating ang balita: Mission accomplished. Pauwi na si Sandro—and yes, celebration time! Ako ang in-assign ni Lolo para mag-isip ng concept para sa banquet.

Kahit ilang oras lang ang preparation, hindi ako masyadong kinabahan. Hindi naman ito ang first time kong mag-prepare ng event. And since mahilig ako sa fashion at aesthetics, natural na lumalabas ang pagka-creative ko.

Pinili kong venue ay ang botanical conservatory. The theme? Garden of Eden. May floral arches sa entrance, round tables na may malalaking agwat for elegance and intimacy, at punong-puno ng halaman ang venue—parang magical forest sa gitna ng siyudad.

Naalala ko kasi, nabanggit noon ni Sandro na gusto niya ang amoy ng probinsya. Fresh air, no pollution, peaceful vibes. Kaya kahit nasa city kami, gusto kong ma-feel niyang nasa probinsya siya—somehow close to what he loves.

Nagpa-cater din ako ng high-end menu by a celebrity chef. May starter, main course, at dessert—plus vegan luxury options. Dahil vegetarian si Sandro, sinigurado kong lahat ng kakainin niya ay pasok sa lifestyle niya.

At hindi lang 'yan. After dinner, may pa-surprise ako: a dramatic live painter. Isa ito sa mga paborito kong ideas. Alam kong magaling si Sandro sa painting, kaya naisip ko—what better way to entertain him than through something he's passionate about?

Sana magustuhan niya. Kasi lahat ng details na 'to, paborito niya. This banquet reflects who he is—his style, his energy, his soul.

***

Makalipas ang ilang oras, dumating na sila.

Unang pumasok sa main door si Eloisa. She was dripping in luxury—Chanel dress, Gucci bag, Louis Vuitton sandals, and Harry Winston jewelry. Lahat ng suot niya sumisigaw ng "I'm filthy rich."

Sumunod si Sandro. Naka-simple lang—white polo shirt, shades, at isang relaxed na aura.

Napangiti siya agad nang makita ang decorations. Nilapitan niya ako, hinalikan sa labi ng isang mabilis na smack.

"You did all of these, wifey?"

"Sino pa ba sa tingin mo?" sagot ko habang ngumiti.

"Damn! I'm so lucky to have you." Hinalikan niya ulit ako.

Napayakap ako sa kanya. Hindi ko napigilan. Tatlong araw kaming hindi nagkita—tatlong araw na parang kulang ako. Sayang ang mga araw na 'yon. Sana nag-bonding na lang kami.

"Wifey?" tanong niya.

Oo nga pala, nakayakap pa rin ako.

Ramdam kong maraming nakatingin, pero I couldn't care less. Lumabas na ang pagka-clingy ko. Buti na lang, hindi na siya tulad ng dati—yung mailap at umiiwas kapag masyado akong madikit.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon