KUMAKAGAT ako sa cheese pancake ko nang pumasok ako sa reception room kung nasaan ang dalawa kong bisita.
"Omg! Onalisa!" Sinakal ako ni Vanilyn sa yakap. Halos mabilaukan na ako dahil kasusubo ko lang ng pancake. "Congrats at may baby ka na! I'm so happy dahil si Sandro ang pinili mo! Alam ko naman kung gaano ka kabaliw sa kanya noon pa!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Ako, baliw? Did I hear that right?
Sunod na lumapit sa akin si Liam Sand. Tiningnan niya ako nang puno ng pagtataka.
"How did I become the best man?" Nakasuot siya ng eyeglasses. Inalis na niya ang contact lens niya. Bumabalik na rin siya sa pagiging nerd, pero sana mapanatili niya ang muscles niya sa katawan. Hindi kasi talaga bagay sa kanya ang patpatin. He looked like a loser before, now he looks manly.
Si Vanilyn naman ay nagtanong kay Liam kung totoong best man nga siya sa kasal. Maging siya ay hindi makapaniwala.
"I got an email invitation from Sandro. He asked me to be his best man."
"Liam, ayokong makasabay ka sa aisle! I'm the maid of honor and you're the best man! The world would be crazy about us!"
"Don't be delusional, Van. You're the only one going crazy—the world doesn't care about you."
"Talaga? Kaya pala gumuho ang mundo mo nang maghiwalay tayo!"
"Are you mad? Bitter? You know I never loved you like that!"
"Eme ka, bigla kang nag-glow up nung naghiwalay tayo..."
"I did it for myself, not for anyone else!"
Nag-away na naman silang dalawa na parang aso't pusa. Nakalimutan na yata nila ang presensya ko.
May past din kasi ang dalawang ito. After I broke up with Liam Sand, ginamit niya si Vanilyn as a rebound. Tumagal naman sila ng isang taon, kumpara sa relasyon namin na ilang buwan lang.
Laging sinasabi ni Liam na ako ang true love niya kaya raw sila naghiwalay kasi hindi pa siya nakaka-move on. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Feel ko rin kasi nitong mga nakaraang araw na interesado pa rin sa akin si Liam. Pero pagdating kay Vanilyn, parang ang bitter pa rin nila sa isa't isa, as if they're both still affected.
Tutal hindi na rin naman nila ako pinapansin, pumunta na lang ako sa lababo para hugasan ang hawak kong plato.
"Ma'am, kami na po ang bahala," sabi ng isang maid sa gilid ko. I have two maids and two guards na laging nakasunod sa akin.
"I want to do it on my own." Hindi na lang sila sumagot.
Nakakapagod na. Kahit saan ako pumunta, laging may nakabuntot sa akin na katulong at bodyguard. Naging istrikto sila simula nang babaan namin ng video call si Lolo Alfonso. Feeling yata niya tatakas na ako.
Tama naman siya ng hinala... sino bang tatagal sa ganitong bahay?
Nang matapos akong maghugas, nagtungo na ulit ako sa reception room kung saan may fireplace. Dalawang C-shaped na sofa ang magkaharap habang may dalawang maliit na lamesa sa gitna. Umupo na ako at tumabi sa akin si Vanilyn. Si Liam naman ay naupo sa tapat ko. Mabuti naman at tumahimik na silang dalawa.
Nilingon ko ang apat na staff sa gilid ko.
"We want privacy. And please call my... ugh, husband."
"As you wish, madame." Yumuko sila at umalis.
Puwede naman silang umalis kapag kasama ko si Sandro. Pero kapag wala, required talaga silang bantayan ako. Galing, 'di ba? Walang tiwala si Lolo Alfonso sa akin.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
