Chapter XXXIII

93 8 8
                                        

AKO na lang mag-isa rito sa loob ng treehouse. Tulala sa kawalan habang nililipad ng malakas na hangin ang aking buhok. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Sandro—kung paanong iniligtas niya si Seth kahit nasaksihan niyang hinalikan ko ito.

Lahat ng nakakita, hinusgahan ako. May ilan pa ngang gustong ipahiya at parusahan ako. Pero si Sandro? Siya ang pinaka nasaktan, pero siya rin ang unang naghanap ng solusyon.

"Ma'am Onalisa." Tinawag ako ni Xianne habang paakyat sa hagdan. May dala siyang tray ng pagkain. "Pinapahatid po ni Sir Sandro. Breakfast daw po para sa inyo."

Napahawak ako sa labi ko at pigil ang luha. Naalala ko ang tawag ko sa kanya kanina, 'yung biro kong dalhan niya ako ng pagkain kasi gutom na gutom na ako. Matapos ang lahat... naalala pa rin niya 'yon?

"Ma'am, pareho po kayo ni sir na umiiyak," sabi ni Xianne, walang pakundangan.

Umiling ako agad. "Hindi ako umiiyak, duh," sabay irap ko sa kanya.

Inilapag niya ang tray sa mesa. Pasimple ko itong sinilip: waffles with almond butter, Greek yogurt, at tubig. Kinuha ko lang ang tubig at uminom. Walang gana.

"Hindi ko po dapat sabihin, pero may sugat daw po ang dalawang kamay ni sir. Ayaw niyang magpahawak sa iba. Sa tingin ko... ikaw lang ang papayagan niyang gamutin siya."

"Concern ko si Seth, hindi siya." Ibinaba ko ang baso at inusog ang tray. Obvious? Tapos na ako.

"Umiiyak ka po kasi... akala ko dahil kay Sir Sandro."

"Si Seth ang dahilan ng pagluha ko," mabilis kong tugon. Halatang gusto ko ng katahimikan. Hindi niya ba napapansin?

"Eh 'di inamin niyo pong umiiyak kayo," sagot niya, sabay ngiting-inosente.

"E! Sabi nang hindi!" Napataas ang boses ko.

Yumuko siya at bumaba ng tahimik.

"Xia! 'Yung pagkain, kunin mo! Tapos na ako!" sigaw ko mula sa bintana. Hindi siya lumingon. Mabilis ang lakad—halatang gusto agad makalayo. Ugh.

Bumalik ako sa pagkakaupo at matamlay na tinitigan ang tray.

So I guess I don't have a choice.

***

Nasa tapat na ako ngayon ng kuwarto ni Sandro. Hawak ko ang medical kit. Hindi pa man ako kumakatok, bumukas bigla ang pinto—nagulat kami pareho.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong niya, may pag-aalala.

Itinaas ko ang medical kit na parang bata. "Gagamutin ko sana 'yung sugat mo. Pwede ba akong pumasok?"

Wake up, Ona. Bakit ka pa nagtatanong? Bahay mo 'to!

Pinagmasdan niya ako ng matagal. Parang 'di makapaniwala sa asal ko. Pero binuksan niya pa lalo ang pinto at binigyan ako ng espasyo. Pumasok ako.

Halos kasinglaki lang ng kuwarto ko 'to. Kung tama ang hinala ko, ito ang kuwarto ni Daddy noong binata pa siya. May Jacuzzi pool sa loob. Hinanap ko ang remote ng aircon at binuksan. Ang init kasi. Samantala, sinarado naman ni Sandro ang mga bintana at sliding door papunta sa balcony.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinapik ito—senyales na pinauupo ko siya. Pero sa kabilang dulo siya naupo. Ang layo. Hala siya. Ano ako, si Lastikman?

Kinuha niya ang medical kit at inilagay sa tabi niya. "I'll take care of myself. Just sit down. I have no plans of turning my wife into a nurse," malamig niyang sabi.

At ayan na naman. Ibang klaseng butterflies sa tiyan ko.

Lumapit ako ng kaunti at bigla kong hinablot ang kanyang kanang kamay. Magaspang. Malaki. Malayo sa malambot at maliit na kamay ni Seth.

"What are you thinking, wifey?"

Namula agad ang pisngi ko. Nakakahiya—hawak ko pa rin ang kamay niya. Agad ko itong binitawan at binuksan ang medical kit. Inisa-isa ko ang laman: bandages, gauze, tape, scissors, tweezers... Nag-gloves ako at binuklat ang first aid manual. Paano ba gamutin 'to?

"No'ng tumawag ka kanina, sabi mo may mahalaga kang sasabihin. Ano 'yon?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Wala naman talaga akong plano—gusto ko lang siyang makita.

"You were just drunk... you kissed him because you thought it was me."

"Sandro... huwag ka nang magpakatanga. Obvious namang hindi ako uminom."

"I don't understand why you kissed Seth. But I know it's me you love, not him."

Binuhusan ko ng alcohol ang sugat niya. Tiningnan ko ang reaksyon niya habang iniinda ang hapdi. Kinuha ko ang gunting.

Napasigaw siya nang gupitin ko ang balat na bukas. Para tumigil, binuhusan ko ulit ng alcohol. Napapikit siya, halatang mangiyak-ngiyak.

Kinuha ko ulit ang manual. Binasa. Teka... oh my gosh. Mali pala 'yung pagkakabasa ko! Ang dapat pala, gupitin ang bandage—hindi ang balat!

Napahawak ako sa mukha ko. Nakakahiya. Ano bang ginagawa ko?

"Ona... ayos lang. Hindi naman masakit," ani Sandro, nakangiti. Kinuha niya ang Band-Aid at siya na mismo ang naglagay.

"Sinungaling! Bakit ayaw mong aminin na masakit? Bakit ayaw mong magalit sa 'kin? Bakit hindi mo ako sigawan sa ginawa ko!?"

Sa inis, binato ko ang medical kit sa sahig.

"Paano ko magagawang magalit sa taong mahal ko?"

Umiling ako. "Hindi mo dapat tino-tolerate 'yung ugali ko! Paano kung ulit-ulitin ko? Hindi pa nga tayo kasal, paano kung mauwi lang sa divorce lahat? Hindi ka ba natatakot?"

Tahimik siya ng ilang segundo. "Yes, I'm hurt. I'm trying to understand you. But none of these matters. Whatever your relationship is with Seth, I believe it ends here. I trust you... more than anyone else."

Hindi ako makapaniwala. After all that, pinatawad niya agad ako?

Grabe. Ang martir naman ng asawang 'to. Sana lang talaga, 'yung nakatali sa red string niya ay hindi siya lokohin. Bihira na lang ang lalaking tulad niya—hindi sumisigaw, hindi nananakit, hindi nagwawala. Sobrang kalmado kahit siya na ang niloko.

Pero tama siya. Mahal ko siya. Hindi ko kayang saktan si Sandro.

Sunod-sunod ang luha ko habang yumakap ako sa bewang niya. Pinunas ko ang luha sa t-shirt niya.

"Ona..." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Pinapatahan ako.

"Thank you for believing in me."

Simula noon, hindi na niya ako tinanong tungkol sa amin ni Seth. Wala akong naramdamang nabawasan sa pagmamahal niya. Ang totoo, mas naging malambing pa siya.

Minsan nga naiinggit ako sa kung sino man ang taong kapareha niya sa red string. Napaka-pure ng puso ni Sandro. Mapagpatawad. May negative man siya—misteryoso, tahimik, reserved—pero ni minsan, hindi niya ako sinaktan.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon